Marian Rivera confirmed to sit as Miss Universe 2021 selection committee member: "Magiging patas ako."

by Bernie V. Franco
Dec 3, 2021
Marian Rivera miss universe
Marian Rivera on being chosen to sit as Miss Universe 2021 judge: “Very excited talaga ako na makapunta doon para makita ko at ma-appreciate ko yung naggagandahang mga kababaihan sa buong mundo."
PHOTO/S: GMA PR Photo

Si Marian Rivera ang tinutukoy sa blind item na lumabas dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong November 27, Sabado, tungkol sa isang sikat na Kapuso actress na napiling maging hurado sa Miss Universe 2021.

Ngayong Biyernes ng hapon, December 3, pormal nang inanunsiyo ang pagiging selection committee member ng Kapuso Primetime Queen sa pinakaprestihiyosong international beauty pageant.

Wala namang pagsidlan ng tuwa si Marian na maging bahagi ng Miss Universe 2021.

Saad niya, “Minsan lang ako mabigyan ng ganitong pagkakaton na mapabilang sa ganitong klase.

“Anniversary pa nila, 70th anniversary pa nila, ‘tapos napasama pa ako doon,” saad ng Kapuso Primetime Queen sa virtual interview kaninang hapon.

Lilipad si Marian sa Eilat, Israel sa December 6. Mananatili siya roon hanggang grand coronation sa December 13, 2021 (Philippine time).

Isang karangalan daw para sa aktres na bitbitin ang bandera ng Pilipinas.

Ang tiyak ngayon ay kabilang si Marian sa selection committee.

Continue reading below ↓

May pagkakataon siyang makaharap ang lahat ng kandidata ng Miss Universe 2021 para kilatisin kung sino ang mag-a-advance bilang finalists.

Gayunpaman, hindi pa tiyak ang lahat ng aktibidad at partisipasyon ni Marian sa pageant, o kung hurado rin siya sa coronation night.

Pahayag ng management niyang Triple A Management: “We still don’t have the final list of the things to do ni Marian in the event. But, yes, she will be attending the coronation night.”

ON BASHERS

Ilan sa mga Pinay na naupong judge sa Miss Universe noon ay sina Kuh Ledesma (1991), Lea Salonga (2011), at Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach (2017).

Noong panahon nina Lea at Pia, nabatikos sila ng Pinoy pageant fans dahil sa placement ng Philippine representatives.

Ani Marian, hindi siya nangangamba pagdating sa bashing.

Saad niya, “Ang hirap kasi sabihin na… andoon ako, okay, hindi naman kasi lahat ng tao mapi-please mo, e. May masasabi’t may masasabi pa rin.

Continue reading below ↓

“Basta ako, pupunta ako doon, gagampanan ko kung ano ang dapat kong gampanan. Magiging patas ako.

“At the same time, siyempre, ie-express ko yung sarili ko sa naaayon sa nararamdaman ko ngayon.”

Pagdating sa batikos, aniya, “Kung may masasabi, parang hindi ko iyan iintindihan.”

Hindi raw pumapatol si Marian pagdating sa pamba-bash.

Marian Rivera miss universe

Continue reading below ↓

May mensahe ba siya sa pageant fans, lalo’t kilala ang bansa bilang pageant country?

“Ang hirap magsalita, ang hirap magkamali,” sambit ni Marian.

“Very excited talaga ako na makapunta doon para makita ko at ma-appreciate ko yung naggagandahang mga kababaihan sa buong mundo.

“For sure, excited sila. Ako rin, excited talaga.”

Nausisa rin si Marian kung ano ang hinahanap niya sa isang Miss Universe.

Tugon niya, “Given na, siyempre, pag beauty ang pinag-uusapan, kailangan maganda ka talaga literal.

“Pero ang pinakaimportante diyan siguro kung paano ka makitungo sa kapwa mo.

“At kung paano yung kapwa mo na tinitingnan ka, yung nakapagbibigay ka ng inspirasyon para sa kanila.

“Kasi para sa akin, yung ganoong kalooban na masi-share mo sa ibang tao, that’s priceless, e.

“Ang beauty kasi madali iyan. Puwede iyang mag-makeup, pero siyempre, it’s part of the beauty contest.

“Pero ang mahalaga diyan kung ano yung nasa loob mo.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Marian Rivera on being chosen to sit as Miss Universe 2021 judge: “Very excited talaga ako na makapunta doon para makita ko at ma-appreciate ko yung naggagandahang mga kababaihan sa buong mundo."
PHOTO/S: GMA PR Photo
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results