Tumutok ang buong Pilipinas at ang buong mundo sa katatapos lamang na Miss Universe 2021 na ginanap sa Eliat, Israel nitong Linggo ng gabi, December 12 (Lunes ng umaga, December 13, sa Pilipinas).
Kabilang sa mga nagmasid sa timpalak ang dalawang Miss Universe queens ng Pilipinas na sina Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach at Miss Universe 2018 Catriona Gray.
Sa kani-kanilang Twitter accounts, nagpaabot ng mensahe ng paghanga sina Pia at Catriona sa kandidata ng Pilipinas na si Beatrice Luigi Gomez.
Pinalad na makapasok hanggang sa Top 5 ang beauty queen mula sa Cebu.
Ayon kay Pia, malaking karangalan ang Top 5 finish ni Beatrice dahil bago ito, ang huling pagkakataong nakapasok ang kandidata ng Pilipinas sa Top 5 ay noong 2018, nang tanghaling Miss Universe si Catriona.
Saad ni Pia: “Yakap mga kababayan 2018 tayo last nag top 5. We should be proud of Bea! #70thMissUniverse #MissUniverse2021”
Hindi pinalad na makaabante si Beatrice matapos tanghaling pasok sa Final 3 sina Miss South Africa Lalela Mswane, Miss India Harnaaz Sandhu, at Miss Paraguay Nadia Ferreira.
Pagmamalaki pa ni Pia, “We are super proud of you Miss Philippines Bea!! Strong performance! #70thMissUniverse #MissUniverse2021”
Sabi naman ni Catriona, “You made us so proud Bea!!!!”
Sa kanyang Instagram Stories, muling nagpaabot ng kanyang pagbati si Catriona.
Saad niya: “Also thank you @beatriceluigigmz for a strong Top 5 finish! You made the Philippines proud! Mabuhay ka!”
Nagpasalamat din si Miss Universe 2020 Rabiya Mateo sa ipinakitang galing ni Beatrice.
Saad niya sa comments section ng Miss Universe Instagram: “Maraming salamat, Bea!!! Proud na proud kaming lahat sayo!”
Ang kandidata ng India na si Harnaaz Kaur Sandhu ang itinanghal na Miss Universe 2021. Isa rin siya sa frontrunners ng pageant.
Magkakaroon ng dinner party ang lahat ng mga kandidata mamayang gabi (oras sa Israel) bago sila magsialisan ng Tel Aviv bukas, December 14.
Use these foodpanda vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.