Ken Chan reveals agreement with Rita Daniela if they are still single in their mid-30s to 40s

by Melba R. Llanera
Dec 20, 2021
Ken Chan and Rita Daniela
Ken Chan on his strong bond with Rita Daniela even if they would no longer be partners in their next Kapuso projects: "Kahit di sa trabaho, alam mo na mayroon kang isang kaibigan o isang espesyal na tao sa buhay mo na puwede mong takbuhan."
PHOTO/S: @akosikenchan / @missritadaniela Instagram

Dahil parehong single at walang nababalitang mga karelasyon sina Rita Daniela at Ken Chan, marami sa fans nila ang umaasang mauuwi sa totohanan ang tambalan nilang RitKen.

Sa tatlong taon nila bilang magkapareha, palaisipan sa kanilang mga tagasuporta kung nagkaroon sila ng espesyal na damdamin para sa isa't isa.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), ikinuwento nina Ken at Rita ang kanilang kasunduan sakaling single pa rin sila pagtuntong nila ng 35 to 40 years old

Nakangiting sabi ni Ken, "Sabi nga namin ni Rita, pagdating namin ng 40 years old or 35, pag wala pa kaming partners in life, tayo na yun for sure."

Pabirong hirit ni Rita, "Ewan ko. Knowing Ken Chan kasi, ngayon pa nga lang super busy na siya, e, mangyari pa kaya yun? Charing!"

Sabay sinabi ni Rita na iba talaga ang lalim ng samahan nila ni Ken.

"Open naman ako dun, I think kahit sa mga past interviews namin, I'm open with how I feel towards him.

Continue reading below ↓

"It's just that it's the timing and priorities in our lives, di pa talaga siya nagtutugma.

"I'm open naman to that, how much I love this guy and how much I respect this guy.

"Basta bahala na, bahala na kami sa buhay namin."

Para raw silang magkarelasyon na walang label.

Patuloy ni Rita: "Yung relationship namin ni Ken, parang kami, habang tumatagal lalong sumasarap.

"Yun nga, sabi ko, we've been working with each for few years na.

"Ako, nagugulat din ako... hindi lang ako natanong kanina, nagulat din ako kay Ken kasi marami din akong nalalaman sa kanya, marami akong nakikita sa kanya na bago kahit tatlong taon na kami magkakilala, natutuwa ako.

"Ang saya lang, basta yun."

Sabi naman ni Ken, proud siya sa sa journey to self-growth nila ni Rita.

"Parang kami din, habang tumatagal tumatapang," saad ng Kapuso actor.

Nakapanayam ng PEP.ph sina Ken at Rita sa premiere night ng Huling Ulan Sa Tag-araw na ginanap sa Cinema 1 ng Gateway Mall noong December 13.

Continue reading below ↓

ON BREAKUP OF ritken LOVETEAM

Matagumpay ang tambalan nina Rita at Ken sa GMA-7 shows tulad ng My Special Tatay, Ang Dalawang Ikaw, The Clash, at Regal Studio Presents: Your House, My Home.

Pero sinusubukan na rin ng Kapuso network na ipareha sila sa iba.

Nagbigay ng saloobin nila ang dalawa sa desisyon na ito ng management ng GMA.

Pahayag ni Ken: "Lagi naming pinag-uusapan ni Rita yun, at ngayon pa lang nangyayari na yun. Nagkakaroon siya ng ibang partners, ako nagkakaroon ng ibang kapareha sa GMA shows.

"Alam naman namin sa isa't isa na darating at darating ang araw na magkakaroon kami ng proyekto individually, na iba ang kaparehas namin.

"Work is work. And at the end of the day, sa tatlong taon na magkasama kami ni Rita, ang pinakaimportante dun yung nabuo namin na relationship.

"Kahit hindi sa trabaho, alam mo na mayroon kang isang kaibigan o isang espesyal na tao sa buhay mo na puwede mong takbuhan."

Continue reading below ↓

Inamin ni Rita na emosyunal din siya nang una niyang malaman ang plano ng GMA-7.

"Actually, I had a hard time to process talaga nung sinabi nila sa amin na we have to part ways," ani Rita.

Dugtong ng Kapuso actress, "As in umabot ako sa point na halos isang buwan akong nag-grieve.

"Tama yung sinabi niya kanina, para kang nakikipag-break. Para akong dadaan sa isang breakup for three years.

"Kasama ko halos araw-araw, hindi lang katrabaho pero kasama ko siya sa buhay.

"Ang dami naming pinagdaanan together. For sure we had a lot of fights, we had misunderstandings, but most of all we had good memories."

Ano ang mararamdaman niya kapag nakitang iba na ang partner ni Ken?

Sagot ni Rita: "Honestly, hindi ko pa alam kasi di ko pa napapanood na may isang scene na may kaeksena si Ken.

"Di ko alam kapag napanood ko siya with other actress, hindi ko alam ang mararamdaman ko."

Continue reading below ↓

movie about a seminarian who falls for an entertainer

Mapapanood ang RitKen loveteam sa Huling Ulan Sa Tag-araw, ang Metro Manila Film Festival 2021 entry ng Heaven's Best film company ngayong Kapaskuhan.

Ibinahagi ng magka-love team ang kaunting patikim tungkol sa kuwento ng pelikula.

Ayon kay Ken, "Made-describe ko ang pelikula na ito na isang pag-iibigan na pinagtagpo pero di itinadhana.

"Yun siya para sa akin, at ang sakit-sakit niya. Yun ang pinakamasakit kahit sa totoong buhay."

Gumaganap siya bilang seminarista na iibig sa isang entertainer.

"Ang karakter ko dito ay isa akong seminarista na nanggaling sa prominenteng pamilya na relihiyoso.

"Pangarap ng mga magulang ko ay maging pari ako in the future—na nagbago dahil sa isang babae. Isang babae na napakakulay ng buhay at dun na mag-uumpisa ang pag-iibigan ng dalawa."

Excited naman si Rita na makita ang reaksiyon ng mga manonood sa mapangahas na pelikula nila ni Ken.

Continue reading below ↓

Una nang naiulat sa PEP.ph na may steamy love scenes sila rito sa pelikula.

Sabi ni Rita, "This movie is about an entertainer na may mami-meet siya na isang semenarista tapos magkakaroon lang ng magic pag nagpunta sila ng Pagsanjan.

"At yun ang dapat nilang abangan kung anong magic yun.

"I am palying the role of Luisa, she's an entertainer and a breadwinner also.

"Babaeng palaban talaga siya, siya ang inaasahan ng pamilya niya, so non-stop work din siya.

"Lahat gagawin niya para kumita ng pera, para maalagaan din niya ang sarili niya at mga mahal niya sa buhay."

HOT STORIES

Use these Klook promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ken Chan on his strong bond with Rita Daniela even if they would no longer be partners in their next Kapuso projects: "Kahit di sa trabaho, alam mo na mayroon kang isang kaibigan o isang espesyal na tao sa buhay mo na puwede mong takbuhan."
PHOTO/S: @akosikenchan / @missritadaniela Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results