McCoy de Leon reveals details of reconciliation with Elisse Joson and their family of three

by Rachelle Siazon
Nov 30, 2021
McLisse, Mccoy de Leon and Elisse Joson
McCoy de Leon on family life with Elisse Joson and Baby Felize: "Magkakaroon pa ako ng malungkot na mararanasan, e, ang ganda-ganda ng binigay sa amin ng Diyos—yung anak namin. Kaya dun kami nanggagaling. Normal kaming tao na nagkakaroon ng tough times, pero di na grabe katulad dati. Happy kami sobra. Lalo ngayon kuntento kami."
PHOTO/S: @mccoydeleon / @nextbymetrophoto Instagram

"Mas masaya rin pala pag sa kanya."

Ito ang madamdaming pag-amin ni McCoy de Leon tungkol sa pagmamahal niya sa partner na si Elisse Joson.

Kilala sa uniname na McLisse, mala-pelikula ang love story nila na nasubaybayan ng publiko sa loob ng limang taon.

Mula sa kilig moments nila bilang housemates sa Pinoy Big Brother Lucky 7, malungkot na hiwalayan, hindi inaasahang pagbabalikan, at pagkakaroon ng cute baby girl na si Felize.

Sa PEP Spotlight nitong November 2021, ikinuwento ng Yorme: The Movie star na si McCoy ang makulay na pag-iibigan nila ni Elisse.

Nang magkakilala sila sa PBB, hinangaan niya raw agad si Elisse dahil sa katangian nitong "babaeng matapang pero ang soft niya pag nagmahal."

Isa sa kilig moment nila sa Bahay Ni Kuya ay noong nag-dinner date sila at nagkaaminan na wala silang dahilan para magselos sa kung sino mang nauugnay sa kanila.

May panahon din noon na lumabas sila at bumalik uli ng Bahay Ni Kuya.

Continue reading below ↓

Balik-tanaw ni McCoy, "May time sa relationship na parang nagdadalawang-isip. May time na paglabas namin, nag-iba talaga.

"Siguro nagulat din kami. Eto pala kami. Siguro pagpasok uli, naging careful.

"Pero na-confuse lang naman. Pero ayun, diretso pa rin. Nag-uusap kami kung ano ba talaga nararamdaman natin? Ano ba talaga tayo?

"Awa ng Diyos, nagkaintindihan naman kami."

McLisse, Mccoy de Leon and Elisse Joson

Continue reading below ↓

Naging totohanan ang relasyon nila kahit tapos na ang PBB.

Pero nagkalabuan sila noong March 2018, at inamin nilang hiwalay na sila noong January 2019.

"Sabihin na nating sumuko kami, e. Sumuko ako, e," pag-amin ni McCoy sa PEP.ph.

"Kaya ang nangyari din, di ako naging masaya. Masaya ako for a while, pero mas masaya rin pala pag sa kanya."

Bakit siya sumuko noon?

Matalinhagang sagot ni McCoy, "Wala ako masabi na specific reason.

"Pero yung pagsuko, reasonable naman at maiintindihan ng lahat.

"Kasi kung ilalatag ko pa ngayon isa-isa, di pa magiging okay sa present. Kumbaga, nakaraan na [iyon]."

Pinaalala ng PEP.ph kay McCoy na nang mag-shoot sila ng digital cover sa PEP.ph noong January 2019, bago ang pag-amin nilang break na sila, ay di halatang wala na pala talaga sila.

Sagot ng aktor, "Siyempre kasi nagtatrabaho yung sa paligid namin. Ayaw namin makapaapekto.

"Kung meron kaming personal [na problema], personal namin yun. Dapat di madamay sino man nasa paligid.

Continue reading below ↓

"Kaya ayun yun laging sinasabi namin sa isa't isa."

McLisse, Mccoy de Leon and Elisse Joson

MCCOY INITIATED RECONCILIATION WITH ELISSE

Paglipas ng higit isang taon, masaya na sila sa kani-kanilang buhay nang muling magkrus ang landas nina McCoy at Elisse.

Noong panahong iyon ay humingi raw si McCoy ng "signs" sa Diyos na makasundo na niya ang mga taong malayo ang loob sa kanya.

Continue reading below ↓

Matamis ang ngiting kuwento ni McCoy sa PEP.ph, "Gusto ko kasi na maging okay sa paligid ko.

"Kasi siyempre sa showbiz, may mga event kami, nagkikita kami, tapos di kami nagpapansinan.

"Dumating sa point na isang araw, 'Sana maging okay na ako sa mga di na ako okay.'

"Tapos yun, signs, nagkita kami nang di namin expected sa isang event.

"Ito, hindi ko pa nakukuwento... May sayaw kami na magkasama sa isang prod [number]. E-exit ako sa part ng sayaw, tapos papasok siya."

Iminuwestra ni McCoy na makitid lang ang daanan palabas at papasok ng stage.

"Pagka-exit ko, e, parang kurtina-kurtina, e. Nagulat ako! Eto siya. Nagkaharap pa kami. As in mukha [sa mukha] talaga.

"Tapos meron siyang ka-partner sa show. Tapos nagulat kami."

Sa puntong ito ay wala raw silang lusot kundi magpansinan.

"Hindi ko alam kung babatiin ko ba siya. Sabi ko, 'Hi.' Gumanun na lang ako," kinilig na balik-tanaw ni McCoy.

Continue reading below ↓

Patuloy ng Yorme: The Movie actor, "Tapos sila na yung sumunod [na nag-perform]. Hindi ko alam kung anong reaksiyon niya, kung naalala pa niya."

Iyon ang naging hudyat para kay McCoy na kausapin muli si Elisse.

"Pero after nun, sabi ko, 'Sana maging okay.' After nun, nag-chat ako [via] Viber.

"Nag-sorry ako. Sabi ko, 'Masaya ako na okey ka na, masaya ako na happy ka na, magaan yung aura mo.' Yun, dire-diretso na."

Biniro namin si McCoy na swabe ang galawan niya para makuha muli ang atensiyon ni Elisse.

Natatawang sabi ng aktor, "Ganun, e. Di ko alam, di ko alam."

McCoy de Leon, Elisse Joson, McLisse

Continue reading below ↓

HOT STORIES

MCCOY and elisse promise TO BE STRONGER TOGETHER

Hanggang sa noon ngang August 30, 2020, nag-post sa Instagram si McCoy ng litrato nila ni Elisse na sakay ng isang yacht.

Sinulatan niya iyon ng caption na "All ways always."

Ipinaliwanag ni McCoy sa PEP.ph na iyon ang hudyat ng pangako nila ni Elisse sa isa't isa na hindi na sila muling susuko.

"Nung time na 'yan, actually, walang plano-plano, out of nowehere lang talaga.

"Eto, pagmamalaki kita ulit. Basta sa lahat ng paraan, lagi gagawan ng paraan," makatang sabi ni McCoy.

Dugtong niya, "Sa buhay naman, sa relationship, ang dami dumadating na challenges, obstacles.

"Pag di nagawa yung isang paraan na ito, gawa ulit ng isang paraan, hanggang makuha yung fulfillment, na okay na, steady, matibay."

McLisse, Mccoy de Leon and Elisse Joson

Continue reading below ↓

Ayon pa kay McCoy, hindi man perpekto ang relasyon nila ni Elisse ay kumpiyansa siyang makakayanan nila anuman ang pagsubok na makaharap nila.

"Hindi pa rin naman perpektong-perpekto, na walang magiging mali.

"May mga tough times pa rin naman. Mas naha-handle namin nang open kami. After namin pag-usapan, okay na.

"Sabi ko, lahat naman ng paraan, isa diyan magiging solusyon.

"Marami ring tough times na usual sa isang relationship na naranasan namin.

"Sa tagal din naman, siyempre bawat struggle may matututunan ka, ta's i-apply mo sa susunod. Mahirap naman kung paulit-ulit."

McLisse, Mccoy de Leon and Elisse Joson

Continue reading below ↓

ON REVEALING THEIR BEAUTIFUL BABY GIRL

Noong October 31, 2021, pasabog ang rebelasyon ng magkasintahan nang isapubliko nilang mayroon na silang baby girl na si Felize.

Ibinahagi nila ito sa PBB: Kumunity Season 10 bilang doon nabuo ang kanilang pag-iibigan.

Ayon kay McCoy, hindi naging madali ang desisyong aminin sa publiko ang tungkol sa baby nila ni Elisse dahil nais niyang protektahan ito.

"Ako, never naging ready sa pagre-reveal ng anak namin.

"Kasi aminin natin, ang social media ang naging buhay ng tao, naging trabaho na rin lalo ngayon pandemic.

"Kumbaga, may isang mali ka lang na makita, ang daming puwedeng masabi na di maganda.

"Kaya sabi ko, 'Di ako ready pag sa anak natin gawin ito. Di ko kaya.’ Di bale sa akin, naranasan namin na artista kami, e, natanggap namin masasakit na salita.

"Pero ito, hindi. Hindi ako papayag. Hindi ko kaya."

Pero napagtanto rin daw ni McCoy na huwag nang isipin ang sasabihin ng iba.

Continue reading below ↓

"Humingi ng sign ulit. 'Ikaw na bahala kung kailan,'" dasal ni McCoy.

Patuloy niya: "Dumating sa point na kami na rin nahirapan. Lagi kami nagtatagu-tago.

"Tapos God's timing talaga.

"Hindi nga namin alam after ng reveal kung okay ba yung tanggap sa amin? After ng reveal, magiging masaya ba anak namin paglaki?

"Pero siguro di naman siya malulungkot. Kasi pag napanood niya, gusto namin magpasalamat kung saan kami galing kaya dun kami nag-reveal."

Tukoy ni McCoy sa PBB, "Dun kami nabuo ni Elisse, e. Kaya utang na loob na rin namin."

McLisse, McCoy de Leon, Elisse Joson

Continue reading below ↓

MCCOY IS A PROUD DADDY

Wala raw pagsidlan ang saya ni McCoy sa piling ng kanyang mag-inang sina Elisse at Felize.

"Tsaka lagi ko rin sinasabi sa sarili ko, 'Magkakaroon pa ako ng malungkot na mararanasan, e, ang ganda-ganda ng binigay sa amin ng Diyos—yung anak namin.'

"Laging masaya, laging happy. Hindi iyakin, healthy.

"Kaya dun kami nanggagaling. Normal kaming tao na nagkakaroon ng tough times, pero di na grabe katulad dati.

"Happy kami, sobra. Lalo ngayon, kuntento kami."

Mula nang isapubliko nila ang tungkol kay Baby Felize ay nasilayan ng publiko ang cute photos nito.

Ipinakita pa ang ilan sa mga ito sa PEP Spotlight.

Sabi ni McCoy, "Kaya sabi ko sa inyo, proud ako sabihin na yung anak namin, masayahin.

"Ganun pala yung feeling ng magulang na nagiging proud sa anak. Iba pala. Hindi mo ma-explain, e. Ang sarap pala talaga.

"Pumunta ako ng ABS-CBN nung nakaaran. Ang dami nagsasabi, 'Ang cute ng anak mo.'

Continue reading below ↓

"Ang sarap sa feeling na matanggap ng ganun. Nakaka-proud. Sabi ko, 'Hindi [lang cute] tsaka mabait 'yan.'"

Marami ring netizens ang naghayag ng suporta kina Elisse at McCoy.

"Sabi ko rin kay Elisse, 'Ang galing, no?' Miracle talaga ang baby.'

"Hindi namin alam kung paano namin haharapin, e. Hindi ko alam kung paano niya haharapin pagka nanganak siya. Na sana, safe din siya."

Sabay pag-alala ni McCoy noong pangaganak ni Elisse, "Worried ako nun. E, naka-video call lang kami nung nag-labor siya.

"Lagi lang ako nagdadasal. Nagdadasal ako, may hawak akong rosaryo ta's nakatingin lang ako sa kanya habang nagle-labor siya.

"Hindi ko alam tumutulo na luha ko."

Sa huli, sabi ni McCoy, "Yun pala yung feeling. Miracle talaga. Yun lang talaga wini-wish ko—maging healthy at maging mabait siya."

RELATED STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
McCoy de Leon on family life with Elisse Joson and Baby Felize: "Magkakaroon pa ako ng malungkot na mararanasan, e, ang ganda-ganda ng binigay sa amin ng Diyos—yung anak namin. Kaya dun kami nanggagaling. Normal kaming tao na nagkakaroon ng tough times, pero di na grabe katulad dati. Happy kami sobra. Lalo ngayon kuntento kami."
PHOTO/S: @mccoydeleon / @nextbymetrophoto Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results