Are McCoy de Leon, Elisse Joson getting married anytime soon?

by Melba R. Llanera
Dec 6, 2021
McCoy de Leon and girlfriend Elisse Joson
McCoy de Leon on wedding talks with partner Elisse Joson: "Lagi naming pinag-uusapan ni Elisse, pero lagi naming binabanggit sa sarili namin, maging praktikal lang kami. Siyempre di rin biro ang manganak lalo na ngayon pandemya kailangang mag-ipon."
PHOTO/S: @mccoydeleon Instagram

Inamin ni McCoy de Leon, 26, na hindi sila nagmamadaling magpakasal ni Elisse Joson, 25.

Kilala sa uniname na McLisse, mayroon silang seven-month-old daughter na si Baby Felize.

Prayoridad nila sa ngayon ang pagpapalaki sa kanilang anak.

"Lagi naming pinag-uusapan ni Elisse, pero lagi naming binabanggit sa sarili namin, maging praktikal lang kami.

"Siyempre di rin biro ang manganak lalo na ngayon pandemya, kailangang mag-ipon.

"Siguro soon, wala namang problema dun."

Sabi niya sa pag-propose ng kasal kay Elisse in the future: "Saka di naman ako ang sasagot, ako naman ang magtatanong."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si McCoy sa premiere night ng Yorme: The Movie, na ginanap sa Cinema 4 and 5 ng SM Manila noong November 30.

Aminado si McCoy na malaki ang ipinagbago ng buhay niya ngayong isa na siyang ama kay Baby Felize at magkasama na sila ni Elisse sa iisang bubong.

"Masasabi ko lang, masayang-masaya ako sa buhay ko ngayon. Ibang-iba, ibang turning point ito.

Continue reading below ↓

"Kumbaga, nagkaroon lalo ng direksiyon. Di ko ma-explain yung words, pero ang sarap pala magkaroon ng anak lalo na ng pamilya," saad ni McCoy.

Mas inspirado raw si McCoy na magsumikap para sa future ng anak nila ni Elisse.

Patuloy ng Yorme actor, "Mas lalo kong gustong magpurisge sa buhay. Di lang sarili ko ang binubuhay ko, di lang pamilya ko, kapatid o magulang ko.

"May sarili na akong pamilya na bubuhayin ngayon. Dodoblehin ko kung paano ako magtrabaho ngayon.

"Siyempre, habang nagtatrabaho, mas inspired, mas happy ako sa gagawin ko."

Marami ang nakakapansing kamukha raw ni McCoy si Baby Felize.

"Ayoko, baka magalit si Elisse!" natatawang biro ni McCoy.

Sabay dugtong niya, "Siguro malakas ang dugo ko. Pero paglaki niya, sure ako na kasing-ganda niya rin si Elisse.

"Pero sana maging mabait. Di naman importante kung ano ang hitsura, basta mabait, makatao, makasalamuha nang maayos. Yun lang naman."

Ayon pa kay McCoy, nakatuon ang atensiyon nila sa nalalapit na Kapaskuhan kung saan sa kauna-unahang pagkakataon ay ipagdiriwang niya ito bilang isang ama.

Continue reading below ↓

"Sa ngayon, masaya naman kami na magpa-Pasko. Frst time namin ni Elisse na mag-Pasko at first time din namin na may anak na mag-Pasko. So, maraming gastos.

"Sobra, iba, ibang turning point ng buhay ko ito kaya sa akin, hindi ko palalagpasin ito saka memorable sa akin.

"Ibibigay ko ang lahat ng happiness sa kanila lalo na ngayong Pasko."

HAPPY WITH HIS PERFORMANCE IN YORME BIOPIC

Mahusay at umangat si McCoy sa musical film na Yorme: The Movie.

Bilang dating miyembro ng grupong Hashtags sa It's Showtime, mas kilala si McCoy sa pagsasayaw.

Kaya naiiba ang papel niya sa pelikula kung saan makikita siyang umaawit ng mga kantang gawa ng director/writer/composer na si Joven Tan.

"Di ko in-expect ang mga napanood ko. Siyempre sa tulong ni Direk, ng buong production, yung mga taga-Tondo na rin, kasi naranasan ko.

"Feel na feel ko siguro kasi taga-Tondo din ako. Pero ito, ibang klaseng istorya.

Continue reading below ↓

"Sana naging singer pala ako nung pinanganak ako para mas maganda."

Mas na-inspire daw si McCoy na mag-train sa pagkanta.

"Soon sana madagdagan, pag may musical uli, hindi ko alam. Gagawin ko talaga nang maayos lalo na yung boses ko.

"May mga parts na hindi talaga, pero may ginawa si Direk para maging boses ko," saad ni McCoy.

Nagpasalamat din si McCoy dahil sa buong shooting ng pelikula ay walang nagkasakit o nahawa ng COVID-19 dahil sa mahigpit na pagsunod nila sa safety protocols.

"Nung tinanggap ko ang project na ito, before pandemic. Matagal na itong proyekto na ito.

"Nung pandemic, kasagsagan talaga [nung nag-shoot]. Tapos sa Tondo ang location. Diyos na lang talaga, dasal na lang talaga sa kalusugan ng sarili ko at ng buong production.

"Sa awa ng Diyos, wala namang nangyari na hindi maganda. Heto, heto kami," proud na pahayag ni McCoy.

Hindi natuloy ang dapat sana'y regular showing ng Yorme sa mga sinehan nung Disyembre 3.

Continue reading below ↓

Para kay McCoy, may magandang rason kung bakit sa January 26, 2022 pa mapapanood ito sa mga sinehan.

"Kanina ko lang nalaman na di pa showing ang Yorme, baka mayroong rason, mayroon ding timing.

"Sa akin naman, ang importante sana magustuhan ng mga tao ang pinaghirapan ng lahat, ni Direk Joven, ni Ms. Edith, ng Viva of course.

"Yun lang naman sa akin, kahit naman anong date 'yan basta magustuhan ng mga tao. Sana, sana."

ON BEING A VIVA ARTIST

One year at three months nang nasa roster ng Viva Artists Agency si McCoy.

Dahil dito ay malaki ang posibilidad na makapareha niya ang ibang Viva artists gaya nina Julia Barretto at Yassi Pressman.

Pero ayaw pang magbigay ng detalye ni McCoy kung sino ang mga makakasama niya sa mga pinaplano ng Viva na proyekto para sa kanya.

"Actually, kami-meeting ko lang with Boss Vic, Ms. Veronique. Mayroong pagbabago, hindi ko lang siguro malalatag yun, pero nakakatuwa kasi mas alam ko ang magiging path ko.

Continue reading below ↓

"Hopefully, next year malatag na, magawa ko nang maayos."

Ang tinutukoy niyang Boss Vic ay ang founder at chairman ng Viva Entertainment Inc. na si Vic de Rosario. Ang anak ni Vic na si Veronique del Rosario ang president ng Viva Artists Agency.

Dahil may ibang proyekto siyang natanggihan noon, ngayon ay handa na raw si McCoy na umarangkada lalo pa't tila nakakapag-adjust na siya sa pagkakaroon ng pamilya.

Paliwanag ng aktor: "Siguro nahirapan lang ako kasi may kasama ako sa bahay, ang hirap ding lumabas-labas nung time na yun.

"Kaya ngayon, pagpupursigihan kong gumawa ng pelikula. Ang sarap gumawa ng pelikula lalo na pag makabuluhan.

"Nakakalungkot lang na may mga na-turn down ako kasi di ko talaga magagawa nang maayos.

"Pero heto, nakakatuwa na may gagawin akong ngayon, hindi ko lang mababanggit."

Dagdag pa niya, "May mga binanggit sa akin, pero yung next kong gagawin secret muna, kumbaga surprise.

Continue reading below ↓

"Like I've said before, mas malinaw na sa akin yung path na tatahakin ko kaya thankful ako sa Viva."

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
McCoy de Leon on wedding talks with partner Elisse Joson: "Lagi naming pinag-uusapan ni Elisse, pero lagi naming binabanggit sa sarili namin, maging praktikal lang kami. Siyempre di rin biro ang manganak lalo na ngayon pandemya kailangang mag-ipon."
PHOTO/S: @mccoydeleon Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results