Heaven Peralejo denies romantic relationship with Kimpoy Feliciano: "We are very best friends."

by Arniel C. Serato
Nov 30, 2021
Heaven Peralejo on real status with Kimpoy Feliciano
Heaven Peralejo on friendship with Kimpoy Feliciano: "Yung kay Kimpoy guys, masaya lang din na nagkaroon din talaga ako ng kaibigan sa showbiz."
PHOTO/S: Courtesy: @heavenperalejo / @kimpoyfeliciano on Instagram

Mariing itinanggi ni Heaven Peralejo na may relasyon sila ng singer-vlogger na si Kimpoy Feliciano.

Pinaghinalaan kasi ng maraming netizens na may namamagitan sa dalawa matapos mag-post si Kimpoy sa Instagram ng birthday greeting para sa ika-22 kaarawan ni Heaven, kung saan nagpasalamat itong dumating ang Kapamilya actress sa kanyang buhay.

Mensahe ni Kimpoy para kay Heaven noong November 25: “Happy Birthday to this beautiful soul @heavenperalejo. Thank you for coming into my life so unexpectedly! Will be here for you no matter what. That's a promise [fingers crossed emoji]”

Kalakip nito ang dalawang larawan nila sa beach kung saan magka-holding hands pa sila sa isang picture.

Lalo pang nagduda ang ilang netizens dahil sa sagot ni Heaven kay Kimpoy na, “Luv u forever beh!!!”

Heaven Peralejo

Continue reading below ↓

Sa vlog ng ABS-CBN personality na si Darla Sauler kahapon, November 29, nagpaliwanag si Heaven tungkol sa pagkakaibigan nila ni Kimpoy.

Diin ni Heaven, “Hindi, hindi talaga, as in.

"Di ba, pag kunyari yung friend mo, ‘Uy beh,’ ganun?

“Pero kami ni Kimpoy, we are very best friends.”

Sa ngayon daw ay nakatuon ang atensiyon ni Heaven sa kanyang sarili.

Sabi niya, “Ano talaga, single ako pero not ready to mingle.

"Yung kay Kimpoy, guys, masaya lang din na nagkaroon din talaga ako ng kaibigan sa showbiz.

"Yun yung parang thankful kami sa isa’t isa na finally nakahanap ka rin ng kaibigan talaga na lumalabas kahit hindi magkasama sa work.

“So, yung amin talaga ni Kimpoy, yung pagmamahalan namin, e, hanggang best friends lang, guys, okay?

"Masanay na kayong may kaibigan akong lalaki."

May mga netizen namang nagkomento na sana raw ay magpahinga muna si Heaven sa kanyang love life dahil kailan lamang sila nag-break ni Kiko Estrada.

Continue reading below ↓

At hindi rin kaila sa Kapamilya star na ang dami niyang bashers online.

Reaksiyon dito ni Heaven, “Guys alam mo, magpahinga rin kayo, okay? Magpahinga kayo sa kaka-bash sa akin. Sabi ko nga sa inyo, single ako pero not ready to mingle.

“Kaya, huwag tayo mag-assume at gumawa ng issue na wala naman talagang issue di ba?

“Yun lang, enjoy lang, Christmas na, o, dapat happy, happy, ganyan.”

HOT STORIES

Use these Klook promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Heaven Peralejo on friendship with Kimpoy Feliciano: "Yung kay Kimpoy guys, masaya lang din na nagkaroon din talaga ako ng kaibigan sa showbiz."
PHOTO/S: Courtesy: @heavenperalejo / @kimpoyfeliciano on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results