Netizens tease Beatrice Luigi Gomez about piggyback ride with Miss Armenia

by Arniel C. Serato
Dec 6, 2021
Beatrice Luigi Gomez candid moment with Miss Armenia
Miss Philippines Beatrice Luigi Gomez and Miss Armenia Nane Avetisyan enjoy candid moment together during a Miss Universe 2021 off-road event in Eilat, Israel.
PHOTO/S: Courtesy: Miss Universe on Twitter

Kinaaliwan ng Pinoy pageant fans ang video nina Miss Philippines Beatrice Luigi Gomez at Miss Armenia Nane Avetisyan na in-upload ng Miss Universe Organization sa Twitter kahapon, December 5.

Mapapanood dito ang 39-second video ng dalawa sa Eilat, Israel kung saan may off-road event ang Miss Universe candidates.

Magkasama sina Beatrice at Miss Armenia sa ATV (all-terrain vehicle).

Sa gitna ng Miss Universe sideline event, tila tumigil muna sila sa disyerto upang mag-pictorial.

Sina Beatrice at Nane naman ay may kinaaliwang gawin—kinarga ng una ang huli sa isang maiksing video.

Caption sa post, “Always ready for a photo op! #missuniverse

Continue reading below ↓

Dahil sa malikot na pag-iisip ng mga Pinoy, kung anu-anong nakakatawang komento ang ibinahagi ng ilang netizens sa post.

Sabi ng iba, “korona” dapat ang puntiryahin ni Beatrice at hindi “love life.”

Aminadong bisexual ang kandidata ng Pilipinas, na kakahiwalay lang sa relasyon nila ni Kate Agdon na tumagal ng pitong taon.

Biro ng isang netizen, “Bea crown ang iuuwi ah?”

Continue reading below ↓

Sabi ng isa pa, “Lovelife pala ang maiuuwi ni Luigi [laughing emojis]”

Suhestiyon ng isa pa, “Bea, focus muna tayo sa korona! Sige iuwi mo ng sabay ang korona at ang pagibig!”

Continue reading below ↓

Payo ng isang netizen, “Luigi paalala lang yung Miss Universe crown”

Paghanga ng isa pang netizen kay Bea, “That's our girl. Strong & beautiful! [Philippine flag emoji]”

Biro naman ng isang netizen, “Mukhang jowa ang maiuuwi [laughing emoji]”

Continue reading below ↓

Samantala, sa Instagram Reels naman ng @forthephilippines, muling pinaaalahanan ng isang netizen si Beatrice tungkol sa kanyang pakay sa Israel.

Ayond ito, "Bea crown ang iuwi ha... wag merlat HAHAHAHA"

Netizen reminds Beatrice Luigi Gomez about her purpose in Israel

Ni-repost naman ito ni Nane sa kanyang Instagram Stories.

“PARTNER IN CRIME”

Ibinahagi rin ni Nane sa kanyang Instagram ang activity na ito kasama si Beatrice at iba pang mga kandidata sa Miss Universe 2021.

Continue reading below ↓

Puring-puri ni Nane si Beatrice na tinawag pa niyang “partner in crime.”

Buong post niya (published as is): “Today we had a crazy day with my girls [zany face emoji]

“If I got payed every time when I heard ,,You are going fast’’ [flushed face emoji] or ,, Slower’’ [weary face emoji] or ,,please be careful’’ ???? … I would be a millionaire now [grinning face with smiling eyes emoji]

"And meet my partner in crime: @beatriceluigigmz [heart emoji]

“She is so Nice, Caring and REAL ! [smiling face with heart-shaped eyes emoji]”

Ipapasa ni Miss Universe 2020 Andrea Meza ng Mexico ang korona sa 70th edition ng Miss Universe sa darating na December 12 (December 13 Philippine time).

Gaganapin ang coronation night sa Red Sea resort sa Eilat, Israel.

Maaaring bumoto para kay Bea para makapasok sa Top 16 sa vote.missuniverse.com o kaya ay i-download ang Miss Universe Official app at sundan ang alintuntunin kung paano bumoto.

Continue reading below ↓

Use these Lazada vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miss Philippines Beatrice Luigi Gomez and Miss Armenia Nane Avetisyan enjoy candid moment together during a Miss Universe 2021 off-road event in Eilat, Israel.
PHOTO/S: Courtesy: Miss Universe on Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results