Marian Rivera reveals it was Urvashi Rautela who first asked her about "Sabay-Sabay Tayo"

by Rose Garcia
Dec 22, 2021
Marian Rivera and Urvashi Rautela
Marian Rivera on bonding with fellow Miss Universe judge Urvashi Rautela: "Ang nakakatawa kasi ro’n, sabi niya sa akin, 'Can you teach me your dance steps?' Sabi ko, 'What are you talking about?’ 'Your Sabay-Sabay!'
PHOTO/S: @marianrivera Instagram

Fresh from Eilat, Israel, ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera ay iniharap ng GMA Network sa isang online mediacon kahapon, December 21.

Dito sinabi ni Marian na hindi niya malilimutan ang karanasan niya bilang miyembro ng selection committee at panel of judges ng 70th Miss Universe.

Ang preliminaries ay ginanap noong December 10 at coronation night noong December 12 (December 13 Philippine time).

Sinabi ng awtor na ito kay Marian, ibang klase ang ingay niya bilang judge ng Miss Universe. Isa talaga siya sa pinag-usapan at tinutukan doon.

"Basta yung moment na nandoon ako, masaya ‘ko," nakangiting bungad ng Kapuso actress.

"Sobrang grateful ako. Yun ang nasa isip ko na ie-enjoy ko kasi baka wala ng second chance, ‘di ba?

"So lahat ng pagkakataon na nandoon ako, sobrang ine-enjoy ko ang mga sandaling ‘yon.”

Nagawa pa niyang magsayaw at magturo ng dance steps ng "Sabay-Sabay Tayo" sa kapwa niya judge na si Miss Universe India 2015 at Bollywood actress Urvashi Ratuela.

Continue reading below ↓

Dito sinabi ni Marian na mismong si Urvashi ang nag-request nito sa kanya.

Masiglang kuwento ni Marian, "Ang nakakatawa kasi ro’n, sabi niya sa akin, 'Can you teach me your dance steps?' Sabi ko, 'What are you talking about?’ 'Your Sabay-Sabay!'

"So tawa ako ng tawa. Kaya noong nasa stage kami, sabi niya, 'Let’s dance.' Sabi ko, 'Okay let’s dance ng Sabay-Sabay Tayo.'

"Kaya nag-dance kami kasi siya mismo, sinabi niya sa akin ‘yon na sumayaw raw kami.

"So parang nagulat ako na alam niya."

Ang "Sabay-Sabay Tayo" ay pinasikat ni Marian mula sa kanyang album na Retro Crazy noong 2009.

Marian Rivera Urvashi Rautela

Continue reading below ↓

Nakasundo raw agad ni Marian hindi lang si Urvashi kundi pati ibang judges.

"At the same time, sobrang grateful ko na makasama ang ibang kasama kong judges. Napaka-down-to-earth, napaka-humble to the point na naging kaibigan ko sila.

"So kahit na tapos na ang Miss U, may communication pa rin kami. Nag-uusap-usap pa rin kami," ani Marian.

ONE-ON-ONE TALKS WITH MISS UNIVERSE PRESIDENT

Walang-duda, napakaraming baon ni Marian mula sa siyam na araw na dinaluhan niyang functions doon.

"Naku, hindi ko makakalimutan. Parang lahat ng nangyari sa akin do’n, hindi ko makakalimutan," nakangiting lahad pa niya.

Bago sumabak sa kanyang duties bilang hurado, nakakuha siya ng tips mula kay Miss Universe Organization President Paula Shugart.

Ayon pa kay Marian, “Yung experience ko ro’n with Miss Paula palagi niya kaming kinakausap. Kahit ako wina-one-on-one niya ‘ko. Kung ano ba dapat ang hinahanap namin sa isang Miss U.

"Yung nakakataba ng puso the way niya sabihin kung ano ang hinahanap nila. Kung paano niya dalhin ang sarili niya.

Continue reading below ↓

"Kung paano siya maging totoo sa sarili niya at kailangan masaya siya sa kapag ginagawa niya ang mga bagay-bagay. Ang dami ko talagang natutunan."

Hindi rin nakalimutang pasalamatan ni Marian ang team niya, kabilang ang mister na si Dingdong Dantes, na kasama niya sa Eilat, Israel.

"Simula nandito kami hanggang sa pumunta ‘ko sa Israel, talagang nandiyan sila at all-out para sa akin. Tapos, si Dong din," ani Marian.

SIDE TRIP TO THE HOLY LAND

Ang pinakahindi raw niya makalilimutan ay ang pagpunta nila sa Holy Land sa Jerusalem.

Nagtungo ang mag-asawa roon matapos gampanan ni Marian ang duties niya sa Miss Universe 2021.

"Hindi ko talaga makakalimutan at napaka-thankful ko rin, yung makapunta kami a Jerusalem. Yung ang isa sa mga highlight, bucket list ko talaga ‘yan.

"Sobrang gustung-gusto ko talagang makapunta ro’n," masayang kuwento ni Marian.

Isang araw lang daw sila nakapag-ikot o nakapamasyal ni Dingdong sa Israel.

Continue reading below ↓

"Lahat ng nando’n ako, lahat talaga, para sa Miss U talaga. Kasi ang dami naming ginagawa araw-araw.

"May isang araw lang na binigay sila, yun ang nakapag-ikot kami sa Jerusalem.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Marian Rivera on bonding with fellow Miss Universe judge Urvashi Rautela: "Ang nakakatawa kasi ro’n, sabi niya sa akin, 'Can you teach me your dance steps?' Sabi ko, 'What are you talking about?’ 'Your Sabay-Sabay!'
PHOTO/S: @marianrivera Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results