Karen Bordador on PBB housemates: "I don't want to watch the backstabbing."

by Bernie V. Franco
Dec 7, 2021
Karen Bordador PBB housemate
Karen Bordador prefers to be frank with someone instead of backstabbing: "Better be disliked for the truth than loved for a lie."
PHOTO/S: YouTube (Pinoy Big Brother)

Nagbigay ng kanyang pananaw si Karen Bordador tungkol sa backstabbing sa loob ng Pinoy Big Brother (PBB) house.

Si Karen, kasama si TJ Valderrama, ang latest evictee ng PBB Kumunity Season 10.

Ngayong nasa labas na ng PBB house si Karen, aktibo siya sa kanyang social media accounts.

Sa Twitter, sunud-sunod ang posts ni Karen kung saan sinariwa niya ang pananatili sa Bahay ni Kuya.

Kahapon, December 6, nag-tweet ang radio disc jockey na mas gusto niyang prangkahin ang isang tao kesa makipagplastikan.

Tweet ni Karen: “I'm more comfy to say it face to face than to go behind someone's back... that just feels way more uncomfy.

“Keeping it real is better than keeping it safe and deceiving.”

Karen bordador tweet

Continue reading below ↓

Sabi pa ni Karen, mas pipiliin niyang ayawan siya ng iba kung katotohanan naman ang kanyang sasabihin.

Mensahe niya: “Better be disliked for the truth than loved for a lie. But syempre it's always better to be liked cause you always reveal your truths.”

karen bordador tweet

Walang tinukoy na tao si Karen, pero bago sila mapatalsik ni TJ sa PBB house, nagkaroon pa ng komprontasyon ang dalawa.

Continue reading below ↓

Prinangka ni Karen si TJ sa pagiging “negatron” at “paninisi” nito sa kanya sa isang task.

Bagamat nagkainitan, nauwi rin sa pagbabati ang paghaharap na iyon nina Karen at TJ.

Ngayong Martes, December 7, may mga tweet si Karen tungkol sa “backstabbing” umano sa loob ng PBB house.

Kahit nasa labas na raw siya, ayaw niyang panoorin ang paninira o pagsasalita nang masama ng housemates laban sa isa't iisa.

Katuwiran ni Karen, may mga nasasabi at nagagawa ang housemates kahit hindi nila ito sinasadya.

“I don't want to watch the backstabbing or whatever whoever said against who on BNK [Bahay Ni Kuya].

“I honestly don't want to look at the HMS [housemates] differently.

“Sometimes...feelings don't think and their words follow their idle thoughts.

“I always believe everyone has a heart.”

karen bordador instagram

Continue reading below ↓

Sinundan pa ito ng tweet ni Karen ngayong gabi.

Aniya, ayaw niyang panoorin kung sinu-sino sa housemates ang nag-nominate sa kanya at kung ano ang kanilang dahilan.

Ayaw raw kasi ni Karen mag-iba ang pagkakakilala niya sa kanyang fellow housemates.

Tweet niya: “So I told myself I wont bother to even check who nominated me and for what reason din... teehee.

“Syempre para clean slate outside for everyone. Still not tempted to know.

“Funny lang inside we're meant to be close and still to nominate each other at the same time.”

karen bordador instagram

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Use these foodpanda vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Karen Bordador prefers to be frank with someone instead of backstabbing: "Better be disliked for the truth than loved for a lie."
PHOTO/S: YouTube (Pinoy Big Brother)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results