Barbie Imperial slams AJ Raval for not speaking up after being linked to Diego Loyzaga

by Bernie V. Franco
Nov 29, 2021
Barbie Imperial versus AJ Raval
Barbie Imperial (left) on issue that AJ Raval (right) allegedly had a thing with Diego Loyzaga (inset, with Barbie): "Bakit parang gusto mo na nangyayari ito lahat? Na nagka-thing kayo ni Diego?”
PHOTO/S: @msbarbieimperial on Instagram / Instagram

Nagpakawala ng maaanghang na pahayag si Barbie Imperial, 23, laban sa sexy star na si AJ Raval, 21.

May kinalaman ito sa pagli-link kay AJ sa boyfriend ni Barbie na si Diego Loyzaga, 26.

Tahasan ding sinabi ni Barbie na magkasabwat si AJ at ang social media personality na si Xian Gaza sa pagpapakalat ng tsismis tungkol kina Barbie at Diego.

Naging laman ng balita ang blind item na inilabas ni Xian tungkol sa social media couple na naghiwalay dahil umano sa isang “Star Magic artist.”

Hinulaan ng netizens na sina Alodia Gosiengfiao at Wil Dasovich ang social media couple at si Barbie ang pinagbibintangang “Star Magic artist” sa blind item.

May post din si Xian na inakusahan si Diego na pinuntahan si AJ sa Pampanga, habang naghihintay sa kanya si Barbie sa Manila.

Xian Gaza Barbie imperial Aj Raval

Continue reading below ↓

Ang akusasyong ito ang sinagot ni Barbie sa panayam sa kanya ni Boy Abunda sa The Best Talk sa Cinema One noong November 28, 2021.

Nagsalita si Barbie matapos akusahang nagtataksil sa kanya si Diego.

Inamin ni Barbie na nanggigil siya sa paratang ni Xian, pero pinigilan niya ang sarili dahil iyon daw ang nais mangyari ng social media personality.

Tahasang itinanggi ni Barbie na pinuntahan ni Diego si AJ sa Pampanga.

“Hindi totoo iyon. Hindi totoo,” giit ni Barbie.

Ani Barbie, marami siyang alam tungkol kay AJ, “Pero ayoko naman na kasi mangsira ng ibang babae.”

Maging ang video na inilabas ni Xian na magkasama sina AJ at Diego ay galing daw sa taping.

“Never naman sila nagkaroon ng thing na seryoso talaga,” ani Barbie tungkol sa boyfriend at kay AJ.

Paliwanag ni Barbie, nagkatrabaho sina Diego at AJ para sa pelikulang Death of a Girlfriend.

Noong mga panahong iyon, boyfriend pa ni AJ si Axel Torres.

Continue reading below ↓

Best friend ni Barbie si Axel kaya alam daw ng Kapamilya actress na hindi niligawan ni Diego si AJ.

Si AJ ay nababalitang girlfriend ngayon ng aktor na si Aljur Abrenica.

BARBIE TO AJ: “MAGSALITA KA.”

Malinaw na may sama ng loob si Barbie kay AJ, na itinuring pa raw niyang kaibigan noon.

“Yung about doon kay AJ Raval, for me kasi, if wala kang kinalaman or alam mo naman na hindi ka kabit ni Diego, magsalita ka.

“So, parang for me, bakit parang gusto mo na nangyayari ito lahat? Na nagka-thing kayo ni Diego?” buwelta ni Barbie.

May pruweba rin umano siyang pakana nina AJ at Xian ang paggawa ng isyu.

“And I heard. I have a proof na AJ and Xian Gaza are friends, and they really talk about… she feeds him mga info, na mga chismis…

“So, parang [sa] akin, ‘O, gusto mo pala ‘to,’ parang ganoon.”

Continue reading below ↓

Sabi pa ni Barbie tungkol kay AJ: “Actually, friend ko siya noon, kaibigan ko siya noon.

“Tinanggap namin siya, sobrang bineybi namin siya sa grupo namin, kasi nga girlfriend siya ng best friend ko na si Axel. So, tinanggap namin siya.

"So, nagulat lang ako na andaming nangyayari na, ‘Okay, gusto mong maging kabit, e, hindi ka nga gusto ng boyfriend ko.’”

Barbie Imperial AJ Raval issue

Continue reading below ↓

Nanahimik daw si Barbie noong una, pero napuno na siya dahil nadamay si Diego.

“Kasi andami ko na ring naririnig, pero hindi ko na kinakaya na.

“Alam mo na ganoon ang lumalabas na isyu, bakit hindi na ikaw mismo ang magpatahimik?” ani Barbie, na halatang mensahe niya ito kay AJ.

Patuloy niya, “Alam mo naman na hindi ka gusto ng boyfriend ko.

“Ang tagal ko nang nananahimik, yung boyfriend ko na yung kawawa, na pinagbibintangan na ano, nagtsi-cheat sa akin.”

Inusisa ni Boy si Barbie kung hindi ba siya nag-reach out kay AJ hinggil sa isyu.

Sagot ni Barbie, may nakarating sa kanyang sinabi umano ni AJ na inagaw sa kanya si Diego.

Iyon daw ang mga panahong nagkatrabaho sina AJ at Diego sa pelikula.

Pakiramdam daw ni Barbie, siya ang tinutukoy ni AJ na nang-agaw kay Diego.

Sinabi raw ito ni Barbie noon kay Axel.

“I sent it to Axel, sabi ko ‘Bakit ganito yung ex mo? Itinuring namin siyang totoong kaibigan nung dinala mo siya sa amin. So, bakit may mga isyu?’”

Continue reading below ↓

Pinuna rin ni Barbie ang pagkakaroon ng “mga blind item pa na halata naman kami ni Diego at siya [AJ].”

Kaya raw napuno na si Barbie at magsalita na.

“Wala naman din akong kasalanan. Parang kung sino pa yung may mali, siya pa yung matapang.

“Parang hindi dapat ganoon. Dapat kung ikaw yung may mali, magpakumbaba ka.”

Kumpiyansa rin si Barbie na hindi nagloloko si Diego dahil naging honest daw ito simula pa noong manligaw siya.

“Sa babae naman, wala, kahit isang beses wala talaga.”

Hindi raw pinaramdam ni Diego sa kanya na may iba siyang nagustuhang babae.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Barbie Imperial (left) on issue that AJ Raval (right) allegedly had a thing with Diego Loyzaga (inset, with Barbie): "Bakit parang gusto mo na nangyayari ito lahat? Na nagka-thing kayo ni Diego?”
PHOTO/S: @msbarbieimperial on Instagram / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results