McCoy de Leon, Elisse Joson to celebrate first Christmas with their baby

by Julie E. Bonifacio
Nov 27, 2021
mccoy de leon elisse joson couple
Elisse Joson on new discoveries about being first-time parents: “Uhm, siguro nadoble yung patience namin, yeah. Napansin ko rin kay McCoy na he’s very patient at dumagdag yung understanding niya. Kasi, hindi lang sa akin, pati na sa baby.”
PHOTO/S: @mccoydeleon on Instagram / Screen grab from Facebook

First public appearance nina Elisse Joson at McCoy de Leon, pagkatapos amining mayroon na silang anak, sa very intimate birthday celebration ng beauty and skin care clinic owner na si Cathy Valencia na ginanap sa Manila House Private Club, Inc. noong Miyerkules, November 24, 2021.

Kabilang sina Elisse at McCoy sa mga bagong endorser ng Cathy Valencia Advanced Skin Clinic.

Dahil malapit na ang Pasko, excited na ang celeb couple sa pagse-celebrate nito.

Sabi ni Elisse, “Yes, pero simple lang naman. Family, family [lang kami]. Medyo naiba lang nang konti kasi meron na kaming little angel.”

Ang tinutukoy ni Elisse na "little angel" ay ang baby girl nila ni McCoy na si Felize.

Dagdag ni McCoy, “First time namin, kasi dati kapag Christmas, nasa Guam si Elisse.

“Tsaka ano, engrande, memorable ito. Magastos. Hahaha! Talaga.

"Pero worth it naman kasi special na araw ‘to sa mga importanteng tao sa buhay ko."

Continue reading below ↓

Napapag-usapan na ba nila ang next step sa relasyon nila or they are still enjoying parenthood as of the moment?

Ayon kay Elisse, “Ang focus namin muna siyempre kay Felize. Baptism pa niya. First birthday. So, 'yon yung plans namin."

Bilang mga bagong mga magulang, ano yung mga na-discover nila na hindi nila akalaing mangyayari?

Continue reading below ↓

Pahayag ni McCoy, “Ako, maraming-maraming na-discover sa isa’t isa.

"Isa na yung, siyempre, tumitira kami sa isang bahay. Uy, hindi biro ito, ‘no.

“Natutunan ko siyempre mabuhay nang may kasama. Kasama ‘yan sa buhay, e. Kaya sabi ko nga, learnings pa rin hanggang ngayon.”

Para naman kay Elisse, “Uhm, siguro nadoble yung patience namin, yeah.

"Napansin ko rin kay McCoy na he’s very patient at dumagdag yung understanding niya. Kasi, hindi lang sa akin, pati na sa baby.”

MCCOY DE LEON STARS IN YORME MOVIE

Showing na sa December 1 ang kauna-unahang Pinoy film na ipapalabas sa muling pagbubukas ng mga sinehan, ang Yorme: The Isko Domagoso Story, kung saan si McCoy ang gumaganap bilang teenager na Isko Moreno.

“Oo nga, December 1,” sambit ni McCoy.

“First Filipino film ngayong pandemic. Sana po suportahan natin... directed by Joven Tan from Saranggola Media Productions.

"Uh, may premiere kami this weekend. Sana samahan niyo kami. Sana suportahan niyo kami.

Continue reading below ↓

“It’s all about dreams talaga ‘to. It’s all about from... poor talaga. Nag-dream na batang Tondo hanggang ngayon sa present natin.”

Nilinaw ni McCoy ang balitang bawal siyang um-attend sa presscon ng Yorme.

Saad niya, “Actually, pumayag ako. Hindi ako nag-deny.

"Kasi, yun nga lang, alam naman natin na napakagulo ngayon. Di ba, sobrang kahit anong masabi mo, pwedeng maging isyu?

Sa akin naman, nandoon ako para sa proyekto, di ba? Napakaganda ng istorya, musical pa siya. First time ko sa isang musical film.

“Sana, gusto ko na ma-curious naman ang mga tao, siyempre ipro-promote ko. Lalabas ako para doon as an actor.

“Tsaka, sa naghirap, yung producer si Miss Edith [Fider, Saranggola Media Productions producer], Direk Joven [Tan], yung mga naghirap.

“Ang pangit kung kelan ipapalabas, doon wala ako. Nandoon ako to support para sa kanila.”

mccoy de leon yorme movie

Continue reading below ↓

Umani ng magandang reviews mula sa entertainment press ang performance ni McCoy bilang teeneger na Isko Moreno sa Yorme.

Feeling ng iba, pareho kasing lumaki sa Tondo sina Mayor Isko at McCoy kaya malalim ang hugot ng young actor sa pag-arte sa pelikula.

“Hindi po,” tanggi ni McCoy. “Kasi, ewan ko ba paano mae-explain yun.

"Basta nag-shoot kami doon. Doon mismo sa Tondo. Kaya feel na feel ko at, tsk, sorry lang.

“Yung sorry talaga, ha. Yung paramg imposibleng mangarap, pero nangyari. Totoo pala yun. Doon ako nanggaling.

“Sabi ko nga kay Elisse, ang sarap gumawa ng biography film kasi may ibang tao ka na ginagampanan.

“And, wala lang. Sana totoo.

“Sinasabi nga rin ni Direk na maganda nga rin daw [ang performance ko]. Pero ayoko namang pumasok sa utak ko,” nakangiting sabi ni McCoy.

Ano ang masasabi niya sa magagandang reviews sa performance niya?

“Siyempre, as an actor talaga, achievement para sa akin yun. Sana makagawa pa ako ng mga pelikulang ganoon, makabuluhan.

Continue reading below ↓

“Thank you. Thank ypu so much,” pasasalamat ni McCoy.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Elisse Joson on new discoveries about being first-time parents: “Uhm, siguro nadoble yung patience namin, yeah. Napansin ko rin kay McCoy na he’s very patient at dumagdag yung understanding niya. Kasi, hindi lang sa akin, pati na sa baby.”
PHOTO/S: @mccoydeleon on Instagram / Screen grab from Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results