Albie Casiño still hurt that Andi Eigenmann cost him "millions of pesos worth of projects" over paternity issue

by Melba R. Llanera
Nov 29, 2021
albie casino andi eigenmann issue
Albie Casiño claims not only did Andi Eigenmann cost him "millions of pesos worth of projects and endorsements," but that she didn't even have the decency of releasing a public statement clearing his name for her past accusations.
PHOTO/S: @thestallion09 / @andiegengirl on Instagram

Dinepensahan ni Albie Casiño, 28, ang sarili sa kontrobersiyang nilikha ng prangkang saloobin niya tungkol sa ex-girlfriend na si Andi Eigenmann, 31.

Kaugnay ito ng Kumu livestream niya noong October 26, 2021 kunsaan bukod sa ikinatuwa niya ang pagdagdag ng timbang ni Andi, at inihayag niyang hindi pa rin umano siya nakatanggap ng sincere apology mula sa aktres.

May kinalaman iyon sa maling pagturo at pagdiin sa kanya ni Andi bilang ama ng ipinagbubuntis nito noong 2011.

Noong October 30, 2021 umalma ang half-sister ni Andi na si Stevie Eigenmann sa pag-ungkat ni Albie sa isyu.

Kontra sa pahayag ni Albie, ipinakita ni Stevie ang screenshots ng palitan ng mensahe nina Albie at Andie noong 2020.

Sa panayam ng Cinema News noong November 19, 2021, ipinaliwanag ni Albie ang kayang panig sa isyu.

Si Albie ay evictee ng ongoing Kapamilya reality show na Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10.

Dito ay inamin ni Albie na nagsinungaling siya sa kanyang reply kay Andi na pinapatawad na niya ito.

Continue reading below ↓

Ayaw lang daw ni Albie pahabain ang usapan nila ni Andi, at hanggang ngayon ay matindi pa rin ang sama ng loob niya sa dating kasintahan.

Diretsong paliwanag ni Albie: "Her sister posted something about me and Andi talking.

"In her apology in that text, it was still a non-apology if you really read it.

"She [said], 'I'm sorry if you needed a better apology...'

"What are you talking about? Do you not feel I deserve a better apology? You shamed me publicly.

"If you read my reply, I said, 'We're all good. Whatever.' That was honestly a lie. I just didn't want to talk to her anymore.

"I feel if I told her how I really felt, the conversation would have gotten longer.

"I really don't want to waste any more time of my day talking to you, thinking about you. Be happy in the beach wherever you are and just leave me alone."

Continue reading below ↓

albie on andi costing him his showbiz career

Kung nabanggit man daw ni Albie ang isyu niya kay Andi, iyon ay dahil bahagi na ito ng kuwento ng kanyang buhay.

Umapela si Albie na sana ay maintindihan ng tao na hindi madali sa kanyang patawarin si Andi dahil sa tindi ng atraso nito na idiin siya sa isang bagay na wala siyang kinalaman.

Ani Albie, naapektuhan hindi lang ang kanyang showbiz career kundi pati buhay niya at ng kanyang pamilya.

"Let's take away all of the bashing, all of the defaming my name in public, even my family's name.

"They even went up [to] my mom, all the while knowing I wasn't the dad. Let's take that out of the consideration.

"How about I lost a lot of millions of pesos worth of projects and endorsements from that?

"And it wasn't just a P100,000, bro. It's a million pesos worth of, I guess, damages.

Continue reading below ↓

"That's literally money they put out of my bank account. That's money that could have changed my family's life. Money that could have changed my life, right?

"So how can I be okay with them? Why would I be okay with them?"

Matapos daw sirain ni Andi ang pangalan niya noong 2011, malaki ang hinanakit ni Albie na ni hindi man lang naglabas ng public statement ang aktres na hindi siya ang ama ng ipinagbuntis nito noon.

Kaya paano raw niya matatanggap ang "non-apology text message" ni Andi sa kanya noong 2020.

"First of all, you didn't make a public statement I wasn't the dad.

"You never made a public statement apologizing to me when everything you did to bash me was done publicly," diin ni Albie.

Mula nang pumutok ang kontrobersiya noong 2011, limang taon ang lumipas nang hindi nabibigyang-linaw kung sino ang ama ng anak ni Andi.

Taong 2016 nang tuluyang maisapubliko kung sino ang tunay na ama ng ipinagbuntis ni Andi noong 2011.

Continue reading below ↓

ALBIE APOLOGIZES TO NETIZENS

Hindi man humingi ng tawad kay Andi, humingi naman ng paumanhin si Albie sa mga taong na-offend niya dahil sa prangkang pahayag niya laban sa dating karelasyon.

Pahayag ni Albie: "I just want to apologize for the comments that I made before sa Kumu.

"I was trying to be funny, and at the same time, I was trying to say something na makaka-offend sa kanya.

"To be honest, hindi ako maglilinis ng kamay dito, I really wanted to say something to make her feel bad

"But in the process, marami rin akong nasaktang ibang tao sa statements ko na yun, and that wasn't my intention. I didn't want it to be like that."

Tila ang tinutukoy ni Albie na naka-offend sa sensibilidad ng netizens ay ang komento niya na masaya siyang makitang nadagdagan ang timbang ni Andi.

Itinuring ng netizens na body-shaming ang ginawang iyon ni Albie.

Continue reading below ↓

Sabi niya: "I just wanna apologize to everybody for that, na everybody else felt that I hurt and disrespected them with those statements.

"I really want to apologize. I'm man enough to admit that I really made a mistake for saying that."

Sa kabilang banda, ipinagpapasalamat ni Albie na kung dati ay puro pamba-bash ang ginagawa sa kanya ng netizens dahil sa isyu nila ni Andi, ngayon ay marami na rin ang nagpapahayag ng suporta sa kanya.

"A lot of people know they did me wrong. I got a lot of messages from IG.

"Dati, they hate me for my past issues, they realize na mali pala. Dun ako natuwa. Like they said and like I've said, we're all humans, we make mistakes.

"If they believed in what happened before, ngayon alam na nila ang totoo. They're apologizing to me and that makes me feel good.

"At least now they know the truth. They're supporters of me and I've never felt more loved in my whole 12-year career as an artista."

Continue reading below ↓

ON ISSUE WITH ALEXA

Si Albie ay na-evict sa second eviction night ng PBB noong November 13.

May ilang PBB housemates siyang nakasagutan habang nasa loob ng Bahay Ni Kuya.

Kabilang dito si Alexa Ilacad na nakatrabaho ni Albie sa defunct Kapamilya prime-time series na Init Sa Magdamag.

Ikinainis ni Albie ang aniya'y disgusto niya sa asta ni Alexa sa Bahay Ni Kuya tulad ng isyu sa peanut butter.

Kinalaunan ay humingi ng tawad si Albie kay Alexa matapos ang hiwalay na insidenteng nasigawan niya ito.

Sa panayam pa rin ng Cinema News, ipinaliwanag ni Albie na siya ang tipo ng tao na binabalik niya kung ano ang ugaling ipinapakita sa kanya.

"Kung gaano mo ako kausapin, ganun din kita kakausapin. The respect you gave me is the respect I'll give you back," saad ni Albie.

Dugtong niya: "If I feel na bastos kang kinakausap mo ako, bastos din akong sasagot. That's really who I am.

Continue reading below ↓

"I apologize for some of the stuff I might have said that offended them. It's all good at the end of the day."

Isa sa naging malapit kay Albie sa loob ng bahay ni Kuya ay ang newbie singer na si Anji Salvacion.

Hindi raw niya akalaing magiging malapit sila sa loob ng kanyang PBB stint.

"I wasn't fond of Anji, medyo immature si Anji at first. Sabi ko, 'Di ko masyadong kakausapin ito, wala kaming mapag-uusapan.'

"Then I don't know what happened, I don't know what changed. One time, lumapit si Anji, nag-ask siya ng advice. I don't know why she came up to me.

"Nung una, nakita ko, nahihiya pa siyang mag-ask ng advice. After nun, sabi ko sa kanya, 'From now on, if you have any other questions, wag ka nang mahiya to ask me. I'm here to help you out.'

"If may maitutulong from past experiences, gagawin ko yun."

Continue reading below ↓

UPCOMING PROJECTS

Ngayong nakalabas na sa Bahay ni Kuya, excited si Albie sa isang proyektong sisimulan niya pagpasok ng 2022.

"I'm so thankful. Before I went inside PBB house, I had two huge projects. Naudlot nung pumasok ako.

"One was a project with Direk Rod Singh, we worked on another project, I'm excited for that to air.

"When I came out, I met with them. Minove nila yung project sa January and pumasok daw ako."

May isa ring short film na napupusuan si Albie.

Aniya, "There was another one, I was supposed to shoot in Canada. An international production contacted me if I can still be part of the movie.

"Sana makuha ko yun. That would be a big experience.

"It's my first time shooting in an international production. It's a short film to be shoot in abroad."

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Albie Casiño claims not only did Andi Eigenmann cost him "millions of pesos worth of projects and endorsements," but that she didn't even have the decency of releasing a public statement clearing his name for her past accusations.
PHOTO/S: @thestallion09 / @andiegengirl on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results