Alwyn Uytingco pens birthday poem for wife Jennica Garcia

by Arniel C. Serato
Dec 27, 2021
Alwyn Uytingco, Jennica Garcia reconciliation
Alwyn Uytingco to wife Jennica Garcia on her birthday: “Salamat sa buhay, liwanag at inspirasyon na dala mo para sakin, sa mga anak natin, at mga taong nagmamahal at humahanga sayo."
PHOTO/S: Courtesy: Alaskador on Facebook

Tila ayos na ayos na muli ang pagsasama ng mag-asawang Alwyn Uytingco at Jennica Garcia matapos ang ilang buwang paghihiwalay.

Sa Facebook noong December 25, araw ng Pasko, nag-post si Alwyn ng larawan ng buong pamilya niya, kasama si Jennica at ang dalawang anak nilang sina Mori at Alessi.

Mensahe ng aktor sa caption, “Thank you Lord for the gift of family. Merry Christmas everyone!”

Continue reading below ↓

Kinabukasan, December 26, sa ika-32 kaarawan ni Jennica, isang tula naman ang isinulat at inalay ni Alwyn para rito.

Tila naging makata si Alwyn sa kanyang mensahe para kay Jennica kung saan inihalintulad niya ito sa isang "obra."

Aminado si Alwyn na may mga pagkakataon sa buhay na hindi madaling gumawa ng isang painting katulad na lamang ng buhay nilang pamilya na sinubok ng panahon.

Saad niya, “Ang buhay mo ay isang obra na nilikha ng Diyos.

“Sa bawat minuto, oras, araw at taon na nakakasama kita, mas gumaganda at mas lumalalim ang pagtingin ko sayo.

“Kung ang buhay ay isang painting, maiintindihan natin kung bakit hindi sa lahat ng oras ay madali ang ‘pagpipinta’ nito.

“Hindi palagi ay gagamit ka ng puti, dilaw, kahel at maliliwanag na kulay para mabuo ito.

“Minsan may itim, asul at indigo na tila nagsisilbing pambalanse upang magrehistro ang lahat ng aspeto sa buhay ng tao.

Continue reading below ↓

“Napakakulay ng buhay mo, at ito ang dahilan kung bakit ako patuloy na humahanga at nabibighani sa’yo.”

Kasunod nito ang kanyang personal na papuri sa asawa.

Mensahe ni Alwyn, “Isa lang ang kinaiinisan ko, hindi mo ito batid. Walang kang malay na ganito ang kinang na nakikita ko sayo, at ng mga tao sa paligid mo.

“Isa lang ako sa mga miron na gustong tumitig sa’yo buong maghapon.

“Sa katotohanan, wala akong kapasidad na maiuwi ka sa bahay, mailagay sa magandang dingding at maipagmayabang sa mga tao.

“Wala akong kapangyarihan para angkinin ka, dahil kung tutuusin, ang Ama natin sa itaas ang siyang may karapatan ng umangkin sa’yo.”

Nagpasalamat din siya kay Jennica dahil sa ikalawang pagkakataong ibinigay nito sa kanya.

Aniya, “Pero kahit hindi man ako karapatdapat na maging parte ng kulay ng buhay mo, heto ka’t nasa harapan ko, araw-araw na binibigyan ng pagkakataon na masilayan ka at masaksihan ang gandang taglay mo.

Continue reading below ↓

“Hindi ito nagtatapos sa isang hagod ng pintura, na parang isang hindi pa natatapos na mosaic, patuloy ang iyong pag usbong at pagbibigay kulay sa canvas ng buhay.

“Salamat Jennica, dahil andito pa rin ako at parte ng pagpipinta mo.

“Salamat sa buhay, liwanag at inspirasyon na dala mo para sakin, sa mga anak natin, at mga taong nagmamahal at humahanga sayo.

“Salamat, at kasama kami sa obra ng buhay mo.

“Maligayang kaarawan, Mahal.”

Continue reading below ↓

May 2021, inamin ni Jennica na naghiwalay na sila ng asawa pero iginiit niyang hindi pinansiyal ang dahilan.

Hulyo naman ay nagpahiwatig si Alwyn na aayusin niya ang nasira nilang pagsasama.

Bandang Oktubre, unti-unti nang nagpu-post si Alwyn ng larawan nila ni Jennica at mga anak.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Alwyn Uytingco to wife Jennica Garcia on her birthday: “Salamat sa buhay, liwanag at inspirasyon na dala mo para sakin, sa mga anak natin, at mga taong nagmamahal at humahanga sayo."
PHOTO/S: Courtesy: Alaskador on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results