Mark Herras volunteers to be the ninong of Jennylyn and Patrick’s child

by Archie de Calma
Feb 4, 2008
"Kung nanliligaw ako, sana, ako lang mag-isa ang nagpupunta sa kanila at mahihiya naman yata akong aabalahin ko sila para maglaro lang ako ng computer games," says Mark Herras as he denies he's courting Ina Asistio (inset), his co-star in Mga Mata ni Anghelita.

"Kumare" na ang tawag ni Mark Herras sa ex-girlfriend na si Jennylyn Mercado. Nagpresinta na kasi si Mark na isa siya sa dapat ay maging ninong ng magiging anak ni Jennylyn at ng boyfriend nitong si Patrick Garcia.

"I'm sure, Patrick won't mind the idea," sabi pa ni Mark. "Matagal na ring okay kaming lahat. Kahit nagulat din ako sa pagbubuntis ni Jen, maging supportive na lang sana tayo sa kanya, and just understand what she's going through."

Samantala, iniiwasan ni Mark na malagyan naman ng malisya ang closeness nila ni Ina Asistio, anak nina Boy Asistio at Nadia Montenegro.

Napabalita na ang tungkol dito noong magkasama pa sila sa Mga Mata ni Anghelita, pero, heto at sa nakaraang Nivea Cup na ginanap sa Davao, mahabang sandali rin yung nawala sa paningin ng lahat sina Mark at Ina sa Pearl Farm.

"Hindi kami nawala, nandooon lang kami," tanggi ni Mark. "Close din kasi ako sa anak ni Ate Nadz [Nadia] na si Isha, na mas bata pa kay Ina. Nasa second year high school pa lang 'yon.

Continue reading below ↓

"I was asked by Ate Nadz to look after them, since barkada na ang turing nila sa akin. Si Ina, wala pang kamuwang-muwang 'yon, itsitsismis pa sa akin. Huwag naman sana."

Inamin ni Mark na madalas siyang naglalagi sa bahay ng mag-inang Nadia at Ina sa White Plains.

"Kaibigan ko kasi sila, kaya ini-invite ako na kung wala akong ibang ginagawa, I can stay there sa place nila. Naglalaro lang ako ng Play Station at computer games. Mas okay na 'yon kesa nakikita ako sa kung saan-saan," sambit ni Mark.

Nilinaw rin ni Mark na nagpupunta siya sa bahay nina Ina na may kasama pang ibang mga kaibigan.

"Kaya hindi ako nanliligaw," sambit niya. "Kung nanliligaw ako, sana ako lang mag-isa ang nagpupunta sa kanila at mahihiya naman yata akong aabalahin ko sila para maglaro lang ako ng computer games.

"Lagi nga akong pinaaalalahanan ni Ate Nadz na I have to look after her daughter daw, at ayoko ring sayangin ang tiwala nila ni Kuya Boy, na baka kung ligawan ko pa si Ina, magalit sila sa akin.

Continue reading below ↓

"At saka napakabata pa talaga ni Ina. Hindi ko nga masabing mai-in love ako sa isang gaya niya na sixteen years old pa lang," napakibit-balikat pa ang young actor.

Aside from Ina's place, nagpupunta palagi si Mark sa Serve, ang disco joint sa may Araneta Center. At least, sa kanilang magkakaibigan daw ang negosyong ito, and they are in control.

"Kumbaga, nasa teritoryo ako. Kaya hindi ako malalagay sa alanganin. Ayoko na talagang nagpapakalat-kalat," nangingiting nasambit pa ni Mark.

Isa pang ka-close ni Mark ay si Yayo Aguila at ang mga anak nila ni William Martinez.

"Lahat na lang ng babaeng napapadikit sa akin, mula nang pumasok ako sa showbiz, ini-link na sa akin. Hindi na rin ako nagtataka kung bakit ganyan. At mukhang wala akong magagawa.

"Ayoko ring dahil lang diyan, iiwas na akong makipagkaibigan. Kaya natuto na akong huwag maapektuhan. Besides, I have no relationship to protect at this moment," natatawa na lang ang young actor.

Continue reading below ↓

Isa pa, napakaraming commitments ni Mark. Pasok siya sa cast ng Joaquin Bordado bilang youngest brother nina Robin Padilla at Ian Veneracion.

Maski nga ang pakikipagtrabaho niya kay Rhian Ramos sa My Only Love, binigyan ng anggulong pati ang kapatid umano ni Rhian ay niligawan ni Mark.

"Natawa na lang kami ni Rhian, kasi never ko pang nami-meet yung sinasabing kapatid niya. Paano ko liligawan 'yon?" pagwawakas ng young actor.

Read Next
Read More Stories About
Mark Herras, Jennylyn Mercado
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Kung nanliligaw ako, sana, ako lang mag-isa ang nagpupunta sa kanila at mahihiya naman yata akong aabalahin ko sila para maglaro lang ako ng computer games," says Mark Herras as he denies he's courting Ina Asistio (inset), his co-star in Mga Mata ni Anghelita.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results