Saab Magalona slams netizen who accused her of holding a grudge against sister Maxene

by Bernie V. Franco
Nov 27, 2021
saab magalona maxene magalona rift
Saab Magalona (right) tells off netizen who accuse her of being selfish and inconsiderate of sister Maxene Magalona's feelings.
PHOTO/S: @maxenemagalona and @saabmagalona on Instagram

Supalpal ang inabot ng isang netizen mula sa blogger at social media influencer na si Saab Magalona, 33.

Pinagsabihan kasi ng isang netizen si Saab tungkol sa pakikitungo nito sa kanyang nakatatandang kapatid na si Maxene Magalona, 35.

Naging usap-usapan kasi noon ang pagkakaroon umano ng di pagkakaunawaan sa pagitan ng magkapatid.

Sina Maxene at Saab ay dalawa sa walong anak ng yumaong rapper na si Francis Magalona at ni Pia Magalona.

Nitong November 23, 2021, nag-post ng birthday greeting si Maxene sa Instagram para kay Saab. Pareho ng birthday sina Saab at Maxene.

Ipinost ni Maxene ang throwback photo nila ni Saab.

Caption ni Maxene: “’Sisters don’t need daily conversations. They don’t always need to be together. As long as they live in each other’s hearts.’ [heat emoji]

“Happy birthday, @saabmagalona! [cake emoji]

“This is my soul honoring yours God bless you always.”

Continue reading below ↓

Pinusuan ng maraming netizens ang post na ito ni Maxene para kay Saab.

Marami rin ang nagpahayag ng labis na tuwa, habang naiyak naman ang iba sa greeting ni Maxene kay Saab.

Matagal daw nilang hinintay na mangyari ito sa pagitan ng magkapatid. Sana raw ay indikasyon itong maayos na ang relasyon nila.

Wala namang sagot si Saab sa greeting ni Maxene sa comments section.

Marahil, ito ang nag-udyok sa isang netizen para pangaralan si Saab.

Masasakit na salita ang ibinato ng netizen kay Saab. Tinawag nitong mataas masyado at makasarili si Saab.

Pero sinupalpal ni Saab ang netizen, na aniya'y nagmamarunong at hindi naman alam ang tunay na sitwasyon nilang magkapatid.

Ipinost ni Saab sa kanyang Instagram Story ang sagot niya sa netizen.

“When they think they know better,” caption ni Saab, kalakip ang mensahe sa kanya ng netizen.

Banat ng netizen kay Saab (published as is): “the world does not revolve around your feelings. Matuto ka magpakabumbaba at magpatawad sa ate mo. Bakit? Ikaw lang ba may pinagdadaanan? Yung ate mo ba wala?

Continue reading below ↓

“If can really affect your mental health. Huwag puro feelings mo lang iniisip mo.”

Sumunod na caption ni Saab: “What actually goes on in private,”

Kalakip naman nito ang screenshot ng private conversation niya kay Maxene.

Mababasa ritong binati rin Saab si Maxene sa kanilang shared birthday.

Mensahe ni Saab: “Happy bday Maxx [heart emojis] Miss you and love you always and you are always in my heart.”

Sagot naman ni Maxene: "Same here. Praying for you and your family always”

Kasunod nito ay karagdagang caption ni Saab na halatang banat niya sa basher: “Kaka-computer mo yan”

saab magalona maxene magalona greeting

Continue reading below ↓

SAAB AND MAXENE RIFT

Napaulat ang di pagkakaunawaan nina Saab at Maxene noong 2019.

Napansin din ng netizen na hindi naka-follow sa isa't isa ang magkapatid sa Instagram.

Kasunod nito ay may post sa social media ang dalawa na hinihinilang patutsada nila sa isa’t isa.

May tweet si Saab noong December 16, 2019 tungkol sa “parinig” na post na ginagawa ng ibang tao, na kung tutuusin ay para pala iyon sa sarili.

Sumunod namang nag-post si Maxene tungkol sa taong “toxic.”

Nagsunud-sunod noon ang komento ng netizens, na naniniwalang may hidwaan ang magkapatid at naintriga kung ano ang naging ugat ng kanilang naging alitan.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Saab Magalona (right) tells off netizen who accuse her of being selfish and inconsiderate of sister Maxene Magalona's feelings.
PHOTO/S: @maxenemagalona and @saabmagalona on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results