Perci Intalan speaks about separation from partner Jun Lana

by Arniel C. Serato
Dec 15, 2021
Perci Intalan breaks silence on breakup with Jun Lana
Film director Perci Intalan on separation from longtime partner Jun Lana: "Thank you to all who sent their love and support whether to me or Jun, be it by message or thru prayer or both."
PHOTO/S: Courtesy: Instagram

Marami ang nanghinayang sa pagsasama bilang mag-asawa ng dalawang direktor na sina Perci Intalan at Jun Lana na nauwi sa hiwalayan.

Nitong nakaraang December 10, isinapubliko ni Jun sa pamamagitan ng Twitter ang desisyon nila ni Perci na wakasan na ang pagsasama nila bilang married couple.

Hindi idinetalye ni Jun ang mitsa ng breakup, pero siniguro niyang nag-break sila ni Perci sa maayos na paraan.

Buong mensahe ni Jun: “Hi guys. Perci and I have decided to part ways amicably.

“We wish each other well and will continue to be active co-parents for our children & business partners for our company.

“We request for privacy as we navigate this transition. Thank you all for your understanding & support.”

Hindi agad nagbigay ng pahayag si Perci ukol sa breakup nila ni Jun.

Makalipas ang limang araw, ngayong araw, December 15, nagpasalamat si Perci sa suportang natanggap niya at ni Jun sa kanilang naging desisyon.

Continue reading below ↓

Pero hindi rin siya nagbigay ng paliwanag kung bakit nauwi sa hiwalayan ang pagsasama nila ni Jun.

Sabi lamang ng dating TV5 executive sa pamamagitan ng Facebook (published as is):

“And thank you to all who sent their love and support whether to me or Jun, be it by message or thru prayer or both. You are all Godsent.”

Continue reading below ↓

Umabot sa walong taon ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa.

Sampung taon naman ang kanilang relasyon bago sila nagpakasal sa isang same-sex union noong October 14, 2013 sa Bethesda Fountain, Central Park, sa New York.

Sina Jun at Perci ay co-founders din The IdeaFirst Company, na nagproprodyus ng TV shows at movies mula noong 2014.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Film director Perci Intalan on separation from longtime partner Jun Lana: "Thank you to all who sent their love and support whether to me or Jun, be it by message or thru prayer or both."
PHOTO/S: Courtesy: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results