Ellen Adarna educates critic who commented her cleavage "has folds"

by Bernie V. Franco
Nov 27, 2021
ellen adarna cleavage
Ellen Adarna responds to netizen who criticized her cleavage: “My boobs from watermelons, turned into pancakes after breastfeeding."
PHOTO/S: @maria.elena.adarna for @mega_magazine on Instagram

Pinangaralan ni Ellen Adarna ang isang female netizen na pumuna sa hitsura ng dibdib ng aktres.

Nagsimula ito nang i-post ni Ellen sa Instagram ang ilang kuha niya mula sa pictorial para sa isang digital magazine.

Blond hair si Ellen na nakasuot ng tight-fitting black spaghetti strap.

Nakatanggap ng papuri si Ellen sa kapwa celebrities gaya nina Isabelle Daza, Ria Atayde, at Ruffa Gutierrez.

ellen adarna cleavage

Continue reading below ↓

Pero isang female netizen ang nagkomentong may mali raw sa cleavage ng aktres.

Tanong ng netizen (published as is): “Why the cleavage has folds, dba nakita ng nagpicture yan”

Maayos naman itong sinagot ni Ellen.

Aniya, nag-iiba ang tindig ng boobs kapag nagpa-breastfeed at naging nanay gaya niya.

Si Ellen ay may anak sa dating karelasyong si John Lloyd Cruz, ang three-year-old na si Elias Modesto.

Paalala pa ni Ellen, sasapitin din ito ng female netizen pagdating ng araw.

Buong sagot ni Ellen: “my boobs from watermelons, turned into pancakes after breastfeeding. Motherhood dear.

“Enjoy yours coz it wont be as perky as your profile pic forever [wink and face with sticking out tongue emojis]”

Ellen adarna cleavage

Continue reading below ↓

ELLEN SLAMS NETIZEN WHO CALLED HER AND DEREK "MATANDA"

Ngayong Sabado, November 27, 2021, sinagot din ni Ellen ang isang netizen na sinabing “matanda” na sila ng asawa niyang si Derek Ramsay.

Ipinost ni Ellen ang larawan nilang mag-asawa na kuha mula sa isang pictorial.

Tinawag na "matanda" ng isang netizen ang mag-asawa at pinintasan ang hitsura ni Derek.

Komento ng netizen (published as is): “Kong hindi sila parehang matanda seguro pumili si Ellen ng mas handsome at maputing husband kadi si Derek ay may pagka negro?”

Ginantihan ito ni Ellen ng pamimintas din sa netizen.

Buwelta ni Ellen: “ayusin mom una mukha at kilay mo uy. Kalahati nalang naiwan”

ellen adarna cleavage

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ellen Adarna responds to netizen who criticized her cleavage: “My boobs from watermelons, turned into pancakes after breastfeeding."
PHOTO/S: @maria.elena.adarna for @mega_magazine on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results