JK Labajo bonds with his “long lost lolo” Rastaman

by Arniel C. Serato
Dec 1, 2021
JK Labajo post on Rastaman
JK Labajo on online personality Rastaman: "Sobrang the best ni papi rastaman!!!"
PHOTO/S: Courtesy: @juankarlos on Instagram

Pabirong tinawag ng singer na si JK Labajo na “long lost lolo” niya ang sikat na online personality na si Rastaman.

Sa kanyang Instagram kahapon, November 30, ibinida ni JK ang dalawang larawan nila ni Rastaman.

Sabi niya sa caption: “with my long lost lolo. sobrang the best ni papi rastaman!!! Good vibes [three smiling faces with sunglasses emojis]"

View this post on Instagram

A post shared by juan karlos (@juankarlos)

Ikinatuwa naman ito ng followers ni JK.

Hindi naman malinaw kung ano ang sadya o pinag-usapan ng dalawa.

Pero posibleng may kaugnayan ito sa tattoo dahil pareho silang maraming tattoo.

Sino nga ba si Rastaman at bakit paborito itong gawan ng memes sa social media ngayon?

Rastaman for President

Continue reading below ↓

Si Rastaman, Rolando Plaza sa totoong buhay, ay unang sumikat noong 2019 mid-term elections matapos maghain ng kanyang kandidatura sa pagka-senador.

Rastaman for Senator

Nang tanungin siya noon kung ano ang gagawin niya sa senado, sagot nito, "Ang motorcycle ko may pakpak yo! Yo! Half human, half zombie, yo!"

Continue reading below ↓

Idineklara siyang nuisance candidate ng Commission on Elections (COMELEC).

Sinubukan niya ulit maghain ng kanyang kandidatura para sa 2022 elections pero sa kasamaang palad, nagpositibo siya sa COVID-19.

HOT STORIES

Use these Klook promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
JK Labajo on online personality Rastaman: "Sobrang the best ni papi rastaman!!!"
PHOTO/S: Courtesy: @juankarlos on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results