Watch Now

StarStruck winner Migo Adecer gets engaged on his 22nd birthday

by Bernie V. Franco
Dec 20, 2021
migo adecer engaged
StarStruck 6 Ultimate Male Survivor Migo Adecer announces engagement to non-showbiz girlfriend Katrina Mercado on his 22nd birthday.
PHOTO/S: @migo.adecer on Instagram

Inanunsiyo ng former Kapuso actor na si Migo Adecer na engaged na siya.

Ngayong December 20, 2021 — mismong 22nd birthday ng Filipino-Australian actor — ibinahagi ni Migo sa Instagram na engaged na siya sa kanyang girlfriend na si Katrina Mercado, isang yoga and wellness enthusiast.

Nag-post si Migo tungkol sa kanyang engagement dakong 12 midnight ng December 20.

Close-up photo niya ito at nakalapat ang kamay ni Katrina sa pisngi ng aktor. Kitang-kita rin ang engagement ring ni Katrina.

Caption ni Migo sa larawan: “And just like that, the next chapter of my life starts

“You know what they say, if you like it, then you should put a ring on it.”

Mensahe pa niya sa kanyang fiancée: “@katrinaamercado to more adventures and endeavours my dearest.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ipinost din ni Katrina ang parehong larawan. "Hong Kong" ang check-In location ng kanyang post.

Si Migo ay itinanghal na StarStruck Season Ultimate Male Survivor noong 2015, at kasunod nito ay tuluyan niyang pinasok ang showbiz bilang Kapuso talent.

Napaulat naman ang paglipad ni Migo sa Australia noong April 2021 at sinabing tuluyan na niyang iiwan ang showbiz.

Ang kanyang pinakahuling teleserye ay Anak ni Waray vs. Anak ni Biday (2021).

Napaulat ang tungkol sa relasyon nina Migo at Katrina noong September 2019.

Samantala, bumaha naman ng pagbati kay Migo mula sa kanyang fellow Kapuso stars na sina Mavy at Cassy Legaspi, Gil Cuerva, David Licauco, Shaira Diaz, at Iya Villania.

Migo adecer

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Use these Klook promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
StarStruck 6 Ultimate Male Survivor Migo Adecer announces engagement to non-showbiz girlfriend Katrina Mercado on his 22nd birthday.
PHOTO/S: @migo.adecer on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results