Janine Gutierrez, Paulo Avelino grilled about rumored romance

by Rachelle Siazon
Jan 4, 2022
Janine Gutierrez and Paulo Avelino
Paulo Avelino on possible romance with Janine Gutierrez: "Ako po, si Janine lang hinihintay lagi."
PHOTO/S: @janinegutierrez / @pauavelino Instagram / Marry Me, Marry You pictorial (center)

Nalagay sa hot seat sina Janine Gutierrez, 32, at Paulo Avelino, 33, na napababalitang totohanan na ang pagsinta sa isa't isa.

Gumaganap silang mag-asawa sa Kapamilya prime-time series na Marry Me, Marry You, na nagsimulang umere noong September 2021 at magtatapos sa February 2022.

Ngayong Martes, January 4, parehong panay ang ngiti nina Janine at Paulo nang humarap sa virtual mediacon ng Marry Me, Marry You.

Nang tanungin tungkol sa estado ng kanilang relasyon ngayon, umiwas si Janine at ibinaling ang topic sa co-stars na sina Cherry Pie Picache at Edu Manzano na naging magkasintahan habang nagtatrabaho sa serye.

"Hahaha! Gusto ko lang sumagot na lahat kami naiinggit kay Miss Pie at kay Tito Edu pag nakikita namin sila magkasama.

"Walang tatalo sa ka-sweet-an nila kasi. Tsaka talagang tinakasan nila today," saad ni Janine.

Absent sa presscon sina Cherry Pie at Edu.

Nang ibalik ang tanong kina Janine at Paulo, na marami ang umaasang magkatuluyan, tanging ngiti lamang ang isinagot ng dalaga.

Continue reading below ↓

Kaya si Paulo ang inusisa tungkol sa real score sa kanila.

"Hay salamat!" natatawang hirit ni Janine nang matakasan ang tanong tungkol sa kanila ni Paulo.

Sabi naman ni Paulo, "Ako po, si Janine lang hinihintay lagi.

"So, tingnan natin kung di kami masyadong busy for this year. May sari-sarili kaming gagawin for this year."

Magkahiwalay man sila sa susunod nilang acting project, magkasama pa rin sila sa Kapamilya concert tour sa Los Angeles na tatagal ng "more than two weeks" ngayong first quarter ng 2022.

Hirit ng entertainment reporter na si Jun Lalin, baka may tsansang doon sila magka-developan.

"Pero di naman kami sa isang kuwarto matutulog," saad ni Paulo.

"Huy! Dapat lang! Hahaha!" bulalas naman ni Janine sa aktor.

Dagdag ni Jun, may chance na mag-bonding at magkulitan ang dalawa sa mahaba-habang biyahe ng tour bus mula Los Angeles hanggang Las Vegas. Iyon ang mga inaasahang lugar kunsaan may Kapamilya concert tour.

Continue reading below ↓

Pagsang-ayon ni Paulo, "Or kuwentuhan or puwede magbaraha."

Si Janine ay panay pa rin ang ngiti.

Nang tanungin na baka may pagpaparamdam na si Paulo pero deadma pa si Janine, biglang sumang-ayon ang aktor.

"Ganun po," ani Paulo.

Tila kontra ni Janine, "Uy!"

Pero kahit anong tanong sa dalawa ay tikom ang bibig nila kung may pagtingin sila sa isa't isa.

Janine Gutierrez and Paulo Avelino

Continue reading below ↓

LESSONS ON LOVE

Ang tanging sinagot ng dalawa ay ang katanungan kung anong lessons on love mula sa serye ang tingin nila'y maaari nilang i-apply sa tunay na buhay.

"Parang wala pa naman ako ma-apply in real life. Parang wala pa naman nagmamahal sa akin," biro ni Paulo.

Sabay sabi ng aktor, natutunan niya ang pagpapahalaga sa mga mahal sa buhay ng babae na kanyang mapupusuan.

"Siguro one of the lessons din na puwede ko ma-apply in real life, sometimes you think it's just you and me against the world.

"Na parang mahal kita, mahal mo ako, that's the only thing that matters.

"But, ang totoo niyan, kailangan mo rin mahalin talaga yung mga tao na nasa paligid ng minamahal mo, whether they're kind to you or not, whether they don't like you [or do].

"Walang talo pag nagbibigay ka ng pag-ibig at pagmamahal at kasiyahan sa mga taong minamahal mo at minamamahal ng mahal mo."

Continue reading below ↓

Sabi naman ni Janine natutunan niya ang pagmamahal nang buong puso.

Lahad ng aktres: "Ako, tungkol sa pagmamahal nang buo. Favorite ko nga yung isang song sa soundtrack na 'Buo.'

"Kasi, parang it just talks about how you don't have to be with someone who's perfect, but someone who's real and someone who loves you.

"Yung mamahalin mo yung buong pagkatao nila. I think ma-apply mo yun sa tunay na buhay."

DATING HISTORY

Parehong single sina Janine at Paulo sa tunay na buhay.

Nag-break si Janine at longtime boyfriend na si Rayver Cruz noong October 2022. Ang huling napabalitang karelasyon ni Paulo ay ang Australian model na si Jodie Tarasek, pero hiwalay na rin sila.

Noong November 10, 2021, ibinulgar ni Paulo na dalawang beses silang nag-date ni Janine noong panahong walang nobyo ang aktres.

Sinabi rin ng aktor na bukas siya sa posibilidad na maging sila ni Janine.

"Kasi, parang… kumbaga… alam ko, itatanggi na naman ako ni Janine, lumabas na kami dati, hindi lang…

Continue reading below ↓

"Kung mangyayari ngayon, kung ngayon ang pagkakataon na ito na single siya and single din ako, e, di… Ok," saad ni Paulo.

HOT STORIES

Use these MetroMart promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Paulo Avelino on possible romance with Janine Gutierrez: "Ako po, si Janine lang hinihintay lagi."
PHOTO/S: @janinegutierrez / @pauavelino Instagram / Marry Me, Marry You pictorial (center)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results