Isko Moreno to retire from politics if not elected president

by Arniel C. Serato
Dec 4, 2021
Isko Moreno for president 2022
Manila Mayor and presidential aspirant Isko Moreno if he fails to clinch the highest position in the land in 2022: "Para ka lang syota yan, nagkahiwalay kayo, move forward. Pahinga na rin. Tapos na ko. I did my share."
PHOTO/S: Courtesy: Isko Moreno Domagoso on Facebook

Tuluyan nang magpapahinga sa pulitika si Manila Mayor at presidential aspirant Isko Moreno kung hindi siya mahahalal na susunod na pangulo ng Pilipinas sa 2022 elections.

Ito ang tinuran ni Moreno sa kanyang pagbisita sa Meycauayan, Bulacan, kahapon, December 3.

Sabi niya, ayon sa ulat ng Inquirer.net: “Tapos na ang buhay, move on. Para ka lang syota yan, nagkahiwalay kayo, move forward. Pahinga na rin.

“Tapos na 'ko. I did my share. That’s why I offered myself to the people hangga’t malakas pa ‘ko.

"Kasi nangyayari baka mamaya may pandemya nakapagpahalal tayo ng medyo may edad na naman. Mahihirapan.”

47 years old na ngayon ang alkalde na kasalukuyang nagsisilbi ng kanyang unang termino bilang mayor ng Maynila.

Patuloy pa niya, “Di natin minamaliit yung edad. Pero sa hirap ng buhay ng mga kababayan sa pandemyang ito and post pandemic, kailangang mabilis kumilos.

"So you know, there are things that needs to be considered.”

Continue reading below ↓

Kung mananalo naman siya sa pagkapangulo, magpapahinga na din daw siya sa pagiging public servant pagkatapos ng kanyang termino sa Malacañang.

Dagdag niya, “I’ve been working in the government half of my life, I’ve been involved in public service.

"Halimbawa, pinalad ako, at the age of 52 tapos na yung term ng presidente, pahinga na. Magbabayad na ko ng kakulangan sa pamilya ko, sa mga anak ko.

“At least 52 medyo kas-mala (malakas) pa. Pwede pang pasyal-pasyal.

"Ma-invest ko naman yung remaining days of my life after the presidency if, may awa ang Diyos at sa tulong ng tao, magtagumpay tayo sa laban na ‘to.”

Sakaling palarin, papalitan ni Isko sa pagkapangulo si Pangulong Rodrigo Duterte.

Si Isko ay tumatakbo sa Ilalim ng partidong Aksyon Demokratiko.

Makakalaban niya sa karera sa pampanguluhan ng bansa sina Vice President Leni Robredo, Senator Ping Lacson, Senator Bong Go, at dating Senador Bongbong Marcos.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Manila Mayor and presidential aspirant Isko Moreno if he fails to clinch the highest position in the land in 2022: "Para ka lang syota yan, nagkahiwalay kayo, move forward. Pahinga na rin. Tapos na ko. I did my share."
PHOTO/S: Courtesy: Isko Moreno Domagoso on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results