Watch Now

Roxanne Barcelo finally reveals face of her foreigner husband

by Rachelle Siazon
Dec 22, 2021
Roxanne Barcelo husband
In the left photo, actress Roxanne Barcelo shows happy family life with husband Jiggs and their six-month-old son Cinco.
PHOTO/S: @roxannebarcelo Instagram

Sa unang pagkakataon ay pinakita na ni Roxanne Barcelo ang buong mukha ng kanyang asawa na isang foreigner.

Jiggs ang pangalan ng mister ni Roxanne, pero hindi niya tinag ang lalaki sa kanyang Instagram post.

Ngayong Miyerkules, December 22, ibinahagi ni Roxanne ang litrato nila ng asawa niya kasama ng anak nilang si Cinco.

Eksaktong anim na buwan na ang edad ng bata, at ang nakasaad na lokasyon nila ay sa Palo Alto, California.

Puno ng pag-ibig na pahayag ni Roxanne: "When I prayed for happiness, the heavens blessed me with true joy and love. You are worth the wait.

"It is my honor and privilege to be your wife, Jiggs. I am forever grateful for the day you asked me to start a family with you.

"Thank you for your unconditional love. I love and adore you and @dababycinco with all that I am."

Nilagyan niya ito ng hashtag na "#thepandafamily" dahil paborito ng kanyang mister ang panda mula pagkabata.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nang maging magkasintahan sila ay binigyan din ni Jiggs si Roxanne ng panda stuff toy bilang paalala ng presensiya at tiwala nito sa kanya.

Roxanne Barcelo

SECRET WEDDING IN 2020

Kasagsagan ng pandemya noong 2020 nang magpakasal sina Roxanne at Jiggs.

Pero paunti-unti ang impormasyong ibinibigay ni Roxanne tungkol sa mister.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong December 24, 2020 una niyang inamin ang tungkol sa kanilang relasyon mula pagiging magkasintahan hanggang sa pagpapakasal nila.

Pero sa lahat ng pictures na ipinakita niya ay laging nakatalikod ang lalaki.

January 2021 nang inanunsiyo niya na siya ay buntis, at ipinangak niya si Cinco noong June 2021.

November 2021 nang ipakita ni Roxanne ang ilang litrato nila ni Jiggs na kuha sa kanilang bakasyon sa San Francisco at Taiwan.

Ibinahagi rin ni Roxanne noon na November 2019 ang anniversary date nila bilang magkasintahan.

Roxanne Barcelo

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOW THEY MET

Sa April 2021 vlog ni Roxanne, nakasama niya sa isang Q&A ang asawang si Jiggs.

Tanging boses lamang ang maririnig kay Jiggs, pero game itong sumagot sa ilang katanungan mula sa netizens.

Ibinahagi ni Jiggs na siya ay ipinanganak sa Hong Kong at naninirahan ang kanyang pamilya niya roon bago sila lumipat sa Taipei, Taiwan.

Sa Taiwan din daw nagtapos ng kolehiyo si Jiggs.

Sinabi rin ni Jiggs na nagkakilala sila ni Roxanne sa isang "social function" dito sa Pilipinas. Isang common friend daw ang nagpakilala sa kanilang dalawa.

HOT STORIES

Use these Shopee vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
In the left photo, actress Roxanne Barcelo shows happy family life with husband Jiggs and their six-month-old son Cinco.
PHOTO/S: @roxannebarcelo Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results