Brenda Mage apologizes after PBB stint; is Alexa Ilacad ready to forgive?

by Bernie V. Franco
Jan 4, 2022
alexa ilacad brenda mage
Pinoy Big Brother Kumunity Celebrity housemates Alexa Ilacad and Brenda Mage say they have hugged each other this Monday, January 3, 2022. But have they really put the past behind them?
PHOTO/S: @alexailacad / Facebook (Brenda Mage)

Humingi ng paumanhin si Brenda Mage sa lahat ng nagalit sa kanya bilang Pinoy Big Brother Kumunity housemate.

Nitong Lunes, January 3, 2022, idinaan ni Brenda sa Facebook page ang kanyang pagso-sorry.

Mensahe niya: “Lahat ng salita at aksyon ko ay sumasalamin sa aking pagmumukha at pagkatao..

“Kaya kung may nasaktan man ako sa mga nagawa ko i am Sorry… eto talaga ako eh…

“I am not MARITES but this is BRENDA MAGE … Lablablab Godbless!”

brenda mage post

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bukod sa paghingi niya ng sorry sa inasal sa loob ng bahay, may post din si Brenda na pag-amin ng kanyang pagkakamali.

Pahayag niya: “Pasensya na po talaga sa lahat ng nangyari…. Tao lang po ( mukha lang hindi ) nagkakamali…. Salamat po…”

brenda mage post

Naging kontrobersiyal si Brenda dahil sa pagsasalita niya laban sa kanyang fellow housemates, gaya ni Alexa Ilacad, kapag hindi sila kaharap.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagka-evict ni Alexa sa PBB house, nakarating sa kanya ang mga sinabi ni Brenda laban sa kanya.

Sa isang interview, sinabi ni Alexa na kahit nasaktan siya sa mga sinabi ni Brenda, magiging professional siya kapag nakaharap niya ito.

BRENDA ANG ALEXA KISS AND MAKE UP

Sa ngayon ay nasa labas na ng bahay ang lahat ng housemates ng PBB Kumunity Season 10 Celebrity Edition.

Nitong Lunes, January 3, nagkaroon ng virtual reunion ang PBB Kumunity celebrity housemates.

Sa isang punto ng two-hour virtual meet, natalakay ang isyu nina Brenda, Alexa, at Eian Rances.

Bakas sa mga sagot nina Brenda at Alexa na sariwa pa sa kanila ang mga nangyari sa loob ng Bahay ni Kuya.

Sa kabila nito, inamin ng dalawa na nagkaharap na sila nito ring Lunes.

Sabi ni Brenda tungkol sa paghaharap nila ni Alexa, “Hindi ko po alam if solved na, pero kanina po, nagyakapan kami ni Alexa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Tapos, I [said] sorry. Nagpatulong ako kay Eian.”

Pakiusap daw ni Brenda kay Eian, ito ang maging tulay ng pagkakaayos nila ni Alexa.

Lahad ng comedian, “Sabi ko sa kanya, ‘Hindi ko alam kung paano ako haharapin ni Alexa. Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin paglabas ko.’”

Inamin ni Brenda na naging “Marites” (tsismosa) siya sa PBB house, partikular kay Alexa.

Wala raw siyang problema kay Alexa, pero nang dahil kay Eian ay nagkaisyu si Brenda kay Alexa.

Naging malapit na kaibigan ni Brenda si Eian sa loob ng PBB house, at naging isyu kay Brenda ang pagiging malapit ni Eian kay Alexa.

Matapos magsalita ni Brenda, naglabas din ng kanyang saloobin si Alexa.

Katuwiran ng Kapamilya actress, ang isyu para sa kanya sa PBB house ay higit pa kay Eian.

Hindi maikakailang nadungisan ang imahe ni Alexa dahil may iba pang housemates na nagsalita laban sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Napagtanto rin daw ni Alexa na paglabas niya ng bahay, maraming tao ang nagalit kina Brenda at Eian.

“I felt guilty din in a way,” pag-amin ni Alexa.

Bago raw sila magkita ni Brenda, sinabi ni Alexa na nag-reach out sa kanya ang komedyante.

“She texted me hours before, ‘Puwede ba tayong mag-usap?’ Di ako nag-reply kasi sabi ko, mas yayakapin ko na lang bigla.

“So, I forgive but that doesn’t mean I forget.

“I’m just a very forgiving person. But I’ve learned my lessons as well.

“And I now know how to guard my heart, and to make sure that I’m surrounded by good people.”

HOT STORIES

Use these Lalamove promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pinoy Big Brother Kumunity Celebrity housemates Alexa Ilacad and Brenda Mage say they have hugged each other this Monday, January 3, 2022. But have they really put the past behind them?
PHOTO/S: @alexailacad / Facebook (Brenda Mage)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results