FDCP Chair Liza Diño, problemado sa naudlot na Pista Ng Pelikulang Pilipino dahil sa theater owners

by PEP Troika
Dec 2, 2021
FDCP Chair Liza Dino on PPP and theater owners
Liza Diño on coordinating with theater owners: "We’ve been writing to them. We’ve got the reply na, you know, siyempre pinapa-prioritize muna nila ang pag-open ng mga cinemas. Siguro, marami pang nakabinbin na pelikulang nag-aantay na lang na ma-screen. Kami naman, we’re just here."
PHOTO/S: @lizadino Instagram

GORGY RULA

Malalaking foreign films pa rin ang mga napapanood ngayon sa mga sinehan.

Kung natuloy sana ang Yorme: The Movie noong December 1, Miyerkules, meron na tayong local film na napapanood sa mga sinehan.

Pero ayon sa direktor nitong si Direk Joven Tan, ipinakiusap ni Mayor Isko Moreno na i-move ang showing dahil gusto nilang mabigyan ng chance ang mga kabataang mapanood ang pelikulang ito.

"Hindi pa kasi nababakunahan lahat ang mga bata. Ang gusto talaga ni Yorme, mga bata ang mga makapanood ng pelikulang ito. Kasi, dapat ma-inspire ang mga kabataan sa kuwento niya," sagot ni Direk Joven nang nakausap ko siya sa telepono nitong Huwebes ng umaga, December 2.

Hindi naman daw sila nahirapan sa pagkuha ng mga sinehan, kahit malaking Hollywood film ang katapat.

"May sinehan naman mabibigay sa amin. Marami na ngang block screenings, pero gusto talaga ni Yorme na mapanood ito ng mga bata," dagdag na pahayag ni Direk Joven.

Continue reading below ↓

Samantala, problema sa theater owners ang hinaharap ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) kaya hindi na natuloy ang Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) nung nakaraang buwan.

Ayon kay FDCP Chairperson Liza Diño, hindi nila nakuha ang partisipasyon ng mga sinehan kaya wala nang PPP 2021. Ang inaayos daw nila ngayon ay ang PPP 2022.

Pero hanggang ngayon ay kinukulit pa rin nila ang theater owners para sa kanilang suporta.

"We’ve been writing to them. We’ve got the reply na, you know, siyempre pinapa-prioritize muna nila ang pag-open ng mga cinemas. Siguro, marami pang nakabinbing pelikulang nag-aantay na lang na ma-screen.

"Kami naman, we’re just here. Everything that FDCP does is really in support of our producers para maiangat lalo yung ating industriya para tulungan makabangon, and PPP is that, ‘no?

"We will always make it as a way for us to help our producers. So, we’re waiting.

"Kasi, kung hindi namin sila kasama dito, hindi namin matutuloy ang Pista ng Pelikulang Pilipino," pahayag ni Liza nang nakapanayam namin sa DZRH nung nakaraang Martes, November 30.

Continue reading below ↓

Sa tingin mo kaya, Sir Noel, malabong suportahan ng theater owners itong project ng FDCP?

"Nag-reply naman sila. Nandun naman yung kanilang intention to still support our industry," pakli ni Chair Liza nang tinanong ko kung naramdaman ba niyang hindi siya susuportahan ng theater owners.

"Siguro, priority nila ngayon is just to comply with the protocols of the government to make sure na lahat sila ay papayagan ng mga LGUs na meron silang safety seal…

"And yun nga yung campaign din ng FDCP na 'Nood Tayo ng Sine' na talagang urges na hindi lang pang-one time, e, kundi long time na plano dito.

"We will respect their decision, but of course we will never stop, ‘no?

"Magpa-follow up pa rin kami kasi ang dami din naming nakaplano for PPP 2022. Kasi may nakakakuha na rin tayong funding galing sa government natin.

"So, we hope that this is also something that will help jump start [local movies returning to theaters]," sabi ni Chair Liza.

Continue reading below ↓

JERRY OLEA

Na-Eternals ang Yorme: The Movie?!

Bago magpandemya, hindi na tayo nagugulat kung Marvel film ang mag-o-open sa lahat ng first-run theaters sa bansa.

Siyempre, it’s not marvelous for Pinoy films, pero may magagawa ba tayo? Lalo pa ngayong hindi pa ganap na nakakabangon ang mga sinehan.

Itong pagka-postpone ng playdate ng Yorme ay ikalawang pagkaudlot na para kay Xian Lim na isa sa mga bida sa nasabing pelikula.

Iyong unang Kapuso series ni Xian Lim na Love. Die. Repeat ay natigil ang lock-in taping nang magka-spotting ang katambal niyang si Jennylyn Mercado.

Next year na magre-resume ang taping niyon, malamang na pagkapanganak ng Kapuso Ultimate Star.

Iyong musical film na Yorme, sa Enero 26, 2022 na raw ipapalabas sa local cinemas.

So, ang unang Pinoy film na magso-showing sa mga sinehan natin ay ang Caught in the Act na bida ang anak ni Yorme Isko na si Joaquin Domagoso. Disyembre 15 ang playdate niyon.

Continue reading below ↓

Okey ba ang playdate na iyon? Hindi kaya abala na ang mga tao sa nalalapit na Kapaskuhan by that time? Hopefully, huwag ma-Omicron ang Caught in the Act, ‘no?!

At any rate, noong Agosto pa lang ay inaasam na ni FDCP Chair Liza Diño na ganapin ang PPP 2021 sa buong buwan ng Nobyembre, bilang patikim sa MMFF 2021 na mag-uumpisa sa Disyembre 25, Araw ng Pasko.

Naniniwala si FDCP Chair Liza na dapat i-prioritize ang local films sa mga sinehan.

Aniya, "May fighting chance yung mga Filipino films natin, pag pinapalabas sila sa theaters.

"Actually, we have been informed by some Filipino producers na... eto na lang yung chance, di ba? Bumabangon tayo ngayon.

"Like what I said, while it is very important, kanya-kanya tayo ng interest pagdating sa mga businesses natin. Pero, now is the time to work together.

"I-prioritize our own. Ito lang talaga yung way ng mga Filipino producers natin para kumita, dahil hindi pa sustainable ang streaming platforms. Alam natin lahat ‘yan.

Continue reading below ↓

"Theaters pa rin ang pinagkukunan ng revenue ng ating mga producers na gumagastos ng milyon-milyon. So, where they’re gonna screen if not in the cinemas?"

Noong Nobyembre 10 nagbukas ang mga piling sinehan sa NCR at ilang lalawigan. Sa mga kasunod na linggo ay nadaragdagan ang mga nagre-reopen na sinehan. So far ay foreign films pa lang ang naipapalabas.

Napag-alaman natin maraming kinaharap na problema ang theater owners, lalo pa’t dapat isaalang-alang ang safety protocols. Marami ring nasirang mga makina sa mga sinehan.

Hopefully, pagsapit ng MMFF ay maayos na talaga ang operations ng local cinemas.

NOEL FERRER

Sa huli’t huli, ang isasaalang-alang ay ang kapakanan ng mga manggagawang nawalan ng trabaho dahil sa naipasarang teatro nang mahigit isang taon.

Hindi maka-commit ang ibang sinehan sa ibang aktibidades dahil they need time to adjust sa reopening ng mga theaters.

Hindi naman daw puwedeng unang bukas pa lang nila ay itong kakaibang programa na agad. Ibalik daw muna ang normal operations (kahit hindi na normal ang operasyon).

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Liza Diño on coordinating with theater owners: "We’ve been writing to them. We’ve got the reply na, you know, siyempre pinapa-prioritize muna nila ang pag-open ng mga cinemas. Siguro, marami pang nakabinbin na pelikulang nag-aantay na lang na ma-screen. Kami naman, we’re just here."
PHOTO/S: @lizadino Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results