PEP YEARENDER 2021: Top 10 Newsmakers

Geneva Cruz, Nicole Hyala, and Kim Atienza make it to PEP.ph's Top Newsmakers.
by Rachelle Siazon
Jan 3, 2022
PEP Yearender 2021: Top 10 Newsmakers, Geneva Cruz, Kim Atienza, Nicole Hyala, Christine Dacera
Geneva Cruz (in bikini), Nicole Hyala and husband Renly Tiñana (crying), Kim Atienza (with hat), and Christine Dacera (holding a wine glass) are among the Top Newsmakers based on PEP Yearender 2021 report. Dubbed as the Top 5 boys, Valentine Rosales, Clark Rapinan, Rommel Galido, Gigo de Guzman and JP dela Serna are the friends of Christine who were with her when she passed away.
PHOTO/S: Instagram / YouTube

Ipiniprisinta ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang Top 10 Newsmakers na tinutukan ng PEPsters sa taong 2021.

Ilan dito ay bahagi ng series of articles o developing stories tungkol sa mga maiinit na balita sa showbiz.

Liban sa isang non-celebity news story na sadyang naging national issue kunsaan dawit ang anak ng isang kilalang OPM singer.

Ang selection criteria ng yearender report na ito ay base sa sampung headlines na nakakuha ng pinakamataas na page views sa PEP.ph website.

1. GENEVA CRUZ ON VULGAR COMMENTS THROWN AT HER

Kung pinalalampas ng ibang artista ang pandadalahira ng bashers, hindi ito uubra kay Geneva Cruz.

February 2021 nang batikusin ng ilang bashers ang aktres sa ipinost niyang bikini photo sa Instagram.

Sabi sa rude comments, “ang itim ng singit” o di kaya ay mukhang “thick pubes” daw ang nasa may babang bahagi ng bikini bottom ni Geneva.

Hindi inatrasan ni Geneva ang bashers.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I have no idea what you’re saying, but I think it’s called #IDGAF (I don’t give a fuck) what you’re imagining.

"Hope your gaudy sense of humor makes you pretty. (ghost, kissing face with smiling eyes emojis),” buwelta ng singer-actress.

Ipinunto rin ni Geneva na hindi niya naisip i-edit sa Photoshop ang kanyang litrato dahil kumpiyansa siyang ang sinasabing “ang itim” sa singit niya ay “shadow” lamang.

Wala raw siyang dapat ikahiya lalo pa’t ang kanyang “groin” ay konektado sa “organ” na nagluwal sa kanyang dalawang minamahal na anak.

Mas nakakahiya pa raw ang bastos na bashers.

Diin ni Geneva, "I feel sorry for your mother because she raised a prick."

Geneva Cruz

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

2. NICOLE HYALA’S AILING DAUGHTER

Isang inspirational story ang dala ng miraculous recovery ng anak ng disc jockey na si Nicole Hyala at mister na si Renly Tiñana.

Ang eight-year-old daughter nilang si Princess ay nagkasakit ng meningoencephalitis, o inflammation sa brain at sa protective membranes nito.

Nagsimula ito sa simpleng lagnat, pero lumala ang kalagayan ni Princess na na-confine sa ospital nang higit isang buwan.

Sa loob ng panahong iyon ay tatlong linggong nasa Intensive Care Unit si Princess, na hindi na nakikilala ang mga magulang dahil sa tindi ng sakit nito.

Sa vlog ni Nicole noong Hunyo 7, 2021, iyak siya nang iyak habang idinedetalye ang lubos na pag-aalala lalo na't tanging mga doktor at nurse lamang ang pinapayagan sa loob ng ICU kaya nakikibalita lamang sila sa mga ito.

"Imagine her na nasa ICU, madaming tubong nakakabit. Tapos nanginginig lagi. May tremor siya mula shoulders hanggang kamay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Every two hours, siguro nakukulitan na sa amin taga-ICU, pero nagpapasalamat ako sa tiyaga nila sa amin,” kuwento ni Nicole.

Pinakasukdulan ay nang makatanggap sila ng tawag sa doktor na nagsasabing mababa ang heart rate at hindi nagigising nang maayos si Princess kaya kailangan nitong sumailalim sa ilan pang tests.

Tuluy-tuloy ang puspusang pagdadasal ng mag-asawang Nicole at Renly.

Pero sa puntong iyon, hindi raw sinabi ni Renly kay Nicole, pero kahit masakit sa kanya ay isinuko na niya ang anak sa anumang plano ng Panginoon para rito.

Nahihikbing kuwento ni Renly: "Lumuhod ako sa hallway ng condo. 'Ikaw na bahala. Hindi na namin alam, e. Sige, Lord, i-offer ko kung anong dapat.'

"Pero takot na takot ka bumitaw kasi anak mo yun. Sabi ko talaga sa isip ko, 'Okay, bibitaw ako para sa anak ko kaysa nahihirapan siya.’”

Kaya ganoon na lamang ang saya ng mag-asawa nang makatanggap ng positive news mula sa doktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagising si Princess at biglang nakakakilala na.

Dagdag ni Nicole, "Si Princess, hinawakan niya kamay ng doctor, mahigpit. Nakatingin sa doctor, it's as if she's saying that she's fine.

"Sabi namin, ‘Ano ito? Is it milagro?’”

Gradual ang paggaling noon ni Princess, pero sobra-sobra ang pasalalamat ng mag-asawa sa Diyos nang tuluyan nilang malampasan ang delubyong dinanas ng kanilang pamilya.

Hindi raw sila pinabayaan ng mga mahal sa buhay at mga kaibigang nagdasal para sa kanila.

Dagdag pa rito ang hospital bill nila na umabot ng P2.3 million ay P39,000 lang ang sinettle nila dahil sa kanilang nakuhang insurance.

Nicole Hyala, Renly Tiñana

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

3. LE CHAZZ’S DEATH

Ang biglaang pagkamatay ng stand-up comedian na si Le Chazz ay tinutukan din ng PEPsters.

Richard Yuzon sa Tunay na buhay, si Le Chazz ay kilalang dating Wowowin co-host.

Napanood din siya sa gag shows ng ABS-CBN na Banana Split: Extra Scoop noong 2011 at Banana Nite noong 2013.

Natagpuan siyang walang buhay sa kanyang tahanan sa Kamuning area sa Quezon City noong May 1, 2021.

Si AJ Tamiza, ang kaibigan, kapwa stand-up comedian, at kapareha ni Le Chazz sa lahat ng mga gig nito, ang nagkuwento sa eksklusibong panayam ng Cabinet Files na pumanaw si Le Chazz dahil sa kumplikasyon sa sakit na diabetes.

Pumayat daw ito dahil “na-stress at na-depress” dala ng COVID-19 pandemic.

Wala nang buhay si Le Chazz nang matagpuan siya ni AJ, na dinalhan niya ng pagkain bandang alas-kuwatro ng hapon noong May 1.

Ayon kay AJ, tanging ang half-sister ni Le Chazz ang katuwang niya sa pag-aasikaso ng wake at libing ng pumanaw na dating Wowowin co-host dahil wala itong ibang pamilya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naging emosyunal pa si AJ dahil may iniwan si Le Chazz na hand-written poem para sa kanya na tila premonition ng pamamaalam nito.

Ang half-sister daw ni Le Chazz ang nakakita ng sulat nang nagliligpit ito sa kuwarto ni Le Chazz.

Sabi isa isang bahagi ng tula: “Subalit ‘wag kang mag-alala

“Pagkat ang puso ko’y ay umalis na puno ng ligaya at kasiyahan

“Ang buhay natin ay talagang ganyan...

“May mauuna at maiiwan.”

Le Chazz

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

4. CHRISTINE DACERA’S DEATH

Ang pagpanaw ng 22-year-old flight attendant na si Christine Dacera ay naging national issue noong 2021.

Natagpuang walang buhay si Christine sa bathtub ng isang hotel sa Makati City noong January 1, 2021.

Ang Philippine National Police ang nagsapubliko ng insidente na binansagan nilang “rape-slay case.”

Pero kinalaunan, napatotohanang walang insidenteng rape na naganap sa New Year salubong party na dinaluhan ni Christine at ng 11 gay men na nakasama niya sa nirentahang hotel room.

April 27, 2021—o lampas tatlong buwan mula nang pumutok ang balita—nang ibasura ng Office of the Prosecutor ng Makati ang reklamong rape with homicide na isinampa ng pamilya ni Christine laban sa 11 respondents.

Kabilang dito ang tinaguriang “Top 5 boys” na mga huling nakasama ni Christine noong umaga ng January 1—sina Gregorio "Gigo" de Guzman, Alain Chen aka Valentine Rosales, Rommel Galido, John Paul dela Serna III, at Clark Rapinan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sina Valentine, Rommel, JP, at Clark ay mga kabarkada ni Christine habang si Gigo ay inimbitahan ni Rommel sa kanilang New Year's Eve party.

Ang iba pang pinangalanang respondents ay sina Mark Anthony Rosales, Reymar Englis, Louie Delima, Jamyr Cunanan, John Paul Halili, at Eduard Pangilinan III (naunang natukoy bilang Ed Madrid).

Sa kasagsagan ng kontrobersiya noong Enero, ang tinutukan ng PEPsters ay ang ulat hinggil sa nakalap na dalawang screengrab ng CCTV footage kunsaan makikita ang mga huling sandaling buhay pa si Christine.

Ang dalawang screengrab ng CCTV footage sa loob ng hotel—na may time stamp na 11:38 p.m. ng December 31, 2020 at 3:22 a.m. ng January 1, 2021—ay nakalap ng GMA News mula sa hindi pinangalanang source noon.

Makikita roon na namataang tumatawid si Christine papunta sa kalapit na hotel room kunsaan may guests na ipinakilala ng isa sa mga kagrupo ng dalaga.

Malaking balita ang CCTV footage ng hotel dahil isa ito sa mga nagamit sa imbestigasyon ng pulisya kung ano nga ba ang naganap ilang oras bago namatay si Christine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa panayam ni Boy Abunda, sinabi ng legal counsel ng Top 5 boys na hindi pa tapos ang legal battle na kinahaharap ng kanyang mga kliyente.

Naghain daw ng apela ang pamilya ni Christine hingil sa pagkamatay ng flight attendant.

5. KIM ATIENZA'S TWEET ABOUT ABS-CBN

Ang paglipat ni Kim Atienza sa GMA-7 makalipas ang 17 taong serbisyo sa ABS-CBN ay naging laman ng headlines ng 2021.

Isa sa pinakapinag-usapan ay ang batikos sa kanya ng Kapamilya fans na wala raw siyang utang na loob sa ABS-CBN na "nagpasikat" at "nagpayaman" sa kanya.

Tweet ng netizen: "Sino si @kuyakim_atienza kung wala ang ABS na nagpasikat at nagpayaman sa kanya?"

Diretsahan itong sinagot ni Kuya Kim.

Aminado si Kuya Kim na nakilala siya dahil sa iba-ibang programa niya sa ABS-CBN sa loob ng 17 taon.

Ilan sa mga kinabilangan niyang programa: TV Patrol, Matanglawin, It's Showtime, at Umagang Kay Ganda.

Pero hirit niya, "Amen sa nagpasikat pero mayaman ang napangasawa ko way before ABS.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kuya Kim became known because of ABS yes."

Ang asawa ni Kuya Kim na si Felicia Hung Atienza ay isang Taiwanese entrepreneur.

Siya ay president, CEO, at founder ng Chinese International School Manila mula 2007 hanggang sa kasalukuyan.

Ayon pa sa linkedin ni Felicia, president at CEO rin siya ng Domuschola International School mula 2018 hanggang kasalukuyan.

Nagtapos si Felicia ng Finance & Multinational Management sa Wharton School ng University of Pennsylvania.

Sa panayam ng PEP.ph noong October 2021, sinabi ni Kuya Kim na, "Whatever you do, whatever you say, palaging merong hater."

Hindi siya apektado sa kanyang detractors.

Hindi raw niya sinasala ang kanyang social media dahil kaya niyang deadmahin ang troll, sagutin ang bashers kung kinakailangan, o magbigay ng trivia para lang may konti raw katatawanan.

Sa kaso ng paglipat niya sa GMA-7, iginiit din noon ni Kuya Kim na maayos siyang nagpaalam sa ABS-CBN bosses at colleagues niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

6. JOSHUA AQUINO ON GRIEVING OVER PNOY

Newsmaker din ang panganay na anak ni Kris Aquino na si Joshua Aquino.

Kaugnay ito ng pagpanaw ni dating Pangulong Benigno Aquino III, o kilala sa palayaw na Noynoy o PNoy.

Binawian ng buhay si Noynoy noong June 24, 2021.

Si Viel Aquino, kasama ng mga kapatid na sina Ballsy at Kris, ang nagkumpirma na mapayapang pumanaw si Noynoy habang ito ay natutulog sa bahay nito sa Times Square St. sa Quezon City.

Ang official cause of death nito noong 6:30 a.m. ng June 24 ay renal disease secondary to diabetes.

Ang reaksiyon ng pamangkin ni Noynoy na si Joshua Aquino ay naging laman ng balita dahil hindi kailangang malapit ito sa tiyuhin.

Mismong si Kris ang nagsasabing si Noynoy ang tumayong father figure ni Joshua.

Ang pagdating ni Joshua sa Times Street mula sa Tarlac ay nakunan ng media.

Sa hometown ng pamilya Aquino sa Tarlac piniling manirahan ni Joshua mula noong December 2020. At nakakasama niya sa bahay nila doon ang tiyuhing si Noynoy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

7. WEDDING OF CONGRESSWOMAN CLAUDINE DIANA BAUTISTA

Pasok sa top newsmakers ang kasal ni Congresswoman Claudine Diana "Dendee" Bautista sa childhood friend at schoolmate na si Jose French “Tracker” Lim.

Si Bautista ay representative ng party-list na Drivers United for Mass Progress and Equal Rights o DUMPER.

August 15, 2021 nang maiulat ang tungkol sa kasal ni Bautista nang punahin ng ilang netizens ang anila'y magarbong pagpapakasal niya sa gitna ng pandemya.

Kinuwestiyon ng isang netizen kung mayroon daw ba itong vaccination program sa mga nirererepresenta nitong drivers.

Ni-repost ito sa Twitter nina Agot Isidro, Enchong Dee, Pokwang, at Ogie Diaz na nag-iwan din ng kani-kanilang opinyon hinggil sa isyu.

Napuna ang mamahaling gown ni Bautista na gawa ng international fashion designer na si Michael Cinco.

Ayon pa sa ibang netizens, insensitive daw na mag-flaunt ng yaman habang marami ang naghihikahos dala ng pandemya.

Pero depensa ni Bautista, wala siyang intensiyong lumikha ng publicity dahil pribado ang kanyang kasal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naisapubliko lamang ito matapos i-post ni Cinco sa Instagram ang ilang litrato ni Bautista suot ang wedding gown na nilikha niya.

Paglilinaw pa ni Bautista, nagkamali raw si Cinco sa pag-post ng tungkol sa kanyang kasal at humingi na raw ito ng dispensa sa kanya.

"We both found many of the comments heartbreaking.

"This celebration of love was a product of my husband’s hard work," saad ni Bautista tungkol sa iniregalo sa kanya ng mister na "wedding of my dreams."

Ang mister ni Bautista ay isang negosyante at anak ng may-ari ng siyam na car dealerships sa Davao.

Kaugnay ng isyu, nagsampa si Bautista ng P1-billion cyber libel complaint kay Enchong at sa netizen dahil daw sa mapanirang salita na binitiwan ng mga ito laban sa kanya.

Claudine Bautista, Enchong Dee, Agot Isidro, Ogie Diaz, Pokwang

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

8. JANE DE LEON'S WARDROBE MALFUNCTION

Humabol sa newsmakers ang wardrobe malfunction na naranasan ni Jane de Leon sa live telecast ng ABS-CBN Christmas Special noong December 18, 2021.

Nangyari ang insidente sa closing number ng show kunsaan kinanta nila ang Christmas station ID theme song na "Andito Tayo Para sa Isa’t Isa."

Hindi nakunan ng camera ang mismong wardrobe malfunction ni Jane.

Pero agaw-eksena ang hindi inaasahang pagyakap ni Jane kay Joshua Garcia sa kanilang production number.

Nang ipakita ang end credit, makikitang nasa likod ni Joshua si Jane, habang ang kanang braso ng aktres ay nakaakbay sa may leegan ng aktor.

Hindi iyon nakaligtas sa netizens na kinilig para sa dalawa na parehong single sa tunay na buhay.

Si Joshua ay co-star ni Jane sa upcoming TV remake ng ABS-CBN ng Mars Ravelo's Darna.

Pero matapos ang ABS-CBN Christmas Special, ipinaliwanag ni Jane via Twitter na nagtago siya sa likod ni Joshua para hindi makita ang kanyang wardrobe malfunction.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lumabas na napigtas ang right strap ng dress na suot ni Jane.

Nang balikan ng netizens ang episode, napansin nilang napahawak nga si Jane sa itaas na bahagi ng kanyang damit na waring iniingatan itong huwag mahulog.

Jane de Leon

9. PERSON OF INTEREST IN CHRISTINE DACERA CASE

Isa pa sa mga balita na tinutukan ng taong-bayan noong 2021 ay ang paglantad ng mga person of interest sa imbestigasyon ng pagpanaw ni Christine Dacera.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bukod kasi sa 11 respondents na bisita sa hotel room (Room 2209) na nirentahan ng grupo ni Christine, may mga nakilala silang guests mula sa kalapit na hotel room (Room 2207).

Partikular na rito ang basketball player na humarap sa tanggapan ng National Bureau of Investigation noong January 14, 2021.

Noong panahong iyon ay malaki kasi ang kuryosidad ng taong-bayan kung sinu-sino ang mga nakasalamuha ni Christine.

Sa panayam ng GMA News, sinabi ng basketball player na wala siyang nakitang kakaiba nang araw na mamatay si Dacera.

Wala rin daw itong kilala sa grupo ni Christine mula sa Room 2209.

Siniguro naman ng basketball player sa mga awtoridad na siya ay handang ibigay ang kanyang kooperasyon sa imbestigasyon.

Sa salaysay ng mga kagrupo ni Christine mula Room 2209, nakilala nila ang mga taga-Room 2207 dahil isa sa mga taga-2207 ay may isang kakilala sa mga taga-Room 2209.

Nag-parlor games sila sa Room 2209 noong New Year's Eve, pero bumalik din dawaang grupo nina Christine sa kanilang sariling hotel room.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero sa paglipas ng hatinggabi hanggang sa pasado alas sais ng umaga ng January 1, nahagip sa CCTV na may ilang beses na pagtawid ng ilan sa mga tiga-Room 2209 sa Room 2207 kabilang si Christine.

Base sa salaysay ng kaibigan ni Christine na si Rommel Galido, matapos makalaro ng parlor games ng kanilang grupo ang mga taga-kabilang hotel room ay napansin ng dalaga ang isang "straight guy" doon.

Nabanggit din ng isa pang kagrupo ni Christine, si Valentine Rosales, na itinuro rin sa kanya ng dalaga ang tinutukoy nitong "straight guy" na isa raw "basketball player."

Likas daw na friendly si Christine at ito rin daw ang nag-aya na makipagkaibigan sa mga taga-Room 2209 kaya sila naglaro ng parlor games doon.

Noong January 27, 2021, idineklara ng Philippine National Police na walang foul play sa insidente ng pagkamatay ni Christine.

Base sa pagsusuri ng medico-legal report ng PNP ay nakasaad na "natural" ang cause of death ng dalaga na "ruptured aortic aneurysm" sanhi ng pagtaas ng blood pressure.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

christine dacera, basketball player

10. JOHNNY MANAHAN ON LEAVING ABS-CBN

Kasama sa newsmaker ng 2021 ang tahasang pahayag ni Johnny Manahan tungkol sa kanyang pag-alis sa ABS-CBN.

Si Manahan, o kilala sa showbiz circles bilang Mr. M, ay co-founder ng Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN.

Kilala rin siya bilang director na humulma sa mga kilalang shows sa ABS-CBN tulad ng Palibhasa Lalake (1987-1998), Abangan ang Susunod Na Kabanata (1991-1997), Home Along Da Riles (1992-1997), at Oki Doki Doc (1993-2000).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Siya rin ang naghulma ng ASAP, ang long-running Sunday musical-variety show ng ABS-CBN, na nagsimula noong 1995 at umeere pa rin hanggang sa kasalukuyan.

Noong January 19, 2021, humarap si Mr. M sa magkasunod na eksklusibong Zoom interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba-ibang online sites ng Summit Media.

Ayon kay Mr. M, ang isa sa nag-udyok sa kanyang bumitiw sa puwesto ay ang pagtayo ng "shadow talent center" na hiwalay sa Star Magic, na dinala niya sa management upang ayusin.

Pakiramdam ni Mr. M at ng staff ng Star Magic ay unti-unting nawawalan ng pool of talents ang kanilang agency dahil dito.

Ganoon din daw ang saloobin ng mga katrabaho ni Mr. M sa Star Magic at pati na rin ibang artista rito.

Pero hindi raw nasolusyunan ng ABS-CBN management ang isyung dinulog niya.

Hanggang sa naramdaman daw ni Mr. M na, "Maybe time to go."

Sabi pa niya sa panayam ng Summit editors, "So I just dropped the hat."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Mr. M ay chairman emeritus ng Star Magic bago siya umalis ng network noong 2020.

Sinubukan ng PEP.ph na hingan ang reaksiyon ng pamunuan ng ABS-CBN hinggil sa mga naging saloobin ni Mr. M, pero tahimik ang Kapamilya network hinggil dito.

October 18, 2020 hanggang January 17, 2021 umere sa TV5 ang Sunday Noontime Live, na hinulma ni Mr. M at iprinodyus ng Brightlight Productions.

Noong July 12, 2021, lumipat si Mr. M sa GMA-7 bilang consultant ng GMA Artist Center, ang talent management arm ng Kapuso network.

Ang GMA Artist Center ay nilunsad nitong December 31, 2021 sa bago nitong brand name na Sparkle.

Johnny Manahan

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Geneva Cruz (in bikini), Nicole Hyala and husband Renly Tiñana (crying), Kim Atienza (with hat), and Christine Dacera (holding a wine glass) are among the Top Newsmakers based on PEP Yearender 2021 report. Dubbed as the Top 5 boys, Valentine Rosales, Clark Rapinan, Rommel Galido, Gigo de Guzman and JP dela Serna are the friends of Christine who were with her when she passed away.
PHOTO/S: Instagram / YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results