Watch Now

Chie Filomeno reveals Kyle Echarri used to send her private messages even before PBB

by Bernie V. Franco
Nov 27, 2021
kychie
Chie Filomeno says she and Kyle Echarri formed a special bond inside the PBB house. “We got each other’s back, no matter what.”
PHOTO/S: @chiefilomeno and @kyleecharri on Instagram

Nagkaroon ng fans sina Chie Filomeno, 25, at Kyle Echarri, 18, dahil sa nabuo nilang samahan sa loob ng Pinoy Big Brother house.

Sina Chie at Kyle ay housemates sa PBB Kumunity Season 10. Na-evict na sa Bahay ni Kuya si Chie, habang nominated for eviction this week si Kyle.

Bagamat sandali lang nagkasama sa loob ng PBB house, mabilis na nagkapalagayan ng loob sina Chie at Kyle, dahilan para magkaroon sila ng following.

Aminado si Chie na nagkaroon sila ng matibay na bond ni Kyle.

Sa katunayan, inamin ni Chie na bago pa man sila maging PBB housemates, pinapadalhan na siya noon ng private messages ni Kyle.

Hindi raw ito pinapansin noon ni Chie dahil hindi naman talaga sila magkakilala.

Si Kyle din daw ang unang bumabati sa kanya kapag nagkikita sila sa ASAP Natin ‘To.

Ginawa ni Chie ang rebelasyon sa panayam sa kanya ni Bianca Gonzalez para sa Cinema News noong November 26, 2021.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tinanong si Chie kung ano ang misconception niya kay Kyle na nabasag nang lubos silang magkakilala sa PBB house.

“Ma-ere. Kasi tinatawag niya akong snobby sa loob ng bahay [ni Kuya],” sagot ni Chie.

“Kasi may mga messages siya na hindi ko talaga pinapansin din.

“Kasi ako yung tipong, siyempre, hindi pa tayo nagmi-meet. So, hindi ko talaga re-reply-an, or magre-reply ako a few days after.

“So, pinaalala niya sa akin iyon. Siyempre, hindi mo maalala kunwari.

“Tapos ang tawag niya sa akin, ‘Snobby ka talaga.’”

Kychie

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagbago raw ang tingin ni Chie kay Kyle nang magkasama sila sa PBB house.

Sabi niya kay Kyle, “’Sorry na. Sorry na.’ Ang akala ko kasi talaga ma-ere siya.

“Kaya yun din siguro yung minsan na kapag hindi siguro naging close sa labas, or pag mae-encounter mo siya, hi-hello lang, ganoon.”

Pero noon pa man daw ay nagpapahayag na si Kyle ng pagsuporta sa kanya via direct message.

Inilarawan ni Chie si Kyle na “sweet.”

Bagamat suportado raw ni Chie ang love team ni Kyle kay Francine Diaz, sinabi nitong iba rin ang nabuong bond nila ni Kyle.

CHIE MISSES KYLE

Samantala, isa si Chie sa mga sumabak sa "Madlang Pi-Poll," ang game portion ng ABS-CBN noontime show na It’s Showtime, noong November 23, 2021.

Kasama niya rito ang fellow PBB evictees na sina Albie Casiño at John Adajar.

Inusisa ni Vice Ganda si Chie kung sino ang nami-miss niya sa loob ng bahay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Kyle ang isinagot ni Chie.

“Kasi iba talaga yung bond na na-build namin sa loob. We really understand each other also,” paliwanag niya.

“We both worked at an early age. At siya, maaga siyang nag-mature.

"So, parang gusto kong ibigay sa kanya na it’s okay, na parang, ‘Hanapin mo yung childlike mom,’ at nakikita ko na parang nahahanap niya iyon sa bahay.”

Sa isang PBB virtual interview via Kumu noong November 21, naipaliwanag ni Chie kung paano nabuo ang bond nila ni Kyle.

“He’s just 18 years old, pero as much as possible, andiyan talaga ako for him,” saad ni Chie.

“Kung ano yung kailangan niya, ako talaga yung go-to talaga niya.

“And same goes to me din. Siya yung kinakausap ko din when I have problems, like napi-feel ko di ko ma-open up sa iba. Ino-open up ko din kay Kyle.

“We got each other’s back, no matter what.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Chie Filomeno says she and Kyle Echarri formed a special bond inside the PBB house. “We got each other’s back, no matter what.”
PHOTO/S: @chiefilomeno and @kyleecharri on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results