AJ Raval posts cryptic meme after Barbie Imperial told her "Hindi ka gusto ng boyfriend ko"

by Rachelle Siazon
Nov 30, 2021
AJ Raval, Barbie Imperial, Diego Loyzaga
AJ Raval's (left) "stay away from my man" meme intrigues netizens following Barbie Imperial's (right) allegation that AJ appears to be tolerating the "fake news" that Diego Loyzaga is visiting AJ in Pampanga.

Para kay Barbie Imperial ba ang meme na ibinahagi ni AJ Raval?

Ito ang mainit na usap-usapan ng netizens sa gitna ng kontrobersiya sangkot sina AJ, Barbie Imperial, at Diego Loyzaga.

Kahapon, November 29, nag-post sa Facebook si AJ ng meme na may written text na "Stay away from my man."

Sa baba nito ay may text kunsaan ang tinukoy na "Her man" ay litrato ng isang panot na tila alien o unggoy.

AJ Raval meme about her man believed to be pertaining to Barbie Imperial and Diego Loyzaga

Continue reading below ↓

Tila sarkastiko ang dating ng meme na iyon.

Inuugnay ng netizens ang Facebook post ni AJ sa isyu sangkot ang magkasintahang Barbie at Diego.

AJ Raval on Barbie Imperial and Diego Loyzaga

Tingin nila ay patutsada ni AJ kay Barbie ang meme dahil tugma ito sa pinakawalang mainit na salita ni Barbie kay AJ na "Hindi ka gusto ng boyfriend ko."

Continue reading below ↓

AJ Raval on Barbie Imperial and Diego Loyzaga

Marami ang nag-comment sa post ni AJ ng mga litrato ni Diego na waring tinutukoy daw na "Her man" sa malamang meme ng Viva sexy star.

AJ Raval on Barbie Imperial and Diego Loyzaga

Continue reading below ↓

Nagtanong pa ang iba kung papatulan kaya ni Barbie ang meme ni AJ.

AJ Raval versus Barbie Imperial

AJ Raval, Barbie Imperial, Diego Loyzaga

Continue reading below ↓

Umabot na ng 23,000 comments at 31,000 shares ang Facebook post ni AJ habang isinusulat ang artikulong ito.

BARBIE'S FIERY STATEMENT VERSUS AJ

Noon lamang November 28 lumabas ang panayam kay Barbie ng TV host na si Boy Abunda sa Cinema One.

Dito ay kinuwestiyon ni Barbie ang pananahimik ni AJ sa aniya'y fake news na binibisita umano ni Diego si AJ sa Pampanga habang naghihintay si Barbie sa Manila.

Galing ang impormasyong iyon kay Xian Gaza, isang social media personality na noong 2018 ay nahatulan ng Malaban court ng limang taong pagkakakulong matapos mapatunayang guilty sa paglabag sa Bouncing Check Law.

Ayon kay Barbie, kumpiyansa siyang tapat na nobyo sa kanya si Diego.

Ipinaliwanag ni Barbie na nagkatrabaho sina AJ at Diego sa pelikulang Death of A Girlfriend, pero naniniwala siyang walang naging ugnayan ang dalawa nang higit sa pagiging co-stars.

Umalma si Barbie dahil lumalabas na tino-tolerate umano ni AJ ang pagli-link sa kanila ni Diego.

Continue reading below ↓

Sabi ni Barbie: "Yung about dun kay AJ Raval, for me kasi, if wala kang kinalaman or alam mo naman na hindi ka kabit ni Diego, magsalita ka.

"For me, bakit parang gusto mo na nangyayari ito lahat na nagka-thing kayo ni Diego?

"And I heard, I have a proof na AJ and Xian Gaza are friends. She feeds him mga info na mga chismis.

"So, parang akin, 'Oh, gusto mo pala 'to.'"

Ani Barbie, itinuring niyang kaibigan si AJ noong nobyo nito ang best friend niyang si Axel Torres.

Kaya hindi raw akalain ni Barbie na hahayaan umano ni AJ na masangkot sila ng nobyong si Diego sa isyung walang basehan.

Dalawang beses iginiit ni Barbie na walang gusto si Diego kay AJ.

Ayaw na lang daw niyang idetalye kung bakit kumpiyansa siyang "hindi totoo" ang isyung pag-uugnay kina AJ at Diego dahil "ayaw ko lang mangsira ng ibang babae."

Continue reading below ↓

Si AJ ay nauugnay ngayon sa aktor na si Aljur Abrenica.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
AJ Raval's (left) "stay away from my man" meme intrigues netizens following Barbie Imperial's (right) allegation that AJ appears to be tolerating the "fake news" that Diego Loyzaga is visiting AJ in Pampanga.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results