Watch Now

Kim Chiu speaks about Xian Lim transferring to GMA-7; are they ready to settle down?

by Jerry Olea
Dec 14, 2021
Kim Chiu and Xian Lim
Kim Chiu on boyfriend Xian Lim's network transfer: "E, ngayon, hindi rin naman natin alam ang nangyayari sa ABS-CBN. Tapos, wala rin pong naibibigay sa kanyang project. Napag-usapan namin na kung maghihintay siya, sabi niya, 'Saan ako?' So parang thankful din siya sa GMA..."
PHOTO/S: Jerry Olea / @chinitaprincess Instagram

Matibay pa rin ang pagmamahalan nina Kim Chiu, 31, at Xian Lim, 32, kahit magkaiba na sila ng TV network.

"Suportahan po kami ni Xian," sambit ni Kim.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kim sa mediacon ng pelikulang Huwag Kang Lalabas nitong Disyembre 12, Linggo, sa Fisher Mall, Quezon Avenue, Quezon City.

Labindalawang taong homegrown star si Xian sa ABS-CBN. Huling proyekto niya sa Dos ay ang Love Thy Woman na pinagtambalan nila ni Kim noong February to September 2020.

Noong August 2021 nakumpirma ang paglipat ni Xian sa GMA-7.

Magtatambal sila dapat ni Jennylyn Mercado sa teleseryeng Love. Die. Repeat., pero na-shelve muna ito habang nagbubuntis si Jennylyn.

Si Glaiza de Castro ang bagong katambal ni Xian sa teleseryeng False Positive.

Sa panayam kay Kim, ipinaliwanag nitong naiintindihan niya ang desisyon ni Xian na lumipat sa GMA-7.

"Kung saan po siya magkakaroon ng project… E, ngayon, hindi rin naman natin alam ang nangyayari sa ABS-CBN.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Tapos, wala rin pong naibibigay sa kanyang project. Napag-usapan namin na kung maghihintay siya, sabi niya, 'Saan ako?'

"So, parang thankful din siya sa GMA na binigyan siya ng maraming projects doon. So, kung saan may trabaho, doon siya."

Close na close na sila ni Vice Ganda dahil sa daily noontime show na It’s Showtime.

Nakaramdam ba siya ng inggit kay Vice na kasa-kasama nito sa trabaho ang boyfriend na si Ion Perez, samantalang sila ni Xian ay hiwalay ng network?

"Hiwalay lang naman ng network, hindi naman ng pagsasama!" mabilis na tugon ni Kim.

"Hindi naman buong taon ang lock-in nila. Isang buwan lang! Saka okey rin naman na hindi kami magkita nang isang buwan para ma-miss ang each other. Suportahan po!"

Nabanggit nila noon ni Xian na gusto nilang mag-produce ng movie. Papasok na ba sila sa production?

"Napapagkuwentuhan po namin ni Xian na, yun nga, mag-produce ng movie. Pero hanggang kuwento pa lang po. Tingnan natin," mabining sagot ni Kim.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ARE KIM AND XIAN READY TO SETTLE DOWN?

Sampung taon nang magkasintahan sina Kim at Xian.

May plano na ba silang magpakasal?

Napangiti si Kim sabay humirit, "Anong oras na ba? Ay naku, 3:00 p.m. na po, maggagabi na. Ngayon po sana. Charot! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!"

Sabi pa ni Kim, nakakahiya for a girl na magsalita sa planong pagpapakasal, lalo na’t hindi pa nagpo-propose ang kanyang kasintahan.

"Wala! Hindi ko pa po alam. Si Xian na lang po ang tanungin ninyo. ‘Kakahiya naman po kay Xian!" pagbungisngis ni Kim.

Ready na ba siya sa proposal, just in case?

Napabuntong-hiningang sagot ni Kim, "Haay... Grabe naman po ang katanungan na ‘yan! Dito pa talaga sa presscon ng horror!

"Tingnan na lang po natin. Mahirap naman pong umasa nang agad-agad.

"Pero we love each other."

ON BEING PART OF MMFF 2021

Bida ang Millennial Horror Princess na si Kim Chiu sa “Hotel” episode ng horror trilogy na Huwag Kang Lalabas, isa sa walong official entries ng Metro Manila Film Festival (MMFF) 2021.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagsyuting sila sa Baguio City. Ang director ay si Adolf Alix Jr. at leading man ni Kim si Jameson Blake.

Nasa cast din sina Brenda Mage, Tina Paner, Donna Carriaga, Alan Paule, James Teng, at Rico Barrera.

"Nung ginawa po namin ito, hindi po namin alam kung ipapalabas ba siya sa sinehan, or kung saan ito ipapalabas," salaysay ni Kim.

"Ginawa ko lang po ito dahil nami-miss kong umarte. Parang ang tagal-tagal na po kasi!

"Na-miss ko na po talagang mag-acting. And then in-offer po sa akin ang movie na ito, na yun nga po, horror.

"Another very challenging movie for me dahil matatakutin po ako."

Excited din si Kim dahil hindi niya akalaing magiging bahagi ang pelikula sa MMFF Magic 8.

"So, yun, tinanggap ko po yung challenge without knowing na babalik na po pala yung cinemas.

"And then, nakapasok pa po kami sa Metro Manila Film Fest. So, parang ang sarap sa pakiramdam!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Na yun nga, ang pagbabalik ng sinehan, kasama kami sa mga napili ng Metro Manila Film Fest"

Bilang isa sa mga bida ng Huwag Kang Lalabas, inaasahang a-attend si Kim sa MMFF 2021 Fluvial Parade of Stars sa Disyembre 19, Linggo ng hapon, sa Pasig River.

Magsisimula ang mabituing parada sa Guadalupe Ferry Station, Brgy. Guadalupe Nuevo, Makati City.

HOT STORIES

Use these Zalora vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kim Chiu on boyfriend Xian Lim's network transfer: "E, ngayon, hindi rin naman natin alam ang nangyayari sa ABS-CBN. Tapos, wala rin pong naibibigay sa kanyang project. Napag-usapan namin na kung maghihintay siya, sabi niya, 'Saan ako?' So parang thankful din siya sa GMA..."
PHOTO/S: Jerry Olea / @chinitaprincess Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results