Former actress Monica Herrera opens up about leaving showbiz, relationship with Jeric Raval

by Jojo Gabinete
Jan 4, 2022
monica herrera jeric raval
Monica Herrera says she was not surprised when she learned that Jeric Raval has 18 children from different women; the former actress has three children with the former action star. "No, I was not surprised at all kasi babaero talaga siya. When you are blinded by love, you can do everything. I didn't know that he was married before," says Monica.

Kahit paralisado ang kalahating katawan dahil sa stroke na nangyari sa kanya noong June 2017, matalas na matalas pa rin ang memorya ng dating aktres na si Monica Herrera.

Nag-umpisa ang showbiz career ni Monica noong 1988 sa edad na 18.

Nakilala siya nang husto dahil in demand siya bilang leading lady ng mga sikat na aktor, partikular na ang action stars.

Sa apat na taong (1988-1992) pamamayagpag ng acting career ni Monica, mahigit sa limampu (50) ang bilang ng mga pelikulang kanyang ginawa.

Pero tinalikuran niya ang showbiz nang magbuntis siya sa pangalawang anak nila ng action star na si Jeric Raval.

"I started 1988 when I was 18 years old. I stopped after giving birth to my second child in 1994," bungad ni Monica sa exclusive interview sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nitong Lunes, January 3, 2022.

Pagpapatuloy niya, "Nagsawa na ako kaya kahit may offers, ayoko na. I just wanna live a normal life.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"I've been in the movie industry for only four years. If am not mistaken, I made 50 movies more or less."

Ang itinuturing ni Monica na higlight ng kanyang movie career ay nang makapareha niya ang yumaong King of Philippine Movies na si Fernando Poe Jr. sa dalawang pelikula—Ako ang Huhusga (1989) at Hindi Ka Na Sisikatan ng Araw (1990) na mga sequel ng Kapag Puno Na Ang Salop (1987).

monica herrera fpj

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isa si Monica sa mga kontrobersiyal na aktres noon. Pero kadalasan, hindi niya pinapatulan ang mga intriga, lalo na kung walang katotohanan dahil mas nangingibabaw raw ang kanyang pananampalataya sa Panginoong Diyos.

Saad niya, "I guess it's all about faith. It's better to be quiet and let it pass.

"But just like any movie star, hindi naman naging private ang buhay ko dahil pinag-usapan din ang pagkakaroon ko ng anak kay Jeric.

"Pero nang huminto ako sa showbiz, natigil na.

"Pero kung may mang-iintriga sa akin with my present condition, tao kaya sila?

"And remember, uso na ngayon ang demandahan."

MONICA HERRERA'S LOVE AFFAIR WITH JERIC RAVAL

Hindi rin naging maramot si Monica sa pagkukuwento tungkol sa relasyon nila noon ni Jeric, na inalarawan niya bilang "masaya na magulo."

jeric raval monica herrera

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Just like any other relationships, masaya na magulo. Walang forever sa akin but God is my forever," makahulugang pahayag ng dating aktres na 51-anyos na ngayon.

Tatlo ang anak ni Monica kay Jeric: sina Joshua Erick, Jenica Mae, at Janina Carly.

Banggit pa niya, "I have another son Marlon Jesse from my ex-husband in Australia.

"But nung naghiwalay kami ng ex-hubby ko, nagkabalikan kami ni Jeric, at si Janina ang naging baby namin."

Bilang paglilinaw, may dalawang anak na sina Jeric at Monica nang maghiwalay sila noon.

Nagpakasal si Monica sa pinsan ng aktres na si Cristina Gonzales at nagkaroon sila ng anak na lalake. Pero humantong din sa paghihiwalay ang kanilang pagsasama.

Nang magkanya-kanya ng landas si Monica at ang kanyang asawa, nagkabalikan sila ni Jeric.

Si Janina, na nag-aartista na rin ngayon, ang bunga ng kanilang pagmamahalan kaya tatlo ang anak nila.

monca herrera children

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Monica (second from left) with her children Jenica, Marlon, Janina, and Joshua

Noong February 2021, pinag-usapan ang pag-amin ni Jeric sa Cabinet Files tungkol sa pagkakaroon niya ng labinwalong (18) anak.

Hindi na raw ito ikinagulat ni Monica dahil kilalang-kilala nito ang action star.

Pahayag ng dating aktres, "No, I was not surprised at all kasi babaero talaga siya. When you are blinded by love, you can do everything.

"I didn't know that he was married before. It was my mom [Mrs. Zeny Herrera] who forced me na hiwalayan ko siya when she did her own background checking on Jeric.

"Alam mo naman ang mga ina, sila ang nauunang nasasaktan. Being a dutiful daughter, sinunod ko siya."

MONICA ON DAUGHTER JANINA

Ngayong artista na rin si Janina, ibinibigay ni Monica nang buong-buo ang suporta dahil gusto niyang magtagumpay sa showbiz ang kanyang bunsong anak.

Saad ni Monica, “She is well-loved and I will support her in any way. I will respect her friends, clothing, music choices, and interests.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"We will help her navigate life on her own and make decisions that fit with what the family values. I told her if this is your passion, just love your work and be your own self."

Alam ba ni Janina na in-demand actress noon ang kanyang ina, at ano ang mga payo ni Monica sa kanya?

Sagot ni Monica, “Ah, yes. Nakita naman niya na 'til now, marami pa rin akong fans from around the globe. Ang dami-daming nagpapadala sa akin kahit walang occasion.

"Just this Christmas and New Year, hindi kami nagluto or nag-prepare ng anything kasi maraming nagpadala ng blessings."

Dagdag niya, "We have tons of advice for Janina and prayer is the only key to good health, success, and happiness. I told her to keep her feet on the ground, be humble and always be thankful sa mga blessing na dumarating.

"I encouraged her to do her best with her chosen craft.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sabi ko nga, they know me then as maganda na, mas mabuti pa ang puso. Na Monica Herrera, always with a smile on her face, yun ako, e.”

janina raval

Janina Raval

HOT STORIES

Use these Zalora vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Monica Herrera says she was not surprised when she learned that Jeric Raval has 18 children from different women; the former actress has three children with the former action star. "No, I was not surprised at all kasi babaero talaga siya. When you are blinded by love, you can do everything. I didn't know that he was married before," says Monica.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results