PEP YEARENDER 2021: Best bets to shine brightest among rising stars in 2022

by Bernie V. Franco
Dec 31, 2021
Best bets 2022
Year 2022 looks promising to some stars who are slated to top-bill their biggest breaks yet. Some of them ended 2021 with a bang and their stars are expected to continue shining in the coming year. Can you match their faces with their names?
PHOTO/S: Instagram

Sa pagsisimula ng 2022, nakaabang na ang showbiz followers para sa mga artistang may potensiyal na magmarka ang pangalan sa industriya.

May mga fresh names na bago matapos ang 2021 ay nakaagaw sa atensiyon ng viewers.

Ang iba naman ay may recall ang mga pangalan sa showbiz, subalit inaasahang papaimbulog sa industriya dahil sa mga nakalinyang proyekto nila sa papasok na taon.

Narito ang listahan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng ilan sa mga inaabangang mag-iiwan ng marka sa local showbiz this 2022:

Jane de Leon

Walong taon na sa showbiz ang Kapamilya actress na si Jane de Leon, na nagsimula ang career noong 2013.

Pero inaabangan na ng marami ang kanyang first starring role sa 2022, ang Darna. Ito ang most-awaited superhero TV series na mapapanood sa Kapamilya network.

Si Jane ang napiling tagapagmana ng bato ng Filipino superheroine.

As we all know, much-coveted ang Darna role. Ang sinumang aktres na gumanap ng Darna sa TV man o pelikula ay mas lalong nagningning.

Continue reading below ↓

‘Ika nga ng isang kasabihan, hindi ang aktres ang lumilikha kay Darna, kundi si Darna ang lumilikha sa aktres.

Ang role ang lalong nagpaningning kina Angel Locsin at Marian Rivera noon.

jane de leon

Matapos ang ilang taong pagkaantala at paglipat-lipat sa kung sinong aktres ang gaganap sa title role, sa wakas ay eere na ang Darna sa primetime block ng ABS-CBN sa 2022.

Continue reading below ↓

Bago matapos ang taon, sinimulan na ang taping at inilabas na rin ang official teaser ng serye nito lamang Disyembre.

Taong 2013 nang ma-acquire ng ABS-CBN ang rights ng Darna, gayundin ang iba pang likha ni Mars Ravelo, gaya ng Dyesebel at Captain Barbell.

Belle Mariano at Donny Pangilinan

Bini-build up ngayon ng ABS-CBN ang fresh na tambalan nina Donny Pangilinan and Belle Mariano, o mas kilala bilang DonBelle.

Wala ring dudang sina Donny at Belle ang magtutuloy sa tradisyon ng ABS-CBN ng successful love teams.

Patok sa mga manonood ang kanilang launching series na He’s Into Her sa iWantTFC, ang Kapamilya streaming platform.

Eventually, ipinalabas din ang series sa cable channels ng ABS-CBN later this year.

Nito ring December ay ipinalabas sa digital platform ang kanilang unang pelikula, ang Love Is Color Blind.

These are clear indicators that there is no other way but up for DonBelle.

Inaantabayanan ngayon ng kanilang mga fans ang season two ng He’s Into Her sa 2022.

Continue reading below ↓

DonBelle

AJ RAVAL

In just a short period of time, AJ Raval is already making headlines—both good and bad.

Maraming dahilan kaya naging laman ng mga balita ang baguhang artista ng VIVA Artists Agency.

Bukod sa anak siya ng dating action star na si Jeric Raval, mapangahas ang mga napiling roles ni AJ. Sunud-sunod ang kanyang mga naging pelikula this year: Paglaki Ko Gusto Kong Maging Pornstar, Death of A Girlfriend, Nerisa, Taya, Shoot! Shoot!, at Crush Kong Curly.

Continue reading below ↓

Pagpasok ng January 2022, ipalalabas ang kanyang next project, ang sexy-action movie na Hugas.

Umingay nang todo ang pangalan ni AJ this year nang madawit siya sa hiwalayang Kylie Padilla at Aljur Abrenica.

Last quarter ng 2021, pinag-usapan nang todo ang pagkakamabutihan nila ni Aljur.

Dahil dito, inakusahang “third party” umano si AJ sa breakup nina Aljur at Kylie.

AJ Raval

Continue reading below ↓

Nilinaw naman ng estranged couple na walang katotohanan ang akusasyon, subalit hindi nito napigilan ang pagbato ng batikos kay AJ.

Dawit din si AJ sa relasyong Barbie Imperial at Diego Loyzaga. Nagkaroon pa ng patutsadahan sa pagitan nina AJ at Barbie.

Bandang huli, napaulat na nakapadesisyon umano ang dalawang aktres na magkaayos.

CASSY AND MAVY LEGASPI

Slowly but surely naman ang pagsabak sa showbiz nina Cassy Legaspi at Mavy Legaspi—ang kambal na anak nina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi.

Dahil nasa showbiz ang mga magulang, hindi kataka-takang sumunod ang kambal sa kanilang mga yapak.

Nagsimula ang kambal bilang endorsers kasama sina Carmina at Zoren.

Kasunod nito, sumabak sila sa hosting nang makasama sa Sarap, Di Ba? bilang co-hosts ni Carmina noong 2018.

This year, sumabak na rin sa larangan ng pag-arte ang kambal.

Nag-acting debut si Cassy sa 2021 Kapuso Primetime series na First Yaya.

Sa kanyang vlog noong 2020, sinabi ng dalaga na ramdam nito ang pressure lalo’t may mga pangalan ang parents sa showbiz. Pero handa niyang patunayan ang sarili.

Continue reading below ↓

Sabi ni Cassy, "They’re gonna see my acting skills, and I’m the daughter of two actors. Will I be good?”

“But I feel like I’m working towards it and I see improvement. And my acting coach sees that I’m doing well.

“And I’m constantly improving, then we’re good to go.

“Anyway, there’s always room for improvement and this is just my first teleserye, so there are more projects that I can keep improving.”

Mapapanood muli si Cassy sa upcoming Kapuso teleserye na First Lady, ang sequel ng First Yaya, na pangungunahan pa rin nina Gabby Concepcion at Sanya Lopez.

Hindi na rin nahindian ni Mavy ang tawag ng showbiz, at sinuong na niya ang pag-arte.

Nang simulan ni Mavy ang taping para sa I Left My Heart in Sorsogon, naging emosyonal pa ang ina nitong si Carmina.

Pabirong sabi ni Mavy sa isang virtual press conference noong September 2021, “It was like they were sending off a college student about to study abroad.

Continue reading below ↓

“My mom was affected since we’re very close; I’m a mama’s boy. It was tough, but I was ready to spread my wings.”

Patuloy na napapanood si Mavy sa GMA-7 teleserye na I Left My Heart in Sorsogon.

cassy legaspi and mavy legaspi

KAORI OINUMA

Bright din ang 2022 para sa Filipino-Japanese actress na si Kaori Oinuma. Una siyang nagkapangalan matapos maging housemate sa Pinoy Big Brother: Otso noong 2018-2019.

Continue reading below ↓

Kagaya rin ng ibang produkto ng reality-based shows, sinuong ni Kaori ang showbiz at nakilala bilang Kapamilya artist.

Naniniwala si Kaori na ang pagpasok niya sa showbiz ay tamang landas na kanyang tinahak.

Sa isang online interview, naibahagi ni Kaori na nang mag-audition siya noon sa PBB, may mga ibinigay sa kanyang signs para mapasok ang showbiz.

Sunod-sunod daw ang mga insidente para mapadali ang kanyang PBB audition.

Ani Kaori: “Parang mararamdaman ng puso mo kung para sa iyo.

"Yun ang naramdaman ko noon kaya binibigyan ako ng signs na nakapag-audition ako.”

This year, napabilang si Kaori sa He’s Into Her ng DonBelle.

kaori oinuma

Continue reading below ↓

Nakasama rin siya sa 2021 Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na Love At First Stream.

Inaabangan din next year ang iWantTFC series na kinabibilangan niya kasama si JC Alcantara.

DANIELA STRANNER

Unti-unti ring napapansin ang kapasidad bilang aktres ni Daniela Stranner.

Sa katunayan, nominado siya para sa Best Actress sa MMFF 2021, kahilera ang mga batikang aktres na sina Charo Santos at Elizabeth Oropesa.

Ang nominasyon ni Daniela ay para sa kanyang pagganap sa Love At First Stream, na idinirek ni Cathy Garcia Molina.

Sa isang interview, napabilib si Direk Cathy sa husay sa pag-arte ni Daniela.

Inilarawan ng direktor si Daniela bilang “a good actress” at “one of the better ones.”

Sabi pa ni Direk Cathy, "Pag nalaman ng tao at nakita nila kung ano ang kayang ibigay ni Daniela, they would love her, too,”

daniela stranner

Continue reading below ↓

Si Daniela ay naging bahagi ng Star Magic Circle noong 2018.

Kasama rin si Daniela sa upcoming IWantTFC series na kinabibilangan nina JC Alcantara at Kaori Oinuma.

Jeremiah Lisbo

Matunog din ang pangalan ng ABS-CBN newbie na si Jeremiah Lisbo.

Ka-batch niya sina Donny Pangilinan at Belle Mariano.

Sa katunayan, ilang beses na siyang naging third wheel sa tambalang DonBelle, gaya sa online series na He’s Into Her at movie na Love Is Color Blind.

Kasama rin si Jeremiah sa 2021 MMFF entry na Love At First Stream.

Mukhang isa si Jeremiah sa ibi-build ng ABS-CBN ngayong darating na 2022.

jeremiah lisbo

Continue reading below ↓

SEAN DE GUZMAN

Isa rin sa mga bini-build up ngayon ng VIVA Artists Agency ay ang baguhang aktor na si Sean de Guzman.

Sa pagpasok niya sa pag-aartista, sumabak agad si Sean sa daring roles. Bida agad siya sa sexy movie na Anak ng Macho Dancer ngayong taon.

Pero naipakita rin ni Sean ang kanyang kakayahan pagdating sa pag-arte.

Nagsunud-sunod na ang mga pelikulang ginawa ni Sean pagkatapos ng kanyang launching movie. Pero gaya ng kanyang unang starring film, mapangahas ang kanyang mga ginagampanan.

Napabilang siya sa mga Vivamax movies na Lockdown, Nerisa, Taya, Bekis On The Run, at Mahjong Nights.

Magkatambal sila ni AJ Raval sa 2022 film na Hugas.

sean de guzman

Continue reading below ↓

RABIYA MATEO

Nitong last quarter ng 2021, pumirma ng kontrata sa GMA-7 si Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo.

Sa ulat ng PEP Troika, binanggit na three years ang kontratang pinirmahan ni Rabiya.

Sa PEP exclusive interview kay Rabiya noong November 2021, ibinahagi niya na bago pa man matapos ang kanyang reign bilang Miss Universe Philippines 2020, nagpakita na ng interes sa kanya ang GMA.

Ito rin daw ang dahilan kung bakit hindi na ikinonsidera ng beauty queen ang iba pang TV networks.

“Wala na din po kasi parang pag-compete ko sa Miss Universe, right after sinabi nila, ‘O, GMA wants you,’ so ganoon po yung parang naging agreement,” kuwento ni Rabiya.

Samantala, paunti-unti na rin ang pagsabak ni Rabiya sa acting. Nakagawa na siya ng single episodes sa ilang weekly shows ng GMA, kagaya ng Kapuso Mo, Jessica Soho at Wish Ko Lang.

rabiya mateo

Continue reading below ↓

Isa siya sa leading ladies ni Bong Revilla sa upcoming sequel ng TV fantasy series na Agimat ng Agila.

Nauugnay ngayon si Rabiya sa Kapuso actor na si Jeric Gonzales.

CAST OF VOLTES V: LEGACY

Inaabangan din ng followers ng classic Japanese animated series na Voltes V ang live-action version ng GMA-7, ang Voltes V: Legacy.

Marami ang excited sa Pinoy live-action version na nagpasikat sa mga karakter na sina Steve Armstrong at mga kapatid nitong sina Little John at Big Bert, at mga ka-team na sina Jamie Robinson at Mark Gordon.

Napili si Miguel Tanfelix para gampanan ang papel ni Steve, na siyang lider ng grupo.

Nabibigyan na ng break sa Kapuso network si Miguel, pero walang dudang ito ang pinakamalaki niyang role, so far.

Big break naman ito para sa baguhang si Ysabel Ortega bilang si Jamie.

Nagsimula bilang Kapamilya artist noong 2015, lumipat si Ysabel sa Kapuso network noong 2019.

Continue reading below ↓

Siya ay anak ng actor-politician na si Lito Lapid at ng former actress na si Michelle Ortega.

Mga baguhan naman ang tatlo pang napili para gampanan ang roles ng ibang miyembro ng Voltes V team.

Si Radson Flores ang gaganap bilang si Mark. Nakilala siya matapos mapabilang sa Kapuso reality search na StarStruck 2019.

Ang child star na si Raphael Landicho ang siyang gaganap bilang Little John. Si Raphael ay contract artist ng GMA Artist Center at napabilang na rin sa ilang Kapuso teleserye, gaya ng Love of My Life.

Si Matt Lozano naman ang gaganap bilang si Big Bert. Kilala si Matt bilang isang musician at winner ng talent search contest ng Eat Bulaga! na “Spogify.”

Voltes V Legacy

Continue reading below ↓

Use these Lazada vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Year 2022 looks promising to some stars who are slated to top-bill their biggest breaks yet. Some of them ended 2021 with a bang and their stars are expected to continue shining in the coming year. Can you match their faces with their names?
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results