Alexa Ilacad on finding out Brenda Mage’s harsh words against her: “Ang sakit talaga.”

by Bernie V. Franco
Dec 31, 2021
alexa ilacad brenda mage
Alexa Ilacad on Brenda Mage after the latter's unpleasant words against the actress: “Respeto pa din ang dapat manaig at kung siya wala siya nun, para sa akin that’s not my problem.”
PHOTO/S: YouTube (Kumu / Pinoy Big Brother)

Naglabas ng saloobin si Alexa Ilacad hinggil sa isyung pangba-backstab sa kanya ng fellow Pinoy Big Brother (PBB) housemate na si Brenda Mage.

Na-evict na sa PBB house si Alexa nitong December 26, 2021, kasama si KD Estrada.

Ngayong nakalabas na sa PBB house si Alexa, nakarating na sa kanya ang mga naging pahayag ng fellow housemates tungkol sa kanya.

Sa isang recent Kumu Live, diretsahang tinanong si Alexa kung ano ang sasabihin niya kay Brenda kapag nagkaharap sila sa outside world.

Naging kontrobersiyal kasi ang mga naging pahayag ni Brenda laban kay Alexa habang nasa loob sila ng PBB house.

Simula ni Alexa, ayaw sana niyang panoorin ang video clips ng PBB dahil ayaw nitong magbago ang tingin niya sa kanyang fellow housemates.

Pero kinailangan niyang manood dahil may kinalaman ito sa trabaho.

Kaya nalaman ni Alexa ang lahat ng pinagsasabi tungkol sa kanya ng kanyang fellow housemates, gaya ni Brenda.

Continue reading below ↓

“I know everything: the good, the bad, and the ugly,” ani Alexa.

Inamin ni Alexa na nasaktan siya sa kanyang mga narinig at napanood dahil wala siyang kamalay-malay na pinagpiyestahan pala siya.

“I’m not gonna lie and be hypocrite. And I will say na masakit. Ang sakit talaga,” sabi ng Kapamilya actress.

“Wala akong ka-ide-idea na para na pala akong pulutan sa Bahay ni Kuya.”

Ani Alexa, hindi niya agad malalapitan si Brenda. Hindi rin mabanggit ni Alexa ang pangalan ni Brenda, at sa halip ay tinukoy niya ito bilang “that person.”

“So, if I were to approach that person siguro it would take time. I think, for the other side kesa sa akin, kasi mabilis akong magpatawad.

“And I don’t like holding grudges. I think life is too short for all of that.”

Ipinunto ni Alexa na hindi magmumula ang problema sa kanya sakaling magkaharap sila ni Brenda.

Pagpapatuloy ni Alexa, “So, for me, if mag-apologize man siya o hindi, I will choose to be the bigger person, as always.

Continue reading below ↓

“And also, kung makita ko man siya, I’m a professional. I will be civil with that person.

“Respeto pa din ang dapat manaig at kung siya wala siya nun, para sa akin that’s not my problem.”

Ani Alexa, hindi pa siya lubusang nakakahabol sa lahat ng mga nangyari ngayong nasa outside world na siya.

“Parang andami-dami kong nakikita. Andami kong naririnig, hindi kaaya-aya.

“But at the end of the day, at least, alam ko sa sarili ko, ako, wala akong inapakan na tao o sinabihan nang masama. So, makakatulog ako doon.”

Sa isa pang hiwalay na recent interview, tinanong si Alexa kung sino sa mga nanatili pa sa PBB house ang gusto niyang maalis at palitan.

Pinangalanan ni Alexa si Brenda. Naging malaman ang paliwanag ni Alexa.

“Because I think na yung actions and yung words na nabitawan niya are not really Big Winner attitude. So, that’s just my opinion.”

Continue reading below ↓

Malaman pang hirit ni Alexa, ang “pagpapakatotoo puwedeng isabay sa pagpapakatao.”

BRENDA’S ACCUSATION VERSUS ALEXA

Bago ma-evict, may mga housemates na pinag-usapan si Alexa ng kapwa niya housemates dahil sa mga napupunang hindi maganda sa kanya.

Si Brenda, nakapagbitaw ng masasakit na salita tungkol kay Alexa kapag hindi nakaharap ang Star Magic talent.

Sa isang episode, may maaanghang na binitawang salita ni Brenda tungkol sa biglaang closeness nina Alexa at Eian Rances.

Ani Brenda, “nakakasuka” raw na biglang naging close sina Alexa at Eian, na nagsasabihan ng hindi maganda kapag nakatalikod ang isa’t isa.

Sarkastikong pahayag ni Brenda: “Dinaig ang Urian Awards, ang MMFF. Oscars ang aktingan!

“Grabe, gusto ko itanong kung saan sila nagwo-workshop sa galing nila umarte.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Alexa Ilacad on Brenda Mage after the latter's unpleasant words against the actress: “Respeto pa din ang dapat manaig at kung siya wala siya nun, para sa akin that’s not my problem.”
PHOTO/S: YouTube (Kumu / Pinoy Big Brother)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results