Team Payaman's Boss Keng and Patricia Velasquez are now married

by Nikko Tuazon
Nov 25, 2021
Patricia Velasquez Boss Keng with Cong TV
YouTube content creator Patricia Velasquez (aka Neneng Lamig), the younger sister of Team Payaman's Lincoln Velasquez (popularly known as Cong TV), tied the knot with fellow vlogger Christian Gaspar (aka Boss Keng) on Thursday, November 25, 2021, in a church ceremony held at San Antonio de Padua Church in Silang, Cavite.
PHOTO/S: @patislol / @gizgandang on Instagram

Ikinasal na ang vloggers at social media content creators na sina Christian Gaspar, aka Boss Keng, at Patricia Velasquez, aka Neneng Lamig.

Naganap ang kasal ng dalawa sa San Antonio de Padua Church sa Silang, Cavite ngayong Huwebes, November 25.

Sina Boss Keng at Pat ay miyembro ng content creator collective na Team Payaman, na sinimulan ni Lincoln Velasquez o mas kilala bilang Cong TV.

As of today, si Boss Keng ay mayroong 2.91 million subscribers sa YouTube; 328,000 followers sa Instagram; at 1.1 million followers sa Facebook.

Si Pat naman ay mayroong 1.6 million subscribers sa YouTube; 576,000 followers sa Instagram; at 520,000 followers sa Facebook.

Matapos ang kanilang church wedding ceremony, agad na nag-post si Pat sa kanyang Instagram account na kasal na sila ni Christian.

"JUST GOT MARRIED!" sabi nito sa caption na may hashtag na #JackPATsiKENG.

Continue reading below ↓

Present sa kasal ang mga kapatid ni Pat na si Cong TV at ang girlfriend nitong si Viy Cortez. Dumalo rin ang isa pang kapatid ni Pat na si Marlon Velasquez, o mas kilala bilang Junnie Boy, at ang fiancée nitng si Vien Iligan.

Ilan pang social media content creators na nakapunta sa kasal nina Pat at Boss Keng ay sina Tita Krissy Achino, Inah Evans aka Ate Dick, Agassi Ching at ang girlfriend nitong si Jai Asuncion.

Patricia Velasquez, wedding, Boss Keng guests

Patricia Velasquez, wedding, Boss Keng guests

Continue reading below ↓

Napuno naman ng congratulatory messages ang post ni Pat mula sa iba pang content creators kabilang sina Zeinab Harake, Kyo Quijano, "Pastillas Girl" Angelica Jane Yap, ang comedienne/impersonator na si Kaladkaren, at ang former Pinoy Big Brother housemate na si Baninay Bautista.

Patricia Velasquez, wedding, Boss Keng

Patricia Velasquez, wedding, Boss Keng

Continue reading below ↓

Naganap ang engagement nina Bosst Keng at Pat noong March 14, 2021.

Mahigit 12 taon silang naging magkarelasyon bago nagdesisyong magpakasal.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
YouTube content creator Patricia Velasquez (aka Neneng Lamig), the younger sister of Team Payaman's Lincoln Velasquez (popularly known as Cong TV), tied the knot with fellow vlogger Christian Gaspar (aka Boss Keng) on Thursday, November 25, 2021, in a church ceremony held at San Antonio de Padua Church in Silang, Cavite.
PHOTO/S: @patislol / @gizgandang on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results