Watch Now

Anjo Yllana reveals money issue on his decision to withdraw congressional bid in CamSur

by Gorgy Rula
Dec 31, 2021
Anjo Yllana on being betrayed by his "katiwala": “Hindi ‘to maaayos kasi dini-deny nila, e. Sabi ko nga sa ‘yo, gumagawa pa sila ng kuwento. Ang pinakamalala rito, hindi ko na sila kakausapin habang buhay. Yung one month na nasa kuwarto lang ako, iniisip ko, 'Bakit nagawa niya sa akin ‘to? Para saan nila gagamitin yung ninakaw nila?'"
PHOTO/S: PEP Source

Masamang-masama ang loob ni Anjo Yllana sa isang taong napakalapit sa kanya dahil sa isyu sa pera.

Sa panayam namin sa actor-TV host sa aming programa sa DZRH nung Huwebes ng gabi, December 30, inilabas niya ang saloobin nang nalaman ang ginawa ng taong pinagkatiwalaan niya pagkatapos iatras ni Anjo ang kanyang kandidatura bilang congressman ng fourth district ng Camarines Sur.

Sa kanyang Facebook post, sinabi ni Anjo na kaya siya nag-withdraw ng candidacy dahil hindi maganda ang lagay ng kanyang kalusugan pagkatapos niyang magka-COVID.

Pahayag niya sa panayam namin kahapon, “Nung nagka-COVID kasi ako nung October, after that, one month na nakakaramdam pa rin ako ng medyo kakaiba.

“Actually, ngayon nga, sabi ko sa doktor ko, may acid reflux ako saka yung aking asthma.

“May asthma na kasi ako before pa. Napansin ko na parang mas lumalala. Pero sa tingin ko, kaya ko pa naman.

“That was secondary.

"Pero the main reason kung bakit ako umatras din, medyo hindi kasi maganda ang nangyari sa akin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang tinutukoy ni Anjo na hindi magandang nangyari sa kanya ay may kinalaman sa pondong ginagamit niya kapag nag-iikot siya sa buong fourth district ng CamSur.

Madalas ay kinakapos daw siya, at ang pondong ginagamit niya ay nanggagaling sa kanyang "sponsor."

Pahayag ni Anjo, “To tell you honestly, I have a working budget, kasi merong tumutulong.

"Merong nagri-receive nito o kumukuha. Hindi ko naman pinapakialaman kung magkano ang hawak nila."

THE "SPONSOR" AND THE "KATIWALA"

Ang involved sa kuwentong ito ni Anjo ay ang "sponsor" sa kanyang pagtakbo. Mayroon din siyang binanggit na "katiwala" kumakausap umano sa "sponsor" na nagbibigay ng pondo sa kanyang pagtakbo.

Nang magdesisyon si Anjo na tumakbo sa CamSur, kinausap daw siya ng "katiwala" niya na mayroon silang "sponsor" na sasagot ng gagastusin sa pag-iikot niya sa distrito.

Ang pangako raw kay Anjo ay bibigyan siya ng mahigit P500,000 monthly, katapat ng buwanang suweldo ng actor-TV host sa iniwan niyang programang Happy Time sa Net 25.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero ang tumatanggap daw ng pondong yun ay ang "katiwala" niya, at ito ang ginagamit tuwing bumababa si Anjo para harapin ang mga taga-fourth district ng CamSur.

“Apparently, nakakalungkot man, nung six months na ako ay bumababa at nagpapakilala, at ipinapaalam sa tao ang aking plataporma, at salamat nga sa mga taga-fourth district ng Camarines Sur dahil napakainit at welcome na welcome ako sa kanila.

“Unfortunately, yun nga… medyo sabihin na natin para madali, ninakaw yung pera,” medyo nag-atubiling saad ni Anjo.

Dagdag pa niya, “Monthly kasi, yung sponsor ko, may ibinibigay na budget… hindi ko alam kung magkano eksakto yun. Basta ako, kung ano ang kailangan ko, hinihingi ko.

“So, six months nangyari yun. Nung ika-sixth month na, parang hirap na ako. Kasi pag bumababa ako, siguro minimum of six barangays ang binibisita ko.

“Doon sa pondo na nakukuha, parang nauubusan ako.

“Marami sa mga taga-fourth district ng CamSur na nangangailangan ng tulong. Siyempre pag nangangailangan ng tulong, kakausapin ka, ganyan-ganyan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ako naman, pag may humihingi ng tulong, kahit hindi masyadong malaki, nagbibigay ako. Ayoko ng 'pasensiya na wala pa akong pera.'

"Yung ibang niri-request ko, kulang daw sa budget.

“Sa distritong tinatakbuhan ko, meron akong sampung mayor, sampung vice mayor, councilors, may 300 barangays, so merong 300 barangay captains.

“Dumating na ako sa point na supposedly na budget ko… meron kasing ipinangako sa aking filing bonus,” pagtatapat ni Anjo.

Itong sinasabi niyang filing bonus ay ipinangako raw ng "katiwala" ni Anjo na hindi naman daw naibigay sa kanya.

“Ito yung pag-file mo ng candidacy, may bonus ka.

“Ayokong sabihin ang amount, pero ang ipinangako sa akin, nung June pa. Ilang months na yun.

“Malaking bagay din kasi kung meron kang pera sa bulsa… lalo na sa lugar namin sa fourth district, 62 percent na kasi ang poverty rate dun, e,” saad ni Anjo.

DECISION TO WITHDRAW

Dahil sa problemang ito, nag-decide si Anjo na umatras at magpa-substitute na lang siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagpaalam na raw siya sa kapartido niyang si Congressman L-Ray Villafuerte at ipinaliwanag niya ang problema.

Lahad ni Anjo, “Nung feeling ko na hindi ko na kayang tumuloy, kasi kung laway lang ang puhunan ko, na hindi man lang ako makabili ng T-shirts pagdating ng 45 days [campaign]… meron supposed to be pantulong na budget, parang malabo na.

“Yung ipinangako sa akin na filing bonus, more than one month na, wala pa, tapos hindi na raw sila babalik ng November.

“Feeling ko, parang niloloko na ako.

“Kaya sabi ko, yung ganung request ko, wala, sabi ko kay Sir L-Ray Villafuerte. Sabi ko, ‘Boss, hindi ko yata kaya na ituloy ‘to. Kaya baka puwedeng habang maaga pa, i-substitute niyo na lang ako.'

“Kasi, hindi ko kayang ituloy ‘to, kasi yung pondo na nakalaan sa akin… sabi ko nga na may sponsor ako… pasensiya na, hindi ko kaya.”

Pagkatapos niyang mag-withdraw, doon na raw nalaman ni Anjo ang buong pangyayari. Sinabi raw sa kanya ng campaign manager niya kung magkano ang eksaktong halaga na ibinigay ng kanilang "sponsor" sa kanyang "katiwala."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Salaysay ni Anjo, "After na nung nagpa-substitute ako, nung pumayag na si Sir L-Ray, nung pagkatapos nun, nakausap ko yung campaign manager ko, na siya rin ang nag-aano sa tao na kumukuha ng pondo, yung sa katiwala ko.

"Nagulat ako, kasi medyo malaki pala yung ibinibigay buwan-buwan.

“Ang sabi niya sa akin, 'Hindi ko alam kung saan napupunta yung nabibigay ko kasi hindi ko nakikita.' Nung sinabi niya yung amount, nagulat ako, kasi meron naman palang pondong gagamitin… yun nga raw ang ipinagtataka niya.

“Siguro ang pagkakamali lang ng campaign manager ko, dapat maaga pa lang sinabi na niya sa akin na parang hindi yata nagagastos yung ano.

“Dapat maaga pa lang sinabi na niya. Kinausap niya ako, after na, e.

“Kaya nga, ang feeling ko, baka pagdudahan pa kami na baka pinaghatian namin yung pera."

Himutok pa ni Anjo, “Yung nagpa-substitute ako dahil wala akong nagagamit na pondo, yun pala, meron naman palang pondo, at marami. Sobra yun sa pagbaba ko araw-araw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ang sama ng loob ko dun sa katiwala ko, kasi hindi ko akalaing magagawa niya sa akin ‘to.”

ANJO'S NEXT MOVE

Ayaw munang banggitin ni Anjo kung sino itong "katiwala" niya, pero malapit daw ito sa kanya kaya sobra siyang nasaktan.

“Hindi ko mabanggit ang pangalan nung dalawa… pero magsyota ito.

“Hanggang ngayon, hindi pa kami nag-uusap ng magsyotang yun!” natatawa niyang pakli.

Sabi pa ni Anjo, “Nung nalaman ko yun, siyempre nanghina ako, sumama ang loob ko, kasi katiwala, e. Never ko nga iniisip na magagawa sa akin.

“Tumahimik lang ako nun, nagkulong ako sa kuwarto ng isang buwan.

“Nagalit ako nun. Nag-post ako sa FB pero tinanggal ko na rin.

"Sabi ko, hindi naman ako ganitong klaseng tao."

Sa ngayon ay hindi raw naiisip ni Anjo na paabutin pa ito sa demandahan dahil maraming madadamay.

“Hindi ko pa alam, e. Kasi kung mag-file ako ng kaso… unang-una yung mga evidence. Number two, siyempre yung mga taong involved, daming madadamay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ayoko namang istorbohin si L-Ray sa kaso, hindi naman niya kasalanan.

"Yung campaign manager ko na medyo kilala siya dun, ayoko nang i-involve sila.

“Nakakahiya kasi ida-drag ko pa sila dito sa kaso,” aniya.

Wala rin daw balak si Anjo na makipag-usap at ayusin pa ito, dahil itinatanggi ito ng mga "katiwala" niya.

“Hindi ‘to maaayos kasi dini-deny nila, e. Sabi ko nga sa ‘yo, gumagawa pa sila ng kuwento.

“Ang pinakamalala rito, hindi ko na sila kakausapin habang buhay.

“Yung one month na nasa kuwarto lang ako, iniisip ko, 'Bakit nagawa niya sa akin ‘to? Para saan nila gagamitin yung ninakaw nila?'

"Na pati yung sa pamilya ko… para sa pamilya ko yung suweldo ko, e, na kinakaltasan nila ng 160,000. Parang hindi na sila nakonsensiya. Mga anak ko na apektado, e.

"Kaya masakit na masakit sa akin.

“Pag ni-reveal ko ang pangalan nila, marami ang masasaktan. Marami ang maaapektuhan, at tapos ang career nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kaya ako, kumbaga, nagdadasal din ako araw-araw. Kaya lang minsan, napu-provoke ako pag may naririnig din ako na… ako na nga ang biktima, ako pa ang lumalabas na masama.

"Never ko nakita yung perang 'yan, never," diin ni Anjo.

Ito raw ang dahilan kay nag-decide si Anjo na putulin na ang ugnayan niya sa taong ito, at pati na rin sa ibang malapit sa kanya na kumampi sa taong tinutukoy niya na itinuring pa raw niyang "katiwala."

“Kagabi, when I broke ties dun sa mga nakasakit sa akin… kasi nakipag-break tie na ako. Yung mga kasama niya kasi, siya rin ang pinaniwalaan, hindi ako.

“Sabi ko, masyado nang masakit para sa akin. Dun pa sila naniwala.

“Bigla namang lumabas yung message ni Janno na sabi raw ni Boss Vic [del Rosario], puwede na raw akong bumalik sa Viva.”

Si Janno Gibbs daw ang tumutulong sa kanyang maging active muli sa pag-aartista.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Balak niyang magpa-manage sa Viva Artists Agency, at nagpapasalamat siya kay Janno na umaalalay sa pagbabalik-showbiz niya.

“Happy ako na si Janno, na parang kapatid ko na, siya ngayon ang tutulong sa akin.

“Ang sarap ng pakiramdam nung friendship namin,” seryosong pahayag ni Anjo.

Kasama si Anjo sa Netflix movie na Will You Marry ng MAVX Productions.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Anjo Yllana on being betrayed by his "katiwala": “Hindi ‘to maaayos kasi dini-deny nila, e. Sabi ko nga sa ‘yo, gumagawa pa sila ng kuwento. Ang pinakamalala rito, hindi ko na sila kakausapin habang buhay. Yung one month na nasa kuwarto lang ako, iniisip ko, 'Bakit nagawa niya sa akin ‘to? Para saan nila gagamitin yung ninakaw nila?'"
PHOTO/S: PEP Source
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results