Rabiya Mateo insists Miss Universe Philippines crown "not a curse"

by Bernie V. Franco
2 days ago
rabiya mateo on miss universe philippines curse
Rabiya Mateo says the Miss Universe Philippines title does not hold a curse on the love lives of the titleholders: “It’s just being [magnified] because we are beauty queens and people do put color."
PHOTO/S: @rabiyamateo on Instagram

Hindi naniniwala si Rabiya Mateo, 25, na may “sumpa” pagdating sa pag-ibig ng Miss Universe Philippines titleholders.

Ito kasi ang nagiging opinyon ng iba dahil sa sinapit ng buhay pag-ibig ng titleholders matapos nilang makoronahan.

Ito ang sinapit nina Miss Universe 1999 first runner-up Miriam Quiambao, Miss Universe 2012 first runner-up Janine Tugonon, at Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Ilang linggo matapos ang Miss Universe 2020, kinumpirma ni Neil Salvacion, dating boyfriend ni Rabiya, na hiwalay na sila matapos ang anim na taong relasyon.

Recently, kinumpirma rin ng Cebu-based performance disc jockey na si Kate Jagdon na break na sila ni Miss Universe Philippines 2021 Bea Luigi Gomez. Anim na taon din ang itinagal ng kanilang pagsasama.

RABIYA MATEO DOES NOT BELIEVE IN CURSE

Katuwiran naman ni Rabiya, nagiging big deal lang ang breakup ng mga titleholder dahil public figures sila.

Pero hindi siya naniniwalang may kakambal na sumpa ang korona.

Continue reading below ↓

“To be honest po, it’s not like one shoe that fits everybody. I’m sure somehow there are different reasons that’s why this is happening,” sabi ni Rabiya sa PEP.ph nitong Martes, November 23.

Sabi ng beauty queen, nagkataon lang na kilala sila kaya nabibigyan ng kulay ang pakikipaghiwalay sa kanilang karelasyon.

Saad ni Rabiya, “I cannot speak for other people. I can only speak for myself, and siguro hindi lang po kasi siya nangyayari sa amin.

“It’s just being [magnified] because we are beauty queens and people do put color.

“They put stories to what is happening, kahit minsan naman po… it’s actually a mutual decision.

“So, I guess, it’s not a curse.”

RABIYA APPEALS FOR SUPPORT FOR BEA

Inalala ni Rabiya ang ginawang batikos sa kanya matapos mapaulat ang paghihiwalay nila ng boyfriend noong Hunyo.

“When the news came out, I was also being bashed by it.

“Yung sinasabi ng tao na, ‘Top 20 ka na nga lang iniwan mo pa yung dyowa mo,’ it’s also sad kasi may relationship din po na nag-end, pero we need to move forward.”

Continue reading below ↓

Kaya naman umaapela si Rabiya na bigyan ng suporta si Bea, na sasabak sa Miss Universe 2021 pageant sa December 13, 2021.

Lumabas kasi ang balita ng paghihiwalay nina Bea at Kate bago ang international pageant.

Habang ang dating beauty queens, napaulat ang paghihiwalay pagkatapos ng Miss Universe competition.

Ani Rabiya ukol kay Bea, “I know Bea is strong and sobrang lakas po ng laban niya.

“And I hope this issue would not affect her kasi mabuti na lang po sa akin, lumabas na siya after the competition.

“I can’t imagine the pressure, the controversy being able to compete, na may naririnig ka pang ganyang issue.

“So, siguro isa din ito sa appeal ko sa public—we have to support Bea now.

“If we really want to reach the Top 5 again, we need to support her and pray for her. She needs it.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rabiya Mateo says the Miss Universe Philippines title does not hold a curse on the love lives of the titleholders: “It’s just being [magnified] because we are beauty queens and people do put color."
PHOTO/S: @rabiyamateo on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results