Teresa Loyzaga defends AJ Raval: “Lahat nagkakamali at nadadapa.”

by Bernie V. Franco
Dec 6, 2021
teresa loyzaga on aj raval barbie imperial
Teresa Loyzaga (left photo, with Barbie Imperial) speaks up about AJ Raval (right photo) who is accused of being a "kabit" and other nasty accusations. Teresa speaks up amid rumors linking AJ to Diego Loyzaga, Teresa's son.
PHOTO/S: @msbarbieimperial on Instagram / Facebook

Nag-react si Teresa Loyzaga sa akusasyong “kabit” at may itinatago umanong anak si AJ Raval.

Sa mga lumabas na isyu, iniuugnay rin si AJ sa anak ni Teresa na si Diego Loyzaga.

Diumano, pinuntahan ni Diego si AJ sa bahay nito sa Pampanga, habang hinihintay si Diego ng girlfriend niyang si Barbie Imperial.

Tahasang itinanggi ito ni Barbie at sinabing walang gusto si Diego kay AJ.

Giit ni Barbie, nagkatrabaho lamang sa isang pelikula sina Diego at AJ.

Hindi rin daw siya binibigyan ng dahilan ni Diego para magselos.

Sa gitna ng mga hindi magagandang paratang kay AJ, nagsalita si Teresa at pinaboran si AJ.

TERESA SPEAKS UP ABOUT AJ

Tinalakay ang mga isyung kinasasangkutan ni AJ sa Cristy Ferminute, ang programa ni Cristy Fermin sa Radyo Singko, December 3, 2021.

Binanggit dito ang pagkakadawit ni AJ sa relasyong Diego-Barbie, gayundin sa estranged couple na sina Kylie Padilla at Aljur Abrenica.

Continue reading below ↓

Dahil dito, pinaparatangan si AJ ng pagiging “kabit” sa mga relasyon.

Napag-usapan din ang akusasyon ngayon kay AJ na isa na raw itong ina at itinatago umano nito ang anak sa Pampanga.

Sa gitna ng pagtalakay ni Cristy at co-host nitong si Romel Chika tungkol kay AJ, maririnig ang production assistant ni Cristy na nag-text daw si Teresa.

Nang basahin ang text, sinabi ni Cristy na nag-message si Teresa na ngayon ay nasa Perth, Australia.

Hindi pinapaboran ni Teresa ang paninirang-puri kay AJ ngayon. Naranasan din daw kasi noon ng beteranang aktres na siraan.

Bukod pa rito, sinabi ni Teresa na nakilala na niya si AJ, at nakiusap siyang itigil na ang paninira sa baguhang aktres.

Mensahe ni Teresa: “Naranasan ko na sira-siraan noon. Ang paninira sa ibang tao ay hindi kahit minsan naging solusyon.

“Nakilala ko si AJ. She seems like a nice girl, and kilala ko din ang dad niya,”

Continue reading below ↓

Si AJ ay anak ng dating action star na si Jeric Raval.

Pakiusap ni Teresa: “Sana tumigil na ang paninira. Life should be happy. Lahat nagkakamali at nadadapa.”

Nagkomento rin si Teresa sa paratang na may anak na umano si AJ.

Aniya, “Kahit may anak or wala, she is a woman.

“Ako po, nanganak at naging single mom.

“Let’s respect AJ also. Sana si Chismosong Frog ang layuan niya.”

Hindi man pinangalanan, matutukoy na ang tinutukoy na Chismosong Frog ay si Xian Gaza.

Sa interview kay Barbie sa The Best Talk noong November 28, 2021, sinabi niyang magkaibigan sina AJ at Xian.

Paratang ni Barbie, si AJ ay nagpi-feed umano ng mga “chismis” kay Xian, na ipino-post naman ang mga paninira umano sa social media.

Sa interview na iyon, ibinunyag ni Barbie na ini-enjoy umano ni AJ na napag-uusapan ito, kahit na akusahan siyang kabit.

Ibinunyag din ni Barbie na kaibigan niya noon si AJ, dahil naging girlfriend ito noon ng best friend ni Barbie na si Axel Torres.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Use these Lazada vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Teresa Loyzaga (left photo, with Barbie Imperial) speaks up about AJ Raval (right photo) who is accused of being a "kabit" and other nasty accusations. Teresa speaks up amid rumors linking AJ to Diego Loyzaga, Teresa's son.
PHOTO/S: @msbarbieimperial on Instagram / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results