Ogie Diaz on Claudine Bautista's junked cyber libel complaint against him: "Masarap magbunyi kung lahat kayo panalo."

by Melba R. Llanera
Jan 4, 2022
Ogie Diaz and Claudine Bautista-Lim
Ogie Diaz (left) on junked cyber libel filed against him along with Agot Isidro and Pokwang: "Siyempre sad ako for Enchong, sana maayos, sana ganun din ang kalabasan tulad ng sa amin. Pero di pa rin naman tapos, di natin alam kung ano yung next move nila. Siyempre lahat kami nasampahan ng kaso pero nagkataon lang siguro na yung sa amin simple kaya nabasura." Only Enchong Dee got indicted with cyber libel in the same complaint filed by Congresswoman Claudine Bautista-Lim (right).
PHOTO/S: @ogie_diaz / @michael5inco Instagram

Ikinalungkot ni Ogie Diaz na umakyat ang kasong paglabag sa Cybercrime Prevention Act 2012 na sinampa ni Congresswoman Claudine Diana Bautista-Lim laban kay Enchong Dee.

Ayon kay Ogie, kasama siya pati na sina Pokwang at Agot Isidro sa idinemanda ni Bautista ng cyber libel.

May tatlo ring female netizens na pinangalanan sa reklamong isinampa ni Bautista sa Office of the Prosecutor ng Davao Occidental.

Pero na-dismiss ang reklamo laban kina Ogie, Pokwang, Agot, at tatlo pang netizens.

THE CONTROVERSIAL TWEETS

Ang pinagmulan ng lahat ay ang kasal ni Bautista na representative ng party-list na Drivers United for Mass Progress and Equal Rights o DUMPER.

Kinuwestiyon ng netizens na dawit sa demanda ang sinasabi nilang magarbong kasal ni Bautista sa Balesin Island Resort sa Polilio, Quezon habang ang nire-represent nitong mga drivers ay naghihirap sa gitna ng pandemya.

Pati sina Enchong, Agot, Pokwang, at Ogie ay naghayag din ng patutsada laban kay Bautista noong kasagsagan ng isyu.

Continue reading below ↓

Depensa naman ni Bautista, regalo ng kanyang negosyanteng mister na si Tracker Lim na tuparin ang "wedding of my dreams" sa taong minamahal niya.

Hindi rin daw siya naging insensitibo sa sitwasyon ng ibang tao dahil hindi niya intensyong isapubliko ang kanyang kasal.

Nagkataon daw na nag-post si Michael Cinco ng mga litrato niya na suot ang wedding gown na idinisenyo ng international fashion designer.

ENCHONG CHARGED WITH CYBER LIBEL

Hanggang sa pormal na inireklamo ni Bautista ang aniya'y paninirang-puri sa kanya.

Noong November 11, 2021, inulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na sinampahan ni Bautista si Enchong ng reklamong cyber libel dahil sa mapanirang mga salitang ibinato raw ng aktor sa kanya.

Inihain ni Bautista ang reklamo laban kay Enchong at isang female netizen sa Office of the Provincial Prosecutor sa Davao Occidental noong August 23, 2021.

Si Bautista ay naninirahan sa Davao Occidental.

Sabi ni Bautista, walang sapat na dahilan sa paninirang-puri sa kanya gayong wala naman daw alam ang mga ito sa ginasta para sa kasal niya.

Continue reading below ↓

Tinawang niyang "defamatory" at "malicious" ang tweet ni Enchong na pinalalabas daw siyang "corrupt" at "insensitive" sa pangangailangan ng sektor na nirerepresenta niya.

Ayon sa resolusyon na inilabas ng Davao Occidental prosecutors na may petsang November 16, may sapat na basehan na makasuhan si Enchong ng cyber libel dahil sa alegasyong malversation of public funds sa tweet na ibinato ng aktor laban sa kongresista.

PHP1 billion moral damages ang hinihingi ni Bautista mula sa aktor.

Hanggang sa ngayon ay tikom pa rin ang bibig ni Enchong tungkol dito.

Sa kaso nina Ogie, Agot, at Pokwang, ipinaliwanag ng piskalya na ang kanilang "mere expressions of disapproval (or disgust, if you may)" sa kasal ni Bautista ay hindi kinakitaan ng "malice."

Maituturing daw na self-appointed "watch dogs of our society" ang intensiyon ng tatlo.

JUNKED COMPLAINT AGAINST OGIE, agot, pokwang

Kinumpirma ni Ogie na ibinasura ng piskalya ang reklamong cyber libel laban sa kanya pati kina Agot at Pokwang.

Continue reading below ↓

Kasama ang ilang piling press ay nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang manager-comedian-YouTuber sa munting birthday celebration nito sa Tiger Wynx restaurant.

"Kaya rin di ko masyadong dini-discuss 'yan kahit sa YouTube ko kasi siyempre yung kasama namin ay nandun.

"Masarap magbunyi kung lahat kayo panalo, di ba? Magbubunyi ka tapos yung kasama mo, nandun pa rin siya.

"Siyempre sad ako for Enchong. Sana maayos, sana ganun din ang kalabasan tulad ng sa amin.

"Pero hindi pa rin naman tapos, hindi natin alam kung ano yung next move nila.

"Tapos na kami, pero depende na lang kung iaapela nila.

"Siyempre lahat kami nasampahan ng kaso pero nagkataon lang siguro na yung sa amin simple kaya nabasura."

Tinanong si Ogie kung nakapag-usap na ba sila ni Enchong o ni Congresswoman Bautista na nagsampa ng reklamo sa kanila.

"Hindi ko pa nakakausap si Enchong mula nung ma-dismiss yung sa amin. Si Cong? di ko siya kilala personally," sagot ni Ogie.

Continue reading below ↓

Aminado si Ogie na dahil sa nangyari ay may conscious effort na sa parte niyang maging mas maingat sa susunod na magbibigay siya ng opinyon tungkol sa ilang sensitibong isyu.

"Oo naman, lesson learned yan for all of us, na kahit alam mo sa sarili mo na di naman libelous, e, mayroon pa rin palang masasaktan dun sa opinyon mo."

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ogie Diaz (left) on junked cyber libel filed against him along with Agot Isidro and Pokwang: "Siyempre sad ako for Enchong, sana maayos, sana ganun din ang kalabasan tulad ng sa amin. Pero di pa rin naman tapos, di natin alam kung ano yung next move nila. Siyempre lahat kami nasampahan ng kaso pero nagkataon lang siguro na yung sa amin simple kaya nabasura." Only Enchong Dee got indicted with cyber libel in the same complaint filed by Congresswoman Claudine Bautista-Lim (right).
PHOTO/S: @ogie_diaz / @michael5inco Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results