PEP YEARENDER 2021: Celebrity word wars that made headlines

by J. Navarro
Dec 30, 2021
AJ Raval, Aljur Abrenica, Kylie Padilla, Cristy Fermin, Suzette Doctolero, Andoy Ranay, Jaclyn Jose, PEP Yearender 2021: Celebrity Word War
PEP Yearender 2021: Celebrity Word Wars include Aljur Abrenica accusing Kylie Abrenica cheating on him first, AJ Raval refuting speculations that she's the third party in Aljur-Kylie Split, and Cristy Fermin defending Aljur. Andoy Ranay's controversial statement about other networks' TV content prompted Suzette Doctolero and Jaclyn Jose into firing back.

Hindi maikakaila ang malaking kontribusyon ng social media sa larangan ng komunikasyon kaya naman na-dominate na nito ang ibang communication mediums pagdating sa mabilis, instant, at epektibong pakikipag-ugnayan.

Bagamat nilikha ang social media para sa malayang pagpapahayag at engagement sa online community, may mga pagkakataong taliwas ang nangyayari—ito pa ang nagiging mitsa ng hindi pagkakaunawaan.

Ngayong 2021, saksi ang mga Pilipino sa maraming kontrobersiyal at pasabog na word war sa pagitan ng celebrities—gamit ang social media posts, vlogs, at online shows—at isa-isang binalikan at hinimay ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang walo sa mga ito.

ALJUR ABRENICA AND KYLIE PADILLA

February 2021 pa unang naging usap-usapan na nagkakaproblema ang pagsasama ng mag-asawang Kylie Padilla at Aljur Abrenica.

Ito ay dahil sa sunud-sunod na cryptic posts ni Kylie sa Instagram na nagpapahiwatig na may pinagdadaanan sila ng asawa.

Pero July lamang inihayag na hiwalay na nga ang dalawa matapos itong kumpirmahin ng ama ni Kylie, ang veteran actor na si Robin Padilla, sa YouTube vlog ni Ogie Diaz noong July 7.

Continue reading below ↓

Pagkatapos nito, parehong nanatiling tahimik sina Kylie at Aljur, hanggang sa lumutang ang isyung nakakamabutihan na ng aktor ang baguhang sexy actress na si AJ Raval.

"TELL THEM WHO CHEATED FIRST"

Sa kasagsagan ng pamba-bash ng publiko kina Aljur at AJ, naglabas ng mahaba at nakakagulat na Facebook post si Aljur noong October 19.

Doon, inakusahan niya si Kylie na ito ang unang nagkaroon ng karelasyon habang nagsasama pa sila bilang mag-asawa.

Sa post, nakiusap si Aljur kay Kylie na sabihin na nito ang katotohanan sa likod ng pagkasira ng kanilang pagsasama: “Kylie please tell them the truth. Tell them who cheated first. Tell them who wrecked our family.”

Nang gabing iyon, isa pang cryptic post na malinaw na tumutukoy sa revelation ni Aljur ang ibinahagi ni Kylie sa kanyang Instagram Story.

Ni-repost niya ang tweet ng international singer na si Rihanna noong December 23, 2012: “Never underestimate a man's ability to make you feel guilty for his mistakes.”

Continue reading below ↓

KYLIE DENIES CHEATING ALLEGATIONS

October 24, sa eksklusibong panayam ng veteran broadcaster na si Jessica Soho sa Kapuso Mo Jessica Soho, mariing pinabulaanan ni Kylie na nakipagrelasyon siya sa iba habang nagsasama pa silang mag-asawa.

"Unfair" daw para kay Kylie ang paratangan siya nun ni Aljur dahil napakaimposible daw na mangyari yun sa kawalan na rin niya ng oras dahil tutok siya sa pag-aalaga sa mga anak nilang sina Alas at Axl.

Dagdag ni Kylie: "Ang dami kong puwedeng sabihin na ikakasira niya because we were both in the marriage. But I choose to keep quiet na lang about the details. Hindi naman makakatulong sa amin, e. He knows what he did wrong and I know what I did wrong."

Sa vlog ni Kylie noong November 27, nang tanungin ng amang si Robin kung “okay na” sila ni Aljur, sinabi ng Kapuso actress na ginagawa nila ang lahat bilang mga magulang sa dalawa nilang anak.

Continue reading below ↓

Nang usisain ni Robin kung may tsansa pang magkabalikan sila, sagot ni Kylie: “No, no. It’s best for what it is now kasi tinitingnan ko rin [na] in the future, maging friends kami talaga.”

Aljur Abrenica, Kylie Padilla

KYLIE PADILLA AND CRISTY FERMIN

Palaban ang mga social media post ni Kylie Padilla para pabulaanan ang mga akusasyon ng veteran columnist-host na si Cristy Fermin na may third party umano sa panig ng aktres kaya nauwi sa hiwalayan ang pagsasama nila ng estranged husband niyang si Aljur Abrenica.

Continue reading below ↓

Umaga ng October 22 nang kumalat sa social media ang pinaniniwalaang tweets at Facebook post ni Kylie tungkol sa paninira raw sa kanya ni Cristy.

Sa mensahe ni Kylie na nakadirekta kay Cristy, sinabi ng aktres na alam niya kung sino ang source ng kolumnista sa mga negatibong ibinabalita nito laban sa kanya.

Saad sa bahagi ng post ni Kylie: “Ano bang makukuha nyo sa pagsisira sa ‘kin? GROW UP. Ang tatanda nyo na… Kung gusto nyo ako siraan sana totoo na lang yung mga pinagsasabi nyo. Mahiya naman kayo sa mga sarili niyo.”

Nang hapong iyon, ginamit ni Cristy ang kanyang radio program upang buweltahan si Kylie habang pinaninindigan ang mga una na niyang nasabi laban sa aktres.

CRISTY BLASTS KYLIE

Ayon kay Cristy, si Kylie mismo ang naglantad sa publiko ng tungkol sa hiwalayan nila ni Aljur matapos ang serye ng cryptic posts ng aktres sa Instagram noong February 2021 na malinaw namang tumutukoy na may problema sa pagsasama nila.

Continue reading below ↓

Ang ama naman ni Kylie na si Robin Padilla ang nagkumpirma ng hiwalayan nang makapanayam ito sa vlog ni Ogie Diaz noong July 7, 2021.

Dagdag pa ni Cristy, madalas noong ipamukha ni Kylie kay Aljur na hindi ito mabuting provider ng pamilya. Kapansin-pansin daw ang pag-iiba ng ugali ng Kapuso actress kapag kagagaling lang nito sa pagbisita sa inang si Liezl Sicangco, na nasa Pampanga.

Untag pa ni Cristy kay Kylie, bakit daw hindi magawang diretsahang sagutin ng aktres ang hamon ni Aljur sa Facebook post nito noong October 19 na aminin ni Kylie kung sino sa kanila ang unang nagkaroon ng ibang karelasyon habang nagsasama pa sila.

Kylie Padilla, Cristy Fermin

Continue reading below ↓

KYLIE ON CRISTY COMPARING HER TO AJ

Sa gitna ng mahabang litanya ni Cristy laban kay Kylie, ikinumpara niya pa ang Kapuso actress sa napapabalitang girlfriend ngayon ni Aljur, ang young actress na si AJ Raval.

Sa huli, ipinamukha ni Cristy na hindi siya maaaring diktahan ni Kylie, maging ang ibang manunulat, pagdating sa pagbabalita.

Samantala, nang gabing iyon, isang makahulugang tweet ang ipinost ni Kylie na pinaniniwalaan ng marami na reaksiyon niya sa mga pahayag ni Cristy laban sa kanya.

Tweet ni Kylie: “Of course you pit two women against each other. That’s your game. Sorry it’s not mine. I wish you love and happiness. Next time keep my mother out if it.”

Ang ina naman niyang si Liezl Sicangco ay bumuwelta rin kay Cristy dahil sa paninira ng radio host sa aktres.

Sa kanyang Instagram posts, tinawag ni Liezl si Cristy ng “wicked, toxic, poisonous woman.”

Hindi na nagbigay ng reaksiyon si Cristy sa mga naging pahayag ni Liezl laban sa kanya.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

OGIE DIAZ AND BB GANDANGHARI

Vlog at Instagram Live ang ginamit sa sagutan ng tirada ng columnist-talent manager na si Ogie Diaz at ng U.S.-based vlogger at dating artistang si BB Gandanghari noong October kasunod ng hiwalayang Kylie Padilla at Aljur Abrenica.

Sa kasagsagan ng batuhan ng akusasyon sa social media ng mag-asawa, nagbigay ng breakup advice si BB sa pamangking si Kylie.

Sa kanyang Instagram Live noong October 21, pinayuhan ni BB si Kylie na huwag isapubliko ang away nila ni Aljur para na rin sa kapakanan ng dalawa nilang anak.

Pero pinuna ni Ogie ang pahayag na ito ni BB sa kanyang YouTube vlog noong October 27.

Sabi ni Ogie, dapat ay ipinayo ni BB sa sarili ang ibinigay nitong advice kina Kylie at Aljur.

“Sino ka, BB, para magsabi ng ganyan, kung ikaw nambubuko?” mensahe ni Ogie.

Malinaw na ang tinutukoy ni Ogie ay ang pagbubunyag ni BB ng pangalan ng isang sikat na aktor na nakarelasyon umano nito noong kilala pa bilang Rustom Padilla.

Continue reading below ↓

‘CREDIBILITY’ ISSUE

Hindi naman pinalampas ni BB ang banat na ito ni Ogie at dinepensahan ang sarili sa isang Instagram Live noong November 3.

Ayon kay BB, walang masama sa ipinayo niya kina Kylie at Aljur, sadyang “negative” na tao lang daw si Ogie kaya masama pa rin ang dating dito ng kanyang advice.

Ipinagdiinan din ni BB na may “zero credibility” si Ogie para sa kanya at wala raw itong ginawa kundi manira ng mga artista.

Makalipas ang apat na araw, sa November 7 vlog ni Ogie, malumanay at minsan ay nagpapatawa niyang sinagot ang mga tirada sa kanya ni BB.

Sinabi ni Ogie na hindi niya kinukuwestiyon ang payo ni BB kina Kylie at Aljur dahil tama naman ito, “ang point ko, mas maganda siguro kung hindi ka rin nambubuko ng iba.”

Hindi pinatulan ni Ogie ang sinabi ni BB na wala siyang kredibilidad bilang kolumnista.

Sa huli, nilinaw ni Ogie na hindi siya galit kay BB at handa siyang makipag-ayos dito.

Continue reading below ↓

Wala nang isinagot si BB sa pahayag na ito ni Ogie.

Ogie Diaz, BB Gandanghari

VICE GANDA AND ATE GAY

Dahil sa panunulsol at panggagatong ng netizens, nagkalamat ang matagal nang pagkakaibigan ng TV host na si Vice Ganda at ng stand-up comedian na si Ate Gay.

Continue reading below ↓

September 8 nang mag-viral ang Facebook post ni Ate Gay—Gil Aducal Morales ang tunay na pangalan—na nagbabanta siyang buburahin ang kanyang Facebook friends na “walang ginawa kundi mangnega ng umaga at sisihin ang gobyerno.”

Samu’t saring pangungutya ang natanggap ni Ate Gay mula sa netizens, at isa sa mga ito ang nagsabing sana ay hindi na lang siya tinulungan ni Vice noong naospital siya.

Hindi kaila na bukas si Vice sa paghahayag ng saloobin tungkol sa aniya’y kakulangan ng gobyerno sa usapin ng pandemic response.

LIST OF CASH DONORS

Bilang sagot sa bashers, noong September 10 ay inilabas ni Ate Gay sa isang Facebook post ang mga pangalan ng mga personalidad at ang halaga ng iniabot na tulong ng mga ito nang maospital siya noong April dahil sa rare at seryosong sakit sa balat na toxic epidermal necrolysis (TEN).

Pero nakasama pang lalo ang ginawang ito ng stand-up comedian dahil inulan ng pambabatikos si Vice matapos maliitan ang ilang netizens sa P20,000 na ibinigay ng It’s Showtime host kay Ate Gay.

Continue reading below ↓

Dinibdib ni Vice ang nangyari hanggang sa tuluyan na siyang napahimutok habang umeere ang Kapamilya noontime show noong September 16.

VICE HURT BY ‘MALDITA’ FRIEND

Bagamat hindi pinangalanan si Ate Gay, ikinuwento ni Vice na sobra siyang nasaktan sa isang kaibigan na tinulungan na nga niya ay “maldita pa.”

Na-bash daw si Vice dahil naliitan ang netizens sa halagang itinulong niya sa naturang kaibigan.

Kinabukasan, September 17, idinaan ni Ate Gay sa isang Instagram post ang pagpapaliwanag sa issue at ang paghingi ng tawad kay Vice.

Katuwiran niya, napilitan siyang ilabas ang breakdown ng cash donations sa kanya dahil sa below-the-belt comments ng bashers na pinagmumukha siyang walang utang na loob kay Vice.

ATE GAY APOLOGIZES

Paglilinaw ni Ate Gay, wala siyang intensiyong madawit si Vice sa issue at pulaan ng bashers, gusto lang daw niyang liwanagin na hindi ang TV host ang sumagot ng hospital bill niya—gaya ng isinusumbat sa kanya ng netizens—kundi ang kanyang kapatid.

Continue reading below ↓

Saad sa Instagram post ni Ate Gay: “Masyado lang akong nasaktan sa bashers. Sana mapatawad n’yo ako.. lalo na mga kaibigan kong tumulong sa akin at sa kapatid ko.”

Sa ngayon, walang linaw kung nagkaayos na sina Vice at Ate Gay.

Ate Gay, Vice Ganda

JANUS DEL PRADO, BEA ALONZO, AND GERALD ANDERSON

Naging sentro ng kontrobersiya ang pagtatanggol ni Janus del Prado kay Bea Alonzo laban sa ex-boyfriend ng aktres na si Gerald Anderson.

Continue reading below ↓

Kilala si Janus sa madalas na pagtatanggol kay Bea, lalo na sa kasagsagan ng breakup ng aktres kay Gerald noong July 2019.

Naging kontrobersiyal ang hiwalayang iyon matapos akusahan ni Bea si Gerald ng ghosting kasunod ng pagkakadawit ng young actress na si Julia Barretto bilang dahilan ng breakup.

Nang mga panahong iyon, kapwa itinanggi nina Gerald at Julia na may relasyon sila.

Pero noong March 2021, inamin ng dalawa ang kanilang romantic relationship nang hindi sinasabi kung kailan nagsimula ang kanilang ugnayan.

Pagsapit ng August, si Bea naman ang nagkumpirmang boyfriend na niya ang aktor na si Dominic Roque.

GERALD SAYS SORRY TO BEA; JANUS REACTS

August ngayong taon, o dalawang taon ang nakalipas matapos ang kontrobersiya, isinapubliko ni Gerald ang paghingi niya ng tawad kay Bea sa pamamagitan ng online show na Init Conversations.

Walang reaksiyon si Bea sa sinabi ni Gerald.

Kasunod nito, gaya ng dating gawi, pinatamaan ni Janus si Gerald sa sunud-sunod niyang Instagram posts noong August 23.

Continue reading below ↓

Mababasa sa unang photo message ni Janus: “May bagong show ata kaya nagso-sorry kay B. Sa amin nila Direk at OMC team di ka magsosorry at pinag-away away mo kami para lang pagtakpan yung kalokohan mo sa set? Bekenemen.”

Malinaw na ang “B” sa post ni Janus ay si Bea, habang ang “OMC” ay tumutukoy sa 2007 blockbuster film na One More Chance, kung saan nagkasama sina Bea at Janus, at idinirek ni Cathy Garcia-Molina.

Si Direk Cathy din ang filmmaker ng pelikulang My Perfect You (2018), na pinagsamahan naman nina Janus at Gerald, kung saan leading lady ng huli si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.

Nabalita noon ang pagkakamabutihan umano nina Gerald at Pia, na muntikan pang makasira sa relasyon noon ng aktor kay Bea.

JANUS VS ‘PAID TROLLS’

Sa parehong araw ay nag-post si Janus ng isa pang photo message kung paano sinserong makakahingi ng tawad sa taong naagrabyado.

Continue reading below ↓

Muli, may parunggit pero walang pinangalanan si Janus sa caption: “Ayan ah ginawan na kita ng kodigo para di ka na nagmumukhang ewan.”

Sa kasunod niyang post, ibinunyag ni Janus na inatake raw siya ng “paid trolls,” bagamat hindi sinabi kung kaninong kampo ang may pakawala nito.

Banta naman ng aktor, kapag hindi siya tinigilan ng paid trolls ay isisiwalat niya ang isang matinding sikreto na tatlong taon na niyang itinatago.

Kinabukasan, August 24, ibinunyag na ni Janus na ang paid trolls na umaatake raw sa kanya ay mula sa kampo nina “G&J”—o Gerald at Julia.

Bilang ganti, nagpakawala si Janus ng pasabog tungkol sa “milagrong naganap” sa set ng “MPY” sa pagitan nina "G" at “P.”

Bago magtanghali ng araw ring iyon, ibinunyag ni Janus na may mga natatanggap siyang banta sa kanyang buhay galing sa "kampo nila."

BEA ON FORGIVING GERALD

Tulad ng dati, walang anumang reaksiyon si Gerald sa mga pa-blind item na posts ni Janus na pinaniniwalaan ng marami na tumutukoy sa kanya.

Continue reading below ↓

Si Bea naman, sinabing ganun na lamang siya ipagtanggol ni Janus dahil sadyang “protective” daw sa kanya ang kanyang mga kaibigan.

Inamin din ni Bea na hindi pa niya napapatawad ang ex-boyfriend sa ginawa nito, pero wala rin naman sa pagkatao niya ang paghihiganti.

Sabi ni Bea: “It’s not about asking for forgiveness, it’s taking accountability and being responsible for your actions.”

Bea Alonzo, Janus del Prado, Gerald Anderson

Continue reading below ↓

LONG MEJIA, ELLEN ADARNA, DEREK RAMSAY, JOHN ESTRADA

Tinawag ng komedyanteng si Long Mejia na “unprofessional” at walang pakundangan sa mga katrabaho si Ellen Adarna nang mag-walkout daw ang aktres sa taping ng TV sitcom nilang John en Ellen.

Ang insidenteng ito—na nangyari sa isang resort sa Laiya, Batangas noong July 25, 2021—ang pinagsimulan ng palitan ng pahayag sa pagitan nina Long at Ellen, gayundin ng matalik na magkaibigang sina John Estrada at Derek Ramsay.

Si John ang line producer at isa sa mga bida ng John en Ellen, habang si Derek ang fiancé ni Ellen na sumundo sa aktres mula sa taping sa Batangas.

August 4, 2021 nang naghihimutok na kumpirmahin ni Long, sa eksklusibong panayam sa kanya ng PEP.ph, ang tungkol sa napabalitang walkout kahit una na itong pinabulaanan nina John at Derek at ng manager ni Ellen na si Danel Calixto.

Iisang paliwanag nina John, Derek, at Danel, tapos na raw kunan ang mga eksena ni Ellen nang lisanin nito ang set kaya hindi totoong nag-walkout ang aktres—taliwas sa kuwento ni Long.

Continue reading below ↓

Para kay Long, “pambabastos” sa kanilang mga katrabaho ang basta na lang pag-alis ni Ellen sa kalagitnaan ng taping kaya dapat daw na humingi ng tawad ang aktres sa kanilang mga kasamahan.

John en Ellen, Long Mejia, John Estrada, Ellen Adarna

ELLEN’S DEFENSE

Kinabukasan, August 5, idinaan ni Ellen sa Instagram comment ang pagpapahayag ng panig niya sa isyu nang akusahan siya ng ilang netizens ng kawalan ng malasakit sa production team ng sitcom nang umalis siya sa kalagitnaan ng taping.

Continue reading below ↓

Itinanggi Ellen ang akusasyon ni Long at iginiit na may napagkasunduang cut-off na ibinigay sa kanya ng araw na iyon “and even i extended it for another hour para walang masabi.”

Malinaw daw na may mga hindi nasabihan tungkol sa cut-off para sa kanya ng araw na iyon, ang last day ng taping, kaya inakala ng iba na nag-walkout siya.

Binigyang-diin din ni Ellen sa kanyang Instagram comment ang tungkol sa mga ipinatutupad na health protocols sa taping at ang istriktong pagtupad niya sa mga ito sa takot na rin niya sa COVID-19.

Sa huli, idiniin ni Ellen ang pagpapakahulugan niya sa pagiging unprofessional: “Violating IATF protocols and stripping me of my rights is unprofessional and unethical.”

LONG APOLOGIZES TO ELLEN

Nang araw ding iyon, binawi ni Long ang kanyang naging pahayag laban kay Ellen at sinabing hindi raw niya alam ang tungkol sa cut-off na napagkasunduan ng aktres at ng production heads.

Continue reading below ↓

Sa pamamagitan ng PEP.ph, naglabas ng video message si Long kung saan paulit-ulit siyang humingi ng tawad kay Ellen gayundin kay Derek.

Nakapagsalita lang daw siya ng hindi maganda laban kay Ellen dahil sa sobrang pagmamahal niya sa John en Ellen.

DEREK AND JOHN’S FRIENDSHIP

Pagsapit ng August 9, ibinunyag naman ni Derek sa vlog ni Ogie Diaz na tinuldukan na niya ang halos pitong taong pagkakaibigan nila ni John at hindi niya ikinailang ang isyu ni Ellen ang isa sa mga dahilan nito.

“Marami” raw kasing nangyari kay Ellen sa buong panahong ginagawa nito ang John en Ellen at nagsilbing “icing on the cake” na lang ang walang katotohanang walkout issue laban sa kanyang fiancée, ayon kay Derek.

Katunayan, plano raw ni Ellen na magsampa ng IATF violation complaint laban sa produksiyon ng John en Ellen dahil may mga health protocols daw na hayagang nilalabag sa taping, base sa kuwento ng aktres kay Derek.

Continue reading below ↓

Sa panig ni John, hangga't maari ay ayaw niya na sanang magbigay ng pahayag nang kunin ng PEP Troika ang reaksiyon niya sa pagputol ni Derek ng pagkakaibigan nila.

Para sa kanya ay kaibigan pa rin daw ang turing niya kay Derek, pero wala raw siyang magagawa kung nais na nitong umiwas sa kanya.

Sabi ni John: ''In time we'll be friends. I'm sure, we'll be playing golf again and we'll laugh about this and we'll move on.

"In time, we will fix this. To say na kaibigan pa rin ang turing niya sa akin, ako ang turing ko pa rin sa kanya ay kaibigan at may respeto ako sa kanya.

"Just give us time."

Kalaunan, sa exclusive interview ng PEP.ph kay Derek noong August 18, inamin niyang naibsan na ang galit niya kay John.

Ibinahagi ni Derek na siya ang nag-initiate na tawagan si John. Hindi raw nagbabago ang respeto niya sa kanilang friendship.

Continue reading below ↓

Ito ang reaksiyon ni Derek matapos makarating sa kanya ang sinabi ni John na kaibigan pa rin turing nito sa kanya.

Sabi ni Derek: “In time we'll be friends. I'm sure, we'll be playing golf again and we'll laugh about this and we'll move on. Just give us time.”

November 11, 2021 nang ikinasal sina Derek at Ellen. Wala si John sa pinakamasayang araw sa buhay ng kanyang kaibigan.

MARK HERRAS AND LOLIT SOLIS

Pera ang pinag-ugatan ng issue sa pagitan ng Kapuso actor na si Mark Herras at ng kolumnistang si Lolit Solis—at ang kontrobersiya, nauwi sa pagtatapos ng kanilang talent-manager relationship.

Kung tutuusin, lumaki ang usapin dahil sa pakikisawsaw ng netizens sa social media matapos ibunyag ni Lolit sa kanyang online show noong July 27 na nangutang sa kanya si Mark ng P30,000.

Gagamitin daw ang pera pambili ng gatas ng anak ni Mark sa noon ay fiancée pa lang niyang si Nicole Donesa.

Continue reading below ↓

Kuwento ni Lolit, dismayado siyang sa kabila ng matagal na sa showbiz si Mark ay nagagawa pa nitong manghiram ng pera, na para sa kolumnista ay napakaliit na halaga.

Bagamat pinahiram naman ni Lolit si Mark ng pera, sinermunan daw muna niya ang aktor kung paanong hindi nito sineryoso ang showbiz career kaya naman hindi nagawang makaipon.

RR COMES TO MARK’S DEFENSE

Nabalita sa media at kumalat sa social media ang pagbubunyag na ito ni Lolit laban sa sariling talent na naging dahilan para kuyugin ng bashers si Mark.

Pero ang dating host-dancer at ngayon ay vlogger-businesswoman na si RR Enriquez, si Lolit ang binatikos sa panghihiya kay Mark.

Hindi personal na magkakilala sina Mark at RR.

Sa Instagram post ni RR noong August 17, binira niya si Lolit sa panlalaglag sa sariling talent na nagtiwala sa kolumnista sa panahon ng kagipitan at kawalan ng malalapitan.

Mababasa sa post ni RR: “Sabihin natin may mali ‘yung tao, hindi nag-ipon. Naging pabaya nung time na kasikatan nya etc. pero kailangan mo ipangalandakan na wala syang 30k??? Bilang manager nya ilang milyon ba ang kinita mo sa kanya?? Para sa kapiranggot na 30k ipahiya mo sya ng ganyan?”

Continue reading below ↓

Ilang kapwa celebrities, gaya nina Dianne Medina, Alyana Asistio, at Zeinab Harake, at maraming netizens ang sumang-ayon kay RR.

‘GUILTY’ LOLIT CUTS TIES WITH MARK

Nakarating kay Lolit ang feedback ng netizens na ipinagtanggol si Mark at sa kanyang online show noong August 18, inamin ng talent manager na “medyo na-guilty” siya sa pamamahiya sa alaga.

Pero nagawa lang daw niya iyon dala ng galit bunsod na rin ng pagmamahal at concern niya kay Mark.

Pagsapit ng August 20, inianunsiyo ni Lolit na kumalas na siya bilang co-manager ni Mark at ipinauubaya na niya sa GMA Artists Center ang pagma-manage sa career ng aktor.

MARK’S ‘NANAY IN SHOWBIZ’

Halos isang buwang nanahimik si Mark sa issue hanggang sa tuluyan na siyang magsalita tungkol dito sa sarili niyang YouTube vlog noong September 12.

Bagamat tumanggi siyang sabihin ang tungkol sa kanyang kalagayang pinansiyal, na isang pribadong usapin daw para sa kanya, siniguro ni Mark na may pera sa bank account ng kanyang anak.

Continue reading below ↓

Sa hiwalay na panayam ng PEP.ph via Zoom, tumanggi si Mark na magdetalye tungkol sa issue pero inamin niyang ang natanggap niyang pamba-bash—at ang pandadamay ng bashers sa kanyang anak—ang pinakamatindi sa kanyang pinagdaanan.

Nilinaw naman ni Mark na wala siyang sama ng loob kay Lolit: “Si Nanay will always be my Nanay in showbiz. Hindi naman mawawala yun. Wala namang samaan ng loob.”

Nagpasalamat pa raw si Mark sa ipinaabot na pagbati si Lolit sa kasal nila ni Nicole noong September 8.

Mark Herras, Lolit Solis

Continue reading below ↓

SUZETTE DOCTOLERO, ANDOY RANAY AND JACLYN JOSE

Maliwanag ang anggulong TV network rivalry sa patutsadahan ng Kapamilya director na si Andoy Ranay at ng Kapuso creative writer na si Suzette Doctolero.

Nag-ugat ito nang mag-react si Suzette sa sinabi ni Direk Andoy sa isang interview na kahit walang prangkisa ang ABS-CBN, “world class quality” pa rin ang mga shows nito kumpara sa ibang “basura naman ang trabaho.”

Bagamat walang binanggit na network si Direk Andoy, may hinala si Suzette na ang dating pinakamatinding karibal ng ABS-CBN sa free TV na GMA-7 ang pinatutsadahan nito.

Sa serye ng Facebook posts ni Suzette noong July 13, walang preno ang kontra-patutsada ng writer laban sa ilang shows ng ABS-CBN.

‘BASURA’ AGAINST ‘WORLD CLASS’ SHOWS

Kasabay ng paninindigang “hindi basura!!!” ang noon ay ipalalabas pa lang na GMA primetime series na Legal Wives, kinontra ni Suzette ang aniya’y konsepto ng world class para sa ABS-CBN.

Continue reading below ↓

Pag-amin ni Suzette, “malayo” pa sa pagiging world class ang mga TV shows sa Pilipinas—kasama na ang sa GMA at ABS-CBN—kaya dapat daw na “hinay hinay sa pagda-down sa iba at pagyayabang” si Direk Andoy.

Saad sa post ni Suzette: “Ewan ko sa iba pero at least ang GMA ay walang yabang promo na pa-world class kuno kami. Ginagawa lang namin ang kaya naming gawin para magbigay aliw at minsan ay inpormasyon sa aming viewers.”

Binigyang-diin din ni Suzette na mas malawak ang mga temang itinatampok sa Kapuso shows at pinaninindigan ng GMA ang paggawa ng matatapang na kuwento habang inirerespeto ang kung anumang minority group na ibinibida sa programa.

JACLYN HURT BY ‘BASURA’ TAG

Nakahanap naman ng kakampi si Suzette sa katauhan ng Kapuso award-winning veteran actress na si Jaclyn Jose—na nagkataong malapit na kaibigan ni Direk Andoy.

Sa Instagram post ni Jaclyn noong July 14, ibinahagi ng aktres ang quote na: “I don’t fear the enemy who may attack me, I fear the fake friend who will still hug me.”

Continue reading below ↓

Sa caption, sinabi ni Jaclyn na nalulungkot siya dahil ramdam niyang ang GMA ang tinutukoy ni Direk Andoy sa pahayag nito tungkol sa network na may prangkisa nga pero “basura naman ang trabaho.”

Idinetalye ni Jaclyn ang hirap ng trabaho ng lahat ng bumubuo sa bawat Kapuso shows para “makapagbigay ng magandang programa na hindi (BASURA).”

Nang hingan ng pahayag ng PEP Troika si Direk Andoy noong July 15, pinili ng Kapamilya director na huwag patulan ang mga pahayag ni Suzette laban sa kanya at sa ABS-CBN shows.

Para naman kay Jaclyn, maiksi at malaman ang statement ni Direk Andoy: Kumare raw niya ang beteranang aktres kaya “she should know me better.”

Andoy Ranay, Jaclyn Jose, Suzette Doctolero

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Use these Zalora vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PEP Yearender 2021: Celebrity Word Wars include Aljur Abrenica accusing Kylie Abrenica cheating on him first, AJ Raval refuting speculations that she's the third party in Aljur-Kylie Split, and Cristy Fermin defending Aljur. Andoy Ranay's controversial statement about other networks' TV content prompted Suzette Doctolero and Jaclyn Jose into firing back.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results