Kris Aquino confirms initiating breakup with fiancé Mel Sarmiento because of her health

by Rachelle Siazon
Jan 4, 2022
Kris Aquino and Mel Santiago
Excerpt from Mel Sarmiento's last text message to Kris Aquino: "Given my nature, who loves to go out, I accept the fact that I already have a bubble fatigue and I will not be able to, sad to say, be able to continue living in a bubble. On that note, with a heavy heart, I accepted your offer of letting me go. For I cannot in conscience be able to accept that something will happen to you brought about my going out of the bubble."
PHOTO/S: @krisaquino Instagram

Kinumpirma ni Kris Aquino na hiwalay na sila ng fiancé na si Mel Sarmiento matapos ang limang buwang relasyon at kahit engaged na sila.

Ito ay matapos mapuna ng netizens na deleted na ang lahat ng social media posts ni Kris na may kinalaman kay Mel.

Ngayong Lunes, January 3, inamin ni Kris na siya ang nag-initiate na tuldukan ang relasyon nila ni Mel dahil sa health reasons.

Naaalarma siya sa pag-deteriorate ng kanyang kalusugan at pagbaba ng kanyang timbang na ngayon ay 88 pounds o 40 kilos na lamang.

Tanggap daw ni Kris na maraming "complications" sa kanyang kalusugan ang kanyang "autoimmune conditions" kaya ipinapasa-Diyos na daw niya ang kanyang sitwasyon.

Lumalabas na tila hindi kaya ni Kris pagsabayin ang kanyang buhay pag-ibig at ang pag-aalaga sa kanyang kalusugan.

Bahagi ng official statement ni Kris (published as is):

"Sa pinagdadaanan ko ngayon, may tao ba gustong pagusapan pa ang kanyang paghihiwalay?

Continue reading below ↓

"But in order for me to be able to peacefully move on, and focus on myself and my health, BECAUSE my sons still need me, kuya josh has autism, and bimb will only turn 18 in 3 years, 3 months, and 16 days, i must end this chapter.

"i will just post screenshots of Mel's last text message to me. After that you will never read nor hear anything at all about him from me, because i still want to preserve whatever dignity i have left.

"By doing this i only request for some respect for my humanity and privacy now and in the coming months when i fight for my health... because i was BRAVE enough to show you and tell you the TRUTH."

Kalakip ng post ni Kris ay ilang litrato niyang tila kinukunan siya ng dugo at timbang sa isang check-up.

Kris Aquino check-up

Continue reading below ↓

MEL'S LAST TEXT MESSAGE TO KRIS

Nakatakda pa sanang magkita sina Kris at Mel bago sila tuluyang naghiwalay.

Katunayan ay nakaimpake raw si Mel ng kanyang damit na sapat hanggang January 4, 2022.

Pero hindi na tumuloy si Mel na makipagkita kay Kris dahil baka makasama pa sa kalusugan ng TV host-actress sakaling siya naman ay positibo sa COVID-19.

Base ito sa screenshot ng huling text message ni Mel na ipinakita ni Kris sa kanyang Instagram post.

May timestamp itong "3:30 PM" ng "Thursday" na marahil ay nitong nakaraang huling linggo ng December 2021.

Sa mga sumunod na salita ni Mel, binanggit niyang mahigpit daw na ipinagbabawal kay Kris ang madapuan ng COVID-19 dala ng autoimmune condition ng TV host-actress.

Sabi ni Mel: "I'm worried about your situation and what you've texted me. I did pack up, bringing with me clothes up to the 4th of January where we are supposed to have our RT-PCR test.

Continue reading below ↓

"But I came to realize that I might further put you at risk given that I went to the mall the other day to buy a phone and went out again yesterday for a haircut. I also went to uniqlo to buy some clothes before I went back to Jody's.

"I'm not sure if the people that I had close contact with at the mall, especially my barber is negative or not, and this can only be confirmed if I do a test on the 4th day and this is day 1 for me since I got exposed to people in the mall.

"I'm reminded of what you're doctor cousin told me, the responsibility of making sure you don't get covid given your auto immune. That's the reason I decided not to proceed there because I might further put you at risk and I don't want to be blamed for it."

Continue reading below ↓

MEL TO KRIS: "I ALREADY HAVE BUBBLE FATIGUE"

Base pa rin sa text message ni Mel kay Kris, inamin ng dating DILG secretary na sumasang-ayon ito sa "offer" ni Kris na mag-breakup na sila.

Ito ay sa dahilang hindi raw kakayanin ni Mel ang limitasyon kay Kris na hindi ito maaaring basta lumabas dahil sa banta sa kalusugan nito.

Ipinunto ni Mel na hindi uubra iyon sa kanya dahil ngayon pa lamang ay may "bubble fatigue" na siya, o ang pagkaramdam ng pagod dahil sa pananatili ng extended period sa loob ng isang lugar, na salungat sa pangangailan ni Kris ngayon.

"For the past two days, I had enough time to think about things and accepted the fact that ensuring you don't get covid is enormous responsibility.

"Given my nature, who loves to go out, I accept the fact that I already have a bubble fatigue and I will not be able to, sad to say, be able to continue living in a bubble.

Continue reading below ↓

"On that note, with a heavy heart, I accepted your offer of letting me go. For I cannot in conscience be able to accept that something will happen to you brought about my going out of the bubble.

"I will always cherish in my heart the happy moments we had together. I do love you, but I guess this is goodbye for your life is of greatest importance given that you have Bimby and Josh to take care of.

"You will forever be in my heart."

Kris Aquino, Mel Sarmiento

Continue reading below ↓

LAST LOCAL TRAVEL TOGETHER

Noong December 21, 2021 ay masayang ibinahagi ni Kris sa kanyang Instagram ang video nilang kuha habang nakapila sila sa airport.

Sa caption ay nag-dedicate pa si Kris kay Mel ng lyrics ng kantang "Feels Like Home" para ilarawan kung gaano nito pinapasaya ang kanyang buhay.

Patungo sila noon sa Negros Occidental kunsaan boluntaryong sumama si Kris sa relief operation ni presidential candidate at Vice President Leni Robredo para sa mga nasalanta ng Typhoon Odette.

Sa isang panayam ng media kay Robredo, nabanggit pa nito na nangako si Kris sa kanya na simula ngayong Enero 2022 ay lalabas si Kris para tulungan siya sa kanyang kampanya.

Pero sa latest Instagram post ni Kris, sinabi ng actress-host na nakatakda siyang magtungo sa ibang bansa para sa "diagnostic tests" at "treatment" kung kinakailangan dala ng kanyang drastic weight loss.

BROKEN ENGAGEMENT

Sa hiwalayan nina Kris at Mel, tinalikuran ni Kris ang inakala niyang match made in heaven.

Continue reading below ↓

Si Mel ay Department of the Interior and Local Government (DILG) secretary mula September 2015 hanggang June 2016, noong termino ng kapatid ni Krs na si Noynoy Aquino bilang Pangulo.

Nagkamabutihan sila ni Kris nang pumanaw si Noynoy noong June 24, 2021.

Opisyal na naging magkarelasyon sina Kris at Mel noong July 24, 2021.

Tuwang-tuwa pa noon si Kris dahil bukod sa ramdam daw niya kung gaano siya kamahal ni Mel ay kasundo pa nito ang anak niyang si Bimby.

October 24, 2021, o noong third monthsary nila, isinapubliko ni Kris na engaged na sila ni Mel.

Sinabi rin ni Kris na nais niyang manatiling pribado ang kanyang love life kaya kaunti lamang ang posts niya tungkol kay Mel.

Inasahan din niyang ang susunod na video nilang makikita ng publiko ay kuha na raw sana sa kanilang wedding.

Pero bigo si Kris na matupad ito.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Excerpt from Mel Sarmiento's last text message to Kris Aquino: "Given my nature, who loves to go out, I accept the fact that I already have a bubble fatigue and I will not be able to, sad to say, be able to continue living in a bubble. On that note, with a heavy heart, I accepted your offer of letting me go. For I cannot in conscience be able to accept that something will happen to you brought about my going out of the bubble."
PHOTO/S: @krisaquino Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results