Jessy Mendiola on Edu-Cherry Pie relationship: "Kuma-KathNiel!"

by Julie E. Bonifacio
Dec 13, 2021
Jessy Mendiola and Luis Manzano, Edu Manzano and Cherry Pie Picache
Jessy Mendiola says she and husband Luis Manzano (left) are thrilled to see Edu Manzano looking so happy with new girlfriend Cherry Pie Picache (right). Of Luis's conversation with Edu, Jessy says, "Nung tinext po siya ni Luis, 'Hey, I found out.' 'I’m just so happy, anak,' gumanoon si Daddy Yo."
PHOTO/S: @senorita_jessy / @yescpicache Instagram

Hindi pa pormal na naipapakilala sa mag-asawang Jessy Mendiola at Luis Manzano ang bagong girlfriend ni Edu Manzano na si Cherry Pie Picache.

Nasa Amerika sina Edu at Cherry Pie nang pumutok ang balitang sila na.

Unang iniulat ng PEP.ph ang tungkol sa pagkakamabutihan nina Edu at Cherry Pie noong November 18, 2021.

Kinumpirma ito ni Edu sa TV5 news anchor na si Cheryl Cosim noong November 19.

Lubos na ikinatuwa ng mag-asawang Jessy at Luis na makitang masaya si Edu

Looking forward si Jessy na ma-meet muli si Cherry Pie nang personal, this time, bilang kasintahan ng kanyang father-in-law na si Edu.

"Ano po, e, nakatrabaho ko na rin po si Ms. Pie. But as girlfriend ni Daddy Yo, hindi pa," masayang saad ni Jessy.

Daddy Yo ang tawag nina Luis and Jessy kay Edu.

"Yes, gusto ko siyang ma-meet. Kaya sana po pagbalik nila, makapag-dinner kami soon.

"Ang cute-cute nga po nila. Sabi ko, 'Love, tingnan mo si Daddy Yo at si Tita Pie, o. Kuma-KathNiel.' Ang cute-cute nila,” kinikilig na bulalas ni Jessy.

Continue reading below ↓

Ang KathNiel ay uniname ng sikat na tambalang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Naihalintulad ni Jessy sina Edu at Cherry Pie sa mga ito dahil halata ang kilig at saya sa mga mata ng new couple sa mga litrato nila na kuha sa Amerika.

Humarap si Jessy sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang entertainment press sa kanyang contract signing bilang bagong celebrity endorser ng Cathy Valencia Advanced Skin Clinic noong November 24, 2021.

Ginanap ang event sa Manila House Private Club sa Bonifacio Global City.

Ayon pa kay Jessy, kay Luis niya nalaman ang tungkol sa blooming romance nina Edu at Cherry Pie.

"Opo, sinabi po ni Luis sa akin bago pa man po lumabas na sila na. Mga, I think, a month ago. Not sure po.

"But ano po, nung tinext po siya ni Luis, 'Hey, I found out.' 'I’m just so happy, anak,' gumanoon si Daddy Yo."

Continue reading below ↓

Anong itatawag niya kay Cherrie Pie?

Sagot ni Jessy, "Tita Pie? Puwede naman po.

"Kasi kapag magkasama kami, Ms Pie kasi ang tawag ko sa kanya nung magkatrabaho kami sa Sandugo."

JESSY DESCRIBES CHERRY PIE AS "SOBRANG BAIT"

Umere ang Kapamilya series na Sandugo mula September 30, 2019 hanggang March 20, 2020.

Excited si Jessy na mas makilala pa nang personal si Cherry Pie dahil maganda ang alaala niya rito bilang co-star.

Lahad niya: "Sobrang bait po ni Tita Pie.

"As in talagang, nung una, mas natakot po talaga ako sa kanya kasi siyempre veteran actress, ang galing umarte, baka kainin ako sa eksena.

"Sabi ko, 'Baka kainin ako nang buhay ni Ms. Pie.'"

Pero magaan daw katrabaho ang beteranang aktres.

"Pero nung nakatrabaho ko siya, sobrang bait niya. Sobrang helpful niya pagdating sa mga eksena. Yung matututo ka talaga.

"Hindi ka matatakot sabihin na, 'Ms. Pie, pasensya na po. Kailangan ko lang gawin ito sa scene."

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Use these Lazada vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jessy Mendiola says she and husband Luis Manzano (left) are thrilled to see Edu Manzano looking so happy with new girlfriend Cherry Pie Picache (right). Of Luis's conversation with Edu, Jessy says, "Nung tinext po siya ni Luis, 'Hey, I found out.' 'I’m just so happy, anak,' gumanoon si Daddy Yo."
PHOTO/S: @senorita_jessy / @yescpicache Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results