Maggie Wilson, Tim Connor deny cheating on their ex-partners; are they a couple now?

by Rachelle Siazon
Dec 8, 2021
Maggie Wilson and Tim Connor
Businessman Tim Connor says he and Maggie Wilson did not have an affair while they were still in a relationship with their "ex-partners." But some netizens are left wondering if the two have become more than friends and business partners now that they're both free to date someone new again.
PHOTO/S: @wilsonmaggie / @timmyconnn Instagram

Sa unang pagkakataon, inihayag ni Maggie Wilson, 32, na hindi niya nakarelasyon ang negosyanteng si Tim Connor, 33, noong sila pa ng asawang si Victor Consunji.

Si Tim, o Tim Jayankura Na Ayudhya Connor, ay isang British-Thai entrepreneur na may dugong mula sa Thai royal family.

Si Maggie ay actress/host/entrepreneur na nanalong Bb. Pilipinas World 2007.

Napansin ng netizens na madalas silang magkasama mula nang isinapubliko ni Maggie na hiwalay na siya kay Victor noong September 27, 2021.

Sila Maggie at Tim mismo ang nagpo-post ng mga litrato nila sa Instagram kaya naging palaisipan sa netizens kung sila ba.

Kahapon, December 7, nagpaunlak si Tim ng Q&A via Instagram Story at isa sa followers niya ang tahasang nagtanong kung nagka-affair ba sila ni Maggie.

Diretso ang sagot ni Tim: "WE BOTH GET ASKED THIS COUNTLESS TIMES A DAY...!

"DESPITE WHAT YOU MAY HAVE HEARD. TO BE ABSOLUTELY CLEAR, NEITHER @WILSONMAGGIE OR I HAD AN AFFAIR WITH EACH OTHER!"

Continue reading below ↓

Ni-repost iyon ni Maggie at dinagdagan ng tatlong "100" o perfect score emoji, na ang ibig sabihin ay sinasang-ayunan niya ang pahayag ni Tim.

Maggie Wilson and Tim Connor

May karugtong na malamang pahayag si Tim sa sumunod nitong Instagram Story.

Sabi niya rito: "WHILE WE WERE WITH OUR EX-PARTNERS."

Maggie Wilson and Tim Connor

Continue reading below ↓

Napaisip dito ang followers na Tim kung ang ibig bang sabihin nito ay nililinaw niya lang na hindi sila nagloko noong may kani-kanya pa silang relasyon ni Maggie.

Ngayong hiwalay na sa asawa si Maggie at hiwalay na si Tim sa longtime partner ay sila na ba?

Tingin kasi ng isang netizen ay open to interpretation pa ang statement ni Tom na "WHILE WE WERE WITH OUR EX-PARTNERS."

Maggie Wilson and Tim Connor

Continue reading below ↓

Noong July 26 ay may Instagram post pa si Maggie sa dinaluhan nila ni Victor na kasal ng kanilang kaibigan sa Maldives.

Kasama rin nila sa litrato ang long-time partner ni Tim na nagngangalang Francesca Armstrong.

Maggie Wilson, Victor Consunji, Francesca Armstrong, and Tim Connor

Pero lumalabas na hiwalay na si Tim kay Francesca.

Continue reading below ↓

TIM SAYS MAGGIE COOKED ADOBO FOR HIM

Mahihinuha sa iba pang pakikipagsagutan ni Tim sa netizens na malapit sila ni Maggie sa isa't isa.

Pinaglutuan pa raw siya nito ng adobo kamakailan.

Maggie Wilson and Tim Connor

Ikinatuwa rin ni Tim ang isang mensahe ng netizen na suportado sila ni Maggie.

Maggie Wilson and Tim Connor

Continue reading below ↓

Base pa rin sa latest Instagram Story ni Tim, magkasama sila ngayon ni Maggie sa Pilipinas.

Noong October at ngayong December ay cover sila ng isang magazine sa Dubai.

Bukas naman sa pagsasabi sina Tim at Maggie na magkasosyo sila sa isang negosyo.

Kung nitong pareho na silang walang karelasyon ay may namuong ugnayan kina Tim at Maggie ay hindi pa lubusang nabibigyang-linaw sa ngayon.

Nang may magtanong kay Tim kung available daw ba itong maka-hangout sa Friday, malamang sagot nito, "YOU'LL HAVE TO ASK A CERTAIN SOMEONE."

Mahihinuhang "taken" at hindi na available si Tim, pero hindi niya tuwirang binanggit kung sino ang "certain someone" na dapat pagpaalaman ng netizen.

Maggie Wilson and Tim Connor

Continue reading below ↓

MAGGIE AGREES that "TIME IS THE ULTIMATE TRUTH TELLER"

Sa kabilang banda, matalinhaga ang hiwalay na Instagram posts ni Maggie tungkol sa lihim na katotohanang nagbabadyang kumawala.

Kahapon, December 7, may Instagram post si Maggie na nagpapakita ng larawan niyang nakatayo sa duyan sa isang disyerto.

Sabi sa caption, "There are 3 things that cannot be hidden for long. The sun, the moon and the truth. Soon!"

Maggie Wilson cryptic post

Continue reading below ↓

May netizen na nagkomento ng "Time is the ultimate truth teller."

Sagot ni Maggie sa netizen, "indeed!"

Maggie Wilson cryptic post

Ngayong araw, December 8, may cryptic post ulit si Maggie tungkol sa pagkawasak niya noon dahil nakalimutan niya ang kanyang self-worth.

Pero handa na raw siyang bumangon ngayon.

"This time, I woke up. This time, I have found courage," bahagi ng kanyang post.

Continue reading below ↓

Maggie Wilson cryptic post

Hindi malinaw kung may hugot ba si Maggie sa failed marriage nila ni Victor, sa pagkaka-link niya kay Tim, o sa kabuuan ng mga pagsubok na hinarap niya sa buhay.

Hindi ito ang unang pagkakataon na napuna ng netizens ang kanyang cryptic post sa Instagram.

Noong November 10, hindi nakaligtas sa mapanuring netizens ang simpleng reaction ni Maggie sa isang funny video tungkol sa mister na nahuling may ibang babae.

Continue reading below ↓

On record, noong September 27, inihayag ni Maggie na "no animosity" sa pagitan nila ni Victor sa kabila ng hirap ng kanilang hiwalayan.

HOT STORIES

Use these Shopee vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Businessman Tim Connor says he and Maggie Wilson did not have an affair while they were still in a relationship with their "ex-partners." But some netizens are left wondering if the two have become more than friends and business partners now that they're both free to date someone new again.
PHOTO/S: @wilsonmaggie / @timmyconnn Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results