Is Ruffa Gutierrez the "new girlfriend" of Herbert Bautista that Kris Aquino is referring to?

by Rachelle Siazon
Nov 25, 2021
Ruffa Gutierrez new girlfriend Herbert Bautista, Kris Aquino
Ruffa Gutierrez (left) on being linked to Herbert Bautista: "Why don’t they question Kris and ask who she was referring to or ask Bistek if he really does have a beautiful girlfriend and who this lady is? I can’t answer that and assume it’s me." Seen in photo are Ruffa, Herbert, and Kris Aquino.
PHOTO/S: Instagram / Jerome Ascano for PEP.ph (Herbert)

Magkarelasyon ba sina Ruffa Gutierrez at Herbert Bautista?

Ito ang usap-usapan ng netizens matapos ang rebelasyon ni Kris Aquino na may "new beautiful girlfriend" si Herbert ngayon.

Kaugnay ito ng pag-alma ni Kris sa pag-ungkat ni Herbert sa naudlot na relasyon nila noon.

Ang mensahe sa kontrobersiyal na tweet ni Hebert noong November 18: mayroon itong "#TOTGA" o The One That Got Away na pinanghihinayangan at nais sanang pakasalan.

Nahulaan ng netizens na si Kris ang tinukoy ni Herbert na "TOTGA."

Pero apela ni Kris, huwag nang gamitin ni Herbert sa kampanya para sa 2022 elections ang kanilang nakaraan dahil bukod sa may closure na sila ay may kanya-kanya na silang karelasyon.

Si Kris ay engaged na kay dating Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Mel Sarmiento.

Bahagi ng Instagram post ni Kris noong November 20: "BUT i did tell you, BEFORE i told anybody else, that my version of ME AFTER YOU had already begun.

Continue reading below ↓

"It's common knowledge that you're now in a new relationship with a beautiful girlfriend...

"so if you need to talk about your love life, please talk about your present, not your past."

RUFFA CLAIMS "ADMIN" WAS BEHIND HERBERT'S "TOTGA" TWEET

Naugnay si Ruffa sa isyu dahil noon ding Sabado, November 20, ay may pahapyaw siyang depensa kay Herbert.

Nag-tweet si Ruffa na hindi si Herbert kundi isang "admin" ang may hawak ng Twitter account ng dating Quezon City mayor.

Tila nainis pa si Ruffa dahil old news na raw ang sinasabi nitong "TOTGA" ni Herbert at hindi na dapat inungkat pa.

"Dearest Admin of @Bistek858,

"Pwede ba, ayusin mo mga tweets mo. Make them RELEVANT & CURRENT.

"Hindi ka nakakatulong, nakakasira ka pa.

"Huwag mo ng buhayin yung mga matagal ng patay at nananahimik na issue. OR ELSE …you’re FIRED!!!"

Ruffa Gutierrez tweet about privacy and being happy

Hindi malinaw kung paano nasabi ni Ruffa na "admin" ang may hawak ng account ni Herbert, gayong walang ganoong binanggit si Herbert nang humingi ito ng dispensa kay Kris.

Kung nagkausap man sina Ruffa at Herbert hinggil sa isyu ay palaisipan pa rin sa ngayon.

RUFFA'S CRYPTIC POST ABOUT "PRIVACY" and being "Happy"

Hanggang sa may mangilan-ngilang napagtani kung si Ruffa nga ba ang "new girlfriend" ni Herbert.

Nakatawag ng pansin ang matalinhagang tweet ni Ruffa noong Lunes, November 22.

Tila nagpahiwatig siya tungkol sa isang bagay na nagpapasaya sa kanya pero nais niyang manatiling pribado.

Tweet ni Ruffa: "Social media has made us so eager to show and tell but there is BEAUTY in PRIVACY.

"Everything isn’t meant to be on display.

"It’s perfectly fine not to overshare and to keep some things for you.

"I don’t need validation from strangers because I’m genuinely HAPPY."

Ruffa Gutierrez tweet about privacy and being happy

Continue reading below ↓

RUFFA NEITHER CONFIRMS NOR DENIES BEING LINKED TO HERBERT

Malinaw na nakarating kay Ruffa ang tanong kung sila nga ba ni Herbert.

Noong Martes, November 22, nag-tweet si Ruffa na nakakatanggap siya ng mga mensahe tungkol sa isyu.

"For everyone messaging me since Saturday, I apologize for not answering. Please read nalang po this article. Thank you and have a great day!"

Kalakip nito ang ulat ni Jun Lalin ng Abante kunsaan hindi kinumpirma at hindi rin itinanggi ni Ruffa kung magkarelasyon sila ni Herbert.

"Unang-una sa lahat, maraming salamat sa lahat ng mahal kong entertainment press at sa media, pati na rin sa iba pa, for thinking that I’m the ‘beautiful girlfriend’ Kris Aquino was referring to in her post.

"At least BEAUTIFUL ang tingin n’yo sa akin at hindi pangit," saad ni Ruffa.

Herbert Bautista and Ruffa Gutierrez

Continue reading below ↓

Dagdag niya: "But seriously, why don’t they question Kris and ask who she was referring to or ask Bistek if he really does have a beautiful girlfriend and who this lady is?

"I can’t answer that and assume it’s me. That’s all for now."

Sina Ruffa at Herbert ay nagkatambal bilang mag-asawa sa online romantic-comedy series na The House Arrest of Us, na pinagbidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Ipinalabas iyon sa online platforms ng ABS-CBN mula October 2020 hanggang January 2021.

Ruffa Gutierrez, Kathryn Bernardo, and Herbert Bautista on The House Arrest of Us

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Use these Adidas PH promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ruffa Gutierrez (left) on being linked to Herbert Bautista: "Why don’t they question Kris and ask who she was referring to or ask Bistek if he really does have a beautiful girlfriend and who this lady is? I can’t answer that and assume it’s me." Seen in photo are Ruffa, Herbert, and Kris Aquino.
PHOTO/S: Instagram / Jerome Ascano for PEP.ph (Herbert)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results