McCoy de Leon says partner Elisse Joson is "worth it talaga"

by Arniel C. Serato
Nov 25, 2021
McCoy de Leon thanks Elisse Joson for her gift
McCoy de Leon grateful to Elisse Joson for her gift: "Salamat @elissejosonn ko alam ko na akala mo hindi ko na-appreciate ito. Maniwala ka man o sa hindi hindi ko to makakalimutan."
PHOTO/S: Courtesy: @mccoydeleon / @elissejoson on Instagram

Napagtanto raw ni McCoy de Leon na bigay talaga sa kanya ng Poong Maykapal ang partner si Elisse Joson.

Sa kanyang Instagram post nitong Miyerkules ng gabi, November 24, ibinahagi ni McCoy ang kanyang saloobin tungkol sa pagdating ni Elisse sa kanyang buhay.

Sinimulan niya ito sa pamamagitan ng pagbalik-alaala tungkol sa hindi pagbili ng formal shoes.

Tatlo o apat na taon na raw ang nakalilipas mula nang bilhin ni McCoy ang kaisa-isa niyang dark shoes para sa mga formal event o okasyon.

Ani McCoy, “Isa sa hindi ko na-invest noon ay sapatos (dahil may stylist ako hehe)

“Hindi ako mahilig sa mga mamahaling bagay o materyal at ganun ako as a person.

“Mayron akong formal black shoes na lagi ko nang ginagamit simula pa ng ball almost 3-4years ko na siya ginagamit.

“Then, narealize ko na yun lang pala ako formal shoes ko simula noon.”

Ngayong may sarili na siyang pamilya at isa nang ama, saka lamang ulit nagkaroon ng bagong formal shoes si McCoy.

Continue reading below ↓

Ito ay galing sa kanyang "girlfriend" na si Elisse.

Lahad ni McCoy, “Tapos ito na may pamilya na ako at isang ama.

“Nagkaron kami ng girlfriend ko ng isang dinner with friends tapos in ask niya ako anong formal shoes ko. Sabi ko, ‘Mayron akong black shoes dyan,’ kaso hindi bagay sa damit ko so nagwhite shoes nalang casual.

“Hanggang dumating ang kinabukasan ng gabi binilhan niya ako ng dalawang sapatos na formal.

Nabagbag daw nang husto ang damdamin ni McCoy sa regalong ito sa kanya ni Elisse, at kung gaano kaimportante sa kanya.

Saad niya, “Hindi ko man napakita na sobrang tuwa ko pero hindi niya alam kung gaano kahalaga sa akin yun.

“Hindi dahil sa materyal na bagay kundi sa naisip niya ako, na maging maayos at pinaramdam niya na mahalaga ako sa kanya .

“Napasabi nalang ako na, ‘Worth it worth it talaga tong babae to, ang swerte ko sa kanya. Thank you God binigay mo siya sa akin.’

“Hindi man ako nakapag invest sa materyal, nakapaginvest naman ako sa taong mamahalin ko ng lubos at may bonus pang batang sobrang bait at maganda pa. [heart emoji]”

Dagdag pa ni McCoy, “Salamat @elissejosonn ko alam ko na akala mo hindi ko na-appreciate ito. Maniwala ka man o sa hindi hindi ko to makakalimutan.

"Kaya nga hindi ko tinatanggal yung price para makita nila na mahal to, na galing sa mahal ko eh hehe. Sobrang thank you I love you so much!”

View this post on Instagram

A post shared by Mccoy De Leon (@mccoydeleon)

Sa comments section ay sumagot si Elisse.

Aniya, "worth it" din si McCoy.

Buong mensahe ni Elisse: “Aba naman ang mahal ko.. [smiling face emojis] thank u for appreciating. Worth it ka! I love you! [heart emoji] paki tanggal na ang price tag... hahaha ikaw talaga.”

Elisse Joson's message to boyfriend McCoy de Leon

Continue reading below ↓

Marami nang pinagdaanang pagsubok ang relasyon nina McCoy at Elisse na nagsimula sa Pinoy Big Brother: Lucky 7 noong 2016.

Taong 2019, naghiwalay ang dalawa sa hindi malamang dahilan.

Pero unti-unti silang nagkaayos, at napabalita noong August 2020 na nagkabalikan sila.

Pormal nilang inamin ang kanilang reconciliation noong June 2021.

Kamakailan lamang ay inamin nina McCoy at Elisse sa Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10 na mayroon na silang anak na babae, si Felize.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
McCoy de Leon grateful to Elisse Joson for her gift: "Salamat @elissejosonn ko alam ko na akala mo hindi ko na-appreciate ito. Maniwala ka man o sa hindi hindi ko to makakalimutan."
PHOTO/S: Courtesy: @mccoydeleon / @elissejoson on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results