Ritz Azul, Allan Guy to hold second wedding in Palawan

by Arniel C. Serato
Nov 25, 2021
Ritz Azul second wedding to Allan Guy
Ritz Azul on second wedding to husband Allan Guy: "Ang mangyayari, dalawa yung wedding namin. Pagkatapos nitong sa Baguio, susunod yung sa Palawan.”
PHOTO/S: Courtesy: @paolonierves @erronocampo @mymetrophoto on Instagram

Ikakasal muli ang aktres na si Ritz Azul at mister niyang si Allan Guy ilang araw mula ngayon.

Gaganapin ito sa kanilang dream wedding distination, ang Palawan.

Ito ay para raw sa iba nilang mga kaibigang hindi naimbitahan sa kanilang kasal na naganap sa Baguio City noong November 20, 2021.

Pagtatapat ni Ritz, ang Baguio wedding nila ni Allan ay hindi talaga ang una nilang plinanong kasalan.

Kuwento ng aktres, “Ang nangyari kasi talaga, yung Palawan talaga ang pinlano namin, kasi dream wedding namin, beach wedding.

“Ayun, natapos na namin yung planning, ganyan. Pagkatapos ng planning, tinitingnan naman namin yung guest namin, ‘Makakapunta ba 'to sa Palawan? Hindi ba siya mahihirapan sa pag-travel?’

“Tapos sakto rin, nag-ask yung dad niya, nag-suggest yung dad niya na magpakasal kami dito malapit sa Metro Manila para makapunta yung lola niya na 91 years old.

“E, na-plan na namin lahat sa Palawan, as in plantsado. Dapat sa Palawan talaga kami ikakasal.

Continue reading below ↓

"So, nag-suggest yung tatay niya na dito na lang gawin.

“’Di ginawa namin sa Baguio, na land travel lang, na makakapunta yung immediate family, yung lola niya, yung ninong-ninang.

“Bale ang mangyayari, dalawa yung wedding namin. Pagkatapos nitong sa Baguio, susunod yung sa Palawan.”

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ritz sa Calamansi App podcast nitong Miyerkules ng gabi, November 24.

“HINDI SIYA NAGSESELOS”

Nagkuwento rin si Ritz tungkol sa love story nila ni Allan.

Noong nasa ligawan stage pa lamang sila, nais daw ni Ritz na tapusin na ang ugnayan nila ni Allan. Pero hindi ito natuloy.

Kuwento niya, “Actually, nung day na yun na sinabi ko na babastedin ko na siya, ang sabi mag-stop na siya, maghanap na siya ng ibang mas deserve niya, umiiyak ako nun, di ko alam bakit.

“Parang ayaw ko siyang i-let go talaga. Sobrang pinipigilan ko yung iyak ko. First time kong ma-feel yun.”

Dagdag pa ni Ritz kung bakit siya umiyak: “Kasi wala naman akong nakikitang mali sa kanya o pangit.

“Hindi naman masama yung intensiyon niya, sobrang okay lahat.

“Kaya lang, nung time na yun talaga, nag-start yung career ko, tapos hindi pa rin ready ang parents ko, parang ang sakit sa loob ko na i-sacrifice ko siya.

“Pero in fairness naman, after nun, nag-go with the flow na lang din ako and nag-ask din ako sa parents ko and umokey din naman sila. Naging maayos din naman lahat.

“Parang nung time na yun kasi, nakita ko na rin kung anong intensiyon niya talaga.

“Kasi sabi ng papa ko, pinakabilin-bilinan niya, sa isang lalaki or kahit kaninong kaibigan, huwag akong makikipagkaibigan sa isang tao na ihihiwalay ako kung saan ako galing, like yung family ko.

“Siya, todo-suporta naman siya, wala namang ganung intensiyon. So, ‘Let’s see,’ sabi ko sa isip ko.

“Parang too good to be true ang mga sinasabi niya, sabi ko, let’s see kung ano man ang mangyayari.”

Continue reading below ↓

Mula raw noon ay naging smooth-sailing na ang takbo ng kanilang relasyon.

Pero may isa raw ugali si Allan na kinaiinisan ni Ritz: “Yun nga, e, naiinis ako, hindi siya nagseselos.”

HOT STORIES

Use these MetroMart promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ritz Azul on second wedding to husband Allan Guy: "Ang mangyayari, dalawa yung wedding namin. Pagkatapos nitong sa Baguio, susunod yung sa Palawan.”
PHOTO/S: Courtesy: @paolonierves @erronocampo @mymetrophoto on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results