Has McCoy de Leon won the vote of approval of Elisse Joson's mother?

by Melba R. Llanera
Dec 6, 2021
McCoy de Leon, Elisse Joson and Baby Felize
McCoy de Leon on Elisse Joson's mother: "Pero ang masasabi ko, kung di dahil sa mommy ni Elisse, posible na di magiging healthy ang anak ko. Malaki ang utang na loob ko sa kanya kasi siya ang nag-alaga kay Elisse sa ibang bansa." Seen here is a photo of Elisse, McCoy, and their seven-month-old daughter Felize.
PHOTO/S: @mccoydeleon Instagram

Matagal nang isyung hindi boto umano ang ina ni Elisse Joson na si Dra. Christine Joson Diuco kay McCoy de Leon para sa anak.

Hindi malinaw ang eksaktong rason kung bakit tila malayo ang loob ng ginang sa kasintahan ni Elisse.

Ngayong may apo na ito na si Baby Felize, lumambot na kaya ang loob ng ina ni Elisse kay McCoy?

Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), hiningi namin ang saloobin ni McCoy tungkol sa isyu.

"Araw-araw ko na hinihiling na yun na lang, makumpleto, maging masaya ang lahat," diretsong sagot ng 26-year-old Kapamilya actor.

Hindi nagdetalye si McCoy sa kung anumang hadlang sa tuluyang pagkakaayos nila ng ina ni Elisse.

Pero sinabi niyang malaki ang papel ni Christine para maalagaan nang husto si Elisse noong panahong buntis ang aktres at namalagi sa Amerika.

"Pero ang masasabi ko, kundi dahil sa mommy ni Elisse, posible na di magiging healthy ang anak ko.

Continue reading below ↓

"Malaki ang utang na loob ko sa kanya kasi siya ang nag-alaga kay Elisse sa ibang bansa.

"Wala ako, ako ay nagtrabaho dito. Yun lang ang masasabi ko and prayers," saad ni McCoy.

May paraan ba para mapalapit siya sa ina ni Elisse?

Sagot ni McCoy, "Way? Always naman. Lagi kong iniisip yung way dapat nasa tama, [dapat may] respeto.

"Lahat ng natutunan ko sa mga taong importante sa akin, lalo na sa mga magulang ko, ia-apply ko ngayon sa mga ganitong pagkakataon."

Nakapanayam ng PEP.ph si McCoy sa premiere night ng Yorme: The Movie, na ginanap sa Cinema 4 and 5 ng SM Manila noong November 30.

ON GOING PUBLIC ABOUT HAVING A BABY

Sina McCoy at Elisse ay nakilala sa uniname na McLisse nang sumali sila sa Pinoy Big Brother: Lucky 7 noong 2016-2017.

Lihim na isinilang ni Elisse ang anak nila ni McCoy na si Baby Felize noong April 15, 2021.

Continue reading below ↓

Noong October 21 nila isinapubliko ang tungkol kay Baby Felize, at noong November 15 ay ipinagdiwang nila ang seventh month ng bata.

Marami ang nagtatanong kung nakaramdam ng kaba at takot ang aktor na makaapekto sa kanyang career ngayong inamin niyang isa na siyang ama.

Pero iginiit ni McCoy na hindi popularidad ang motivation niya sa kanyang showbiz career.

Paliwanag niya: "Masasabi ko siguro, kahit dati, kahit ano ang mangyari gagawin ko ang isang trabaho dahil gusto ko o hindi dahil gusto kong sumikat lang.

"Gagawin ko ang isang proyekto dahil gusto kong gampanan. Sining, malalim mang sabihin, sining at passion.

"Kaya bonus na lang... yung pagsikat nandiyan lang naman, alam naman natin na anytime puwedeng mawala."

Mas inaalala pa raw ni McCoy na sana ay matapos niya ang kursong Engineering.

Ikatlong taon niya sa Civil Engineering sa Mapua nang huminto siya nang mapabilang sa cast ng defunct Kapamilya daytime series na Be Careful With My Heart noong 2012.

Continue reading below ↓

"Dati gusto ko ring makapagtapos, yun ang tangi kong sagot sa sarili ko. Pero yung sikat, last priority ko yun," ani McCoy.

Nang magkaroon sila ng anak ni Elisse, mas pinaghandaan daw nila ang mindset ngayong may sarili na silang pamilya kaysa kung anong epekto nito sa kani-kanilang karera.

"Sa amin ni Elisse, hindi namin iniisip yun, inisip namin yung sarili naming relasyon, kumbaga mas titibayan namin ang mga sarili namin.

"Bonus na lang kung may mga matuwa gaya nga nung nilabas namin si Baby Felize."

GRATEFUL TO WELL-WISHERS

Mas hindi raw niya kakayanin kung makarinig nang hindi maganda patungkol sa anak.

"Takot ako na kinakabahan na masaya, halu-halo, kasi di namin alam kung ano ang sasabihin ng mga tao.

"Lalo na pag may sinabing hindi maganda lalo na sa anak ko, di ko siguro kayang kayanin na marinig," sabi ni McCoy.

Pero taliwas sa agam-agam ni McCoy, bukod sa McLisse fans ay maraming netizens ang natuwa nang ipakilalala nila si Baby Felize.

Continue reading below ↓

Masayang sabi ni McCoy, "Pero awa ng Diyos talaga, sobrang opposite yung nangyari, sobrang dami ang natutuwa, sobrang dami ng mga blessings.

"Lalong nasa right path ang buhay namin ni Elisse."

Panoorin ang love story nina McCoy at Elisse sa PEP Spotlight:


We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
McCoy de Leon on Elisse Joson's mother: "Pero ang masasabi ko, kung di dahil sa mommy ni Elisse, posible na di magiging healthy ang anak ko. Malaki ang utang na loob ko sa kanya kasi siya ang nag-alaga kay Elisse sa ibang bansa." Seen here is a photo of Elisse, McCoy, and their seven-month-old daughter Felize.
PHOTO/S: @mccoydeleon Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results