PEP YEARENDER 2021: New showbiz couples in 2021

by Arniel C. Serato
Dec 29, 2021
New relatioships in showbiz 2021
Derek Ramsay and Ellen Adarna, Julia Barretto and Gerald Anderson, Yen Santos and Paolo Contis (front row), Kris Aquino and Mel Sarmiento, and Bea Alonzo and Dominic Roque (back row) are some of the celebrities who admitted openly and rumored to be in a relationship this 2021.
PHOTO/S: Instagram / Facebook
ILLUSTRATION: Igi Talao

Isa sa laging inaabangan ng netizens na tutok sa showbiz ay kung sinu-sino ang mga aaming magkarelasyon.

Mga nauugnay sa isa’t isa ngunit hanggang “what you see, is what you get” ang drama.

Love teams na nauwi sa totohanan.

Mga tambalan sa pelikula o telebisyon na natuloy sa pag-iibigan.

And take note, walang pinipiling edad ang pagmamahalan!!!

DEREK RAMSAY-ELLEN ADARNA

Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong February 26, hindi nagdalawang-isip sina Derek Ramsay at Ellen Adarna na ipakita at iparamdam ang totoo nilang nararamdaman sa isa’t isa.

Noong panahong iyon, isang buwan na raw halos ang relasyon nila.

Nagsimula ang pagkakaibigan nina Derek at Ellen noon lamang January 2021.

Inimbitahan ni Derek sa kanyang bahay sa Ayala Alabang sina Ellen, John, at Ruffa Gutierrez dahil nadiskubre ni Derek na magkapitbahay lamang sila ni Ellen.

Doon na nagsimula ang pang-iintriga sa dalawa, na noong una ay parehong todo tangging may namamagitan sa kanila higit pa sa pagkakaibigan.

Continue reading below ↓

November 11, 2021, ikinasal ang dalawa sa isang mountain resort in Bagac, Bataan.

PEP YEARENDER 2021: new relationships in showbiz

GERALD ANDERSON-JULIA BARRETTO

Pagkatapos ng ilang buwang espekulasyon, inamin na rin ni Gerald Anderson ang relasyon nito kay Julia Barretto.

Nangyari ang kumpirmasyon ni Gerald dalawang araw bago ang kanyang 32nd birthday noong March 7.

Continue reading below ↓

Isiniwalat ng Kapamilya actor ang estado ng relasyon nila ni Julia sa interview ni Boy Abunda sa YouTube video nito noong, March 5.

Maiksi ang mga sagot ni Gerald, pero sapat na ito para matuldukan na sa wakas ang espekulasyon sa tunay na namamagitan sa kanila ni Julia.

PEP YEARENDER 2021: new relationships in showbiz

Continue reading below ↓

BEA ALONZO-DOMINIC ROQUE

Happily in love na rin ang ex-girlfriend ni Gerald na si Bea Alonzo.

Kinumpirma ni Bea ang relasyon nila ni Dominic Roque sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at sinabi niyang hindi pa naman daw katagalan ang ugnayan nila.

Pero matagal na rin daw silang nagdi-date ng aktor.

Ang kanilang trip sa California ang naging daan upang magkaroon ng “jowa reveal” ang Kapuso actress.

Para kay Bea, “worth the risk” si Dominic bilang bago niyang nobyo.

PEP YEARENDER 2021: new relationships in showbiz

Continue reading below ↓

HEAVEN PERALEJO-KIKO ESTRADA

Unang naugnay si Heaven Peralejo kay Kiko Estrada noong pumutok ang balitang naghiwalay na ang aktor at ang girlfriend nitong si Devon Seron noong March 2021.

Magkasama noon sa teleserye ng ABS-CBN na Bagong Umaga sina Heaven at Kiko.

Pero mariin itong itinanggi ni Heaven.

Pagdating ng June 2021, namataan ang dalawa na magkasamang nagliwaliw sa Boracay

July 2021, namataan namang sweet na sweet sa isang birthday party ang dalawa.

Noong mga panahong iyon, wala pang pag-amin ang dalawa sa kanilang relasyon.

Hanggang nitong ikalawang linggo ng August 2021, sa kanilang Instagram accounts, sabay-sabay na nag-post ang dalawa ng kumpirmasyong magkarelasyon na nga sila.

Si Kiko ang naunang nag-post sa Instagram ng sweet photos nila ni Heaven na kuha sa kanilang pamamasyal.

Kapansin-pansin na ang anunsiyo ni Kiko tungkol sa kanila ni Heaven ang nag-iisang post sa kanyang Instagram feed.

Tanging si Heaven lang din ang kanyang pina-follow noon.

Continue reading below ↓

Makalipas ang ilang minuto ay si Heaven ang nag-post sa Instagram ng mga litrato nila ni Kiko.

Ipinagdiwang nina Kiko at Heaven ang kanilang third monthsary bilang magkasintahan noong August 30.

Pagdating ng September 1, bigla na lamang binura ni Kiko ang dalawang posts niya tungkol sa kanila ni Heaven.

Maliban dito, in-unfollow na rin ng aktor ang girlfriend sa Instagram.

Kaya naman umingay ang balitang naghiwalay kaagad ang dalawa.

September 19, 2021, napansin ng ilang showbiz fans na hindi na rin pina-follow ni Heaven si Kiko sa Instagram.

Bukod sa pag-unfollow kay Kiko, wala na rin sa Instagram feed ni Heaven ang mga post nito kasama ang aktor.

Hanggang nitong October 25, kinumpirma nga niyang single na siya, “I am single, but not ready to mingle."

PEP YEARENDER 2021: new relationships in showbiz

Continue reading below ↓

PAOLO CONTIS-YEN SANTOS

Ilang araw matapos i-unfollow ni Paolo Contis ang dating live-in partner na si LJ Reyes sa Instagram, kumalat naman sa social media ang isang video ng isang babae at isang lalake na kaagad nag-viral.

Madaling nakilala ng netizens ang lalake na si Paolo, pero palaisipan pa ang katauhan ng babaeng kasama niya.

Hanggang sa marami nang netizens ang nagsabing si Yen Santos ang babaeng kasama ng aktor sa viral video.

Bago pa man ang video, may kumalat na ring larawan ni Paolo kasama ang isang mystery woman sa isang restaurant sa Baguio.

Noong September 8, kinumpirma ni Paolo na totoong nagkita sila ni Yen sa Baguio, pero idiniin niyang "as a friend" lang ang turingan nila.

Hindi raw third party si Yen sa breakup nila ni LJ noon.

Nagkatambal sina Paolo at Yen sa pelikulang A Faraway Land. Ginawa ang shooting sa Faroe Islands sa Denmark mula November 24 hanggang December 9, 2020.

Continue reading below ↓

PEP Yearender 2021: new couples

ALJUR ABRENICA-AJ RAVAL

Isiniwalat ni AJ Raval na totoong nanliligaw sa kanya si Aljur Abrenica sa eksklusibong panayam sa baguhang aktres sa "On The Spot Challenge" sa PEP Live noong October 5.

Umamin din si AJ na si Aljur ang sinasabi niyang manliligaw na boyfriend-material.

Nagkatrabaho sina AJ at Aljur sa Nerisa, ang Vivamax film na pinagbidahan nina Aljur at Cindy Miranda.

Continue reading below ↓

Kasunod ng kanyang pag-amin, ilang beses nang spotted ng netizens ang dalawa na magkasama sa pampublikong lugar.

PEP YEARENDER 2021: new relationships in showbiz

KRIS AQUINO-MEL SARMIENTO

Mababanaag hanggang ngayon ang kaligayahan ni Kris Aquino dahil nagsilbing "matchmaker in heaven" ang pumanaw niyang kuya na si former President Benigno Aquino III, sa kanyang fiancé na si Mel Sarmiento.

Continue reading below ↓

Si Mel ay dating Department of the Interior and Local Government (DILG) secretary noong termino ni Noynoy bilang Pangulo.

Sa isang video sa Instagram noong October 28, humarap sina Kris at Mel sa isang Q&A kunsaan ang anak ni Kris na si Bimby Aquino ang nagtanong ng ilang detalye tungkol sa kanilang love story.

Dito inamin ni Kris na opisyal niyang naging kasintahan si Mel noong July 24, 2021.

Malapit na rin daw ikasal ang dalawa.

PEP YEARENDER 2021: new relationships in showbiz

Continue reading below ↓

JOHN LLOYD CRUZ-ISABEL SANTOS

Palaisipan pa rin hanggang ngayon kung ano ang ugnayan sa pagitan ni John Lloyd Cruz at ng artist na si Isabel Santos.

Noong December 6, namataan ang dalawa sa Christimas party ng Crown Artist Management na kinabibilangan ni John Lloyd.

Bago pa nito, noong November 8, isang fan account ang nag-repost ng litrato ni John Lloyd na sinasabing mula sa Instagram Story ni Isabel.

Kasama ni John Lloyd sa loob ng sasakyan ang dalawang puting aso na tugma sa mga alagang aso ni Isabel na sina Noah at Benny.

Nilagyan pa ito ng fan ng caption na "flexing" at lovestruck emoji.

Dahil dito ay napatanong ang iba pang fans ni John Lloyd kung sila ba ni Isabel.

PEP YEARENDER 2021: new relationships in showbiz

Continue reading below ↓

EDU MANZANO-CHERRY PIE PICACHE

Kinumpirma ni Edu Manzano na magkarelasyon na sila ni Cherry Pie Picache noong kalagitnaan ng Nobyembre.

Malaki ang posibilidad na nagkadebelopan ang dalawa habang magkatrabaho sa ABS-CBN teleseryeng Marry Me, Marry You.

Matatawag namang love is lovelier the second time around ang relasyon ng dalawa.

Ito ay dahil una silang nagkaroon ng relasyon dalawampung taon (20) na ang nakalilipas.

Nanggaling ang kumpirmasyon mula sa dalawa sa panayam sa kanila ni Luis Manzano para sa YouTube channel nito na inilabas nitong Lunes ng hapon, December 27, 2021.

Si Luis ay anak ni Edu sa kanyang first wife na si Vilma Santos.

PEP YEARENDER 2021: new relationships in showbiz

Continue reading below ↓

KIT THOMPSON-ANA JALANDONI

Isinapubliko ni Kit Thompson na girlfriend na niya si Ana Jalandoni nitong nakaraang December 15, 2021 lamang.

Sa pamamagitan ng Instagram, inihayag ni Kit ang ugnayan nila ni Ana.

Sa panayam niya sa PEP Spotlight noong September 2021, ang tanging nabanggit ni Kit ay hiwalay na sila ng huli niyang naging girlfriend.

PEP Yearender 2021: new couples

Continue reading below ↓

RUFFA GUTIERREZ-HERBERT BAUTISTA

Magkarelasyon na ba sina Ruffa Gutierrez at Herbert Bautista?

Ito ang naging tanong ng mga netizens matapos ang rebelasyon ni Kris Aquino na may "new beautiful girlfriend" si Herbert ngayon.

Kaugnay ito ng pag-alma ni Kris sa pag-ungkat ni Herbert sa naudlot na relasyon nila noon.

Ang mensahe sa kontrobersiyal na tweet ni Herbert noong November 18: mayroon itong "#TOTGA" o The One That Got Away na pinanghihinayangan at nais sanang pakasalan.

Nahulaan ng netizens na si Kris ang tinukoy ni Herbert na "TOTGA."

Noong December 2, nag-tweet naman si Ruffa tungkol sa height difference nila ni Herbert.

Hindi ba isyu iyon na maliit si Herbert kumpara kay Ruffa, na akma sa pagiging dating beauty queen ang height?

Sabi naman ni Ruffa patungkol kay Herbert, "Maliit?? Well, I’m 5’10 so more than half of Filipino men are shorter than me. Besides, height doesn’t matter. Or does it?"

Continue reading below ↓

Ruffa Gutierrez and Herbert Bautista

HOT STORIES

Use these Zalora vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Derek Ramsay and Ellen Adarna, Julia Barretto and Gerald Anderson, Yen Santos and Paolo Contis (front row), Kris Aquino and Mel Sarmiento, and Bea Alonzo and Dominic Roque (back row) are some of the celebrities who admitted openly and rumored to be in a relationship this 2021.
PHOTO/S: Instagram / Facebook
ILLUSTRATION: Igi Talao
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results