Andrea Brillantes admits friendship with Seth Fedelin can lead to something more special

by Jerry Olea
Nov 29, 2021
andrea brillantes seth fedelin
Andrea Brillantes says she's not looking for suitors right now: “Hindi rin po ako naghahanap as of the moment. Masaya na po ako sa relasyon namin ni Seth ngayon. Masaya ko rin po siyang katrabaho ko. Masaya ako na sinusuportahan niya ako.”
PHOTO/S: Instagram / Beautederm

Maraming local stars ang rest-rest sa panahon ng pandemya, pero si Andrea Brillantes ay kayod nang kayod.

Nagtapos ang Kapamilya teleserye nila ni Francine Diaz na Huwag Kang Mangamba noong Nobyembre 12.

Katambal doon ni Andrea si Seth Fedelin. May dalawa agad na serye ang SethDrea tandem nila sa iQiyi streaming service.

Matutunghayan na sa Disyembre ang madramang Saying Goodbye nila, at nakalaan sa 2022 ang musical series na Lyric and Beat.

Sabi ni Andrea sa mediacon ng Beautederm noong Nobyembre 25, Huwebes, sa Novotel Hotel, Cubao, Quezon City, may mga oras na gusto pa rin niyang magtrabaho sa halip na magpahinga muna.

Kuwento ng teen actress, “Kasama ko lang po si Tita Cory [Vidanes] the other day, tapos sabi niya, ‘Grabe, pagod na pagod ka na!’

“Tapos, sabi ko, ‘Mas gusto ko pong napapagod kesa nagpapahinga.’

“Kasi siyempre po, as a breadwinner, marami pong umaasa sa akin. At… simula po kasi noong three years old, nangangarap na po ako, e.

Continue reading below ↓

“So, andami ko pang pangarap na hindi ko pa naaabot ngayon, at hindi kasi talaga ako marunong mag-give up kahit sobrang bigat na.

“Kahit grabe na yung pinagdadaanan ko, kahit gaano kabigat yung ibinabato sa akin ng mundo…

“Hanggang sa hindi ko nakukuha yung goal ko, at hindi pa talaga ako nakukuntento, hindi po talaga ako titigil.

“Talagang feeling ko, siguro nung past life ko, fighter talaga ako!” napabungisngis nang saglit si Andrea.

Pagpapatuloy niya, “Kasi, hindi po, e. I don’t know how to stop. Mag-i-stop lang po talaga ako pag na-reach ko na yung goal ko. Madami pa po. Madami pa.”

NO TIME FOR SUITORS?

Nasabi ni Andrea na aabutin pa siguro ng sampung taon na naka-focus siya sa trabaho upang makamit ang lahat ng kanyang minimithi.

Ibig bang sabihin, wala sa isip niya na bigyan ng pansin kung may nagpaparamdam sa kanya para manligaw?

“Ay! Magaling din po akong mag-multi-task! Hi! Hi! Hi!” pagbungisngis muli ng teen actress siya.

Continue reading below ↓

Dahil sa beauty products at health boosters ng ineendorso niyang Beautederm, napapanatili siyempre ni Andrea ang kanyang ganda. Kaya mas marami ang humahanga sa kanya, at gusto siyang ligawan.

May time ba siya para magpaligaw?

“Ahhhmm… kasi siyempre, alam niyo naman po, meron akong special friend… na si Seth,” napangiting saad ni Andrea.

“Ahhm, happy na po ako with his company. And kung meron man pong manliligaw sa akin… ewan ko, hindi naman din po ako lapitin.

“Kasi, hindi po ako pala-gala. Hindi po kasi ako extrovert. At marami nga pong boys, ang tingin, suplada ako. O kaya’y intimidating ako.

“Hindi rin po ako naghahanap as of the moment. Masaya na po ako sa relasyon namin ni Seth ngayon.

“Masaya ko rin po siyang katrabaho ko. Masaya ako na sinusuportahan niya ako.”

SPECIAL FRIEND

Pero kaibigan pa rin lang ang turing ni Seth sa kanya? Yung special friend ba, e, papunta na sa more than friends, or whatever?

Continue reading below ↓

“Sigu… ay! Yes!” pagngiti muli ni Andrea.

Masyado pang bata si Seth para isipin ang ganun?

“Hindi naman po. Magtu-twenty na siya next year, nineteen ako. It’s just ini-enjoy po namin sa ngayon ang meron kami,” pag-amin ni Andrea.

“Ini-enjoy lang namin yung… ibinigay na time sa amin ni Lord, yung projects namin, and company namin sa isa’t isa.

“Klaro din naman na… siya ang gusto kong ka-work. Sinabi din naman niya na ako ang gusto niyang ka-work.

“We’re just taking our time po. Kasi, bata pa naman po kami.”

Continue reading below ↓

MORE MATURE THAN HER AGE

Parang napaka-mature na ni Andrea, yung pag-iisip niya. Ang ibang kabataan, hindi naka-focus sa objectives para sa kanilang kinabukasan.

Si Andrea, gusto pang magtrabaho nang lubos sa susunod na sampung taon, samantalang ang ibang kabataan ay mas priority ang pag-e-enjoy-enjoy.

“May listahan po kasi ako ng mga dapat kong mabigyan, at magawa, bago ako mag-retire,” sabi ni Andrea.

“Andami pa po nung dapat kong gawin! Dalawang page pa po siguro. Pero unti-unti, nache-check ko naman na po.

“At hindi rin naman ako nagmamadali para matapos agad lahat ng yun. Kung ano lang ang maibibigay sa akin ni Lord na opportunity, sinasabi ko naman lagi, ‘I will grab it and make the most of it.’”

Masaya ba siya ngayon kahit napapagod siya?

Mabilis na sagot ni Andrea, “Of course naman po. Masaya ako na natutupad yung mga ipinagdadasal ko.

“At sino naman po ba ang hindi magiging masaya? Sobrang totoo naman din po yung sinabi niyo kanina na yung iba, walang trabaho, at ako, maraming trabaho ngayon.

Continue reading below ↓

“Siyempre, nagpapasalamat ho ako, at pwede naman po yun. Sobrang thankful ka, sobrang happy ka, but still… you yearn for more. Yun po.

“Kasi, masipag po akong bata! Hi! Hi! Hi!”

HOT STORIES

Use these Lalamove promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Andrea Brillantes says she's not looking for suitors right now: “Hindi rin po ako naghahanap as of the moment. Masaya na po ako sa relasyon namin ni Seth ngayon. Masaya ko rin po siyang katrabaho ko. Masaya ako na sinusuportahan niya ako.”
PHOTO/S: Instagram / Beautederm
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results