Ogie Diaz quashes rumored pregnancy of Liza Soberano

by Melba R. Llanera
Jan 5, 2022
Ogie Diaz, Liza Soberano, Enrique Gil
Ogie Diaz (left) on rumor that Liza Soberano (right) is pregnant with Enrique Gil's (with face mask) child: "Hindi nga totoo. Lagi naman si Liza pag umaalis sa bansa, yun ang isyu. Imadyinin mo, naoperahan siya sa daliri, buntis daw. Di na iyan bago sa atin."
PHOTO/S: Ogie Diaz YouTube / @lizasoberano Instagram

Mariing pinabulaanan ni Ogie Diaz ang espekulasyong nagdadalantao ang alaga niyang si Liza Soberano.

Kasalukuyang nasa Amerika si Liza, kasama ang kasintahang si Enrique Gil, para dalawin ang kanyang pamilya.

Hindi nakadalo ang magkasintahan sa nakaraang 2021 ABS Christmas special dahil nakatanggap ng tawag ang Kapamilya actress na may sakit ang kanyang Lola Bobbie na nagpalaki sa kanya.

Agad na lumipad ang magkasintahan pa-Amerika kung saan ipinagdiwang na rin nila ang Pasko at Bagong Taon.

Liza Soberano and Enrique Gil

Continue reading below ↓

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sinabi ni Ogie na hindi na bago para sa kanila ang isyu dahil tuwing lilipad pa-Amerika ang aktres ay palaging may espekulasyong buntis ang Kapamilya actress.

"Hindi nga totoo. Lagi naman, si Liza pag umaalis sa bansa, yun ang isyu.

"Imadyinin mo, naoperahan siya sa daliri, buntis daw. Di na iyan bago sa atin," kibit-balikat na sabi ni Ogie.

Kung pag-uusapan ang relasyon nina Liza at Enrique, naniniwala ang comedian-talent manager na sa kasalan din mauuwi ang couple.

Saad niya, "Sabi ko nga sa YouTube ko, darating din ang time si Enrique at si Liza, di ba?

"Di naman ako nakakakita ng paghihiwalay sa dalawang iyan.

"Pag nag-settle sila, ilang taon na si Quen, ilang taon na si Liza. Di na rin sila bata, sino naman tayo para tumutol?

"For as long as na alam naman nila ang kanilang ginagawa, responsable sila sa lahat ng actions nila, ibigay natin sa kanila."

Continue reading below ↓

Sa isyung buntis umano si Liza, giit ulit ni Ogie, "Pero sabi ko nga sa aking YouTube, now it's a no. Hindi siya buntis."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang piling press si Ogie sa munting birthday celebration nito sa Tiger Wynx restaurant noong January 3.

NEW LIZQUEN SERIES?

Tinanong din ng PEP.ph si Ogie kung may serye bang gagawin ang LizQuen lalo't matagal na silang nami-miss ng mga tagahanga nilang mapanood sa telebisyon.

Huling bumida ang dalawa sa ABS-CBN prime-time series na Make It With You, pero nawala ito sa ere noong unang bugso ng COVID-19 pandemic sa bansa noong March 2020.

Sabi ni Ogie patungkol sa aabangang bagong proyekto ng dalawa, "Di ba, lagi ako sa YouTube ko, 'Ay, may gagawin, may gagawin.' Ayoko nang magsalita kasi nauudlot daw.

"Nandun pa lang kami sa pitching. Sila naman ang mag-a-announce, hindi naman ako."

AIKO MELENDEZ ASKS OGIE TO BECOME HER MANAGER

Balita na isa sa nadagdag sa mina-manage na talents ngayon ni Ogie ay ang mahusay na aktres at malapit niyang kaibigan na si Aiko Melendez.

Continue reading below ↓

Kinumpirma ito ni Ogie, pero siniguro nitong di niya sinulot ang aktres mula sa kahit na kaninong manager.

"Kami naman ni Aiko, malalim ang pagkakaibigan namin. Ang dami-daming pinagdaanan ni Aiko, kami pa rin naman ang magkaibigan.

"Yung isyu na nanulot, di ako nanunulot. Kasi si Aiko, nanggaling na iyan sa akin.

"Sabi ko dati, 'Aiks, ano, gusto mo kay Kuya Boy? Habang wala ka pang manager, ako muna. Pag mayroon ka nang nakuha, e, di sige, ibibilin na kita dun.'"

Ang tinukoy ni Ogie na "Kuya Boy" ay ang dating manager ni Aiko na si Boy Abunda. Noong 2019 pa napabalitang umalis si Aiko sa pangangalaga ni Boy.

Patuloy ni Ogie patungkol kay Aiko, "Ayokong masira ang friendship namin. Magkakatrabaho kayo, parang negosyo. Nauna yung friendship niyo tapos nagnegosyo kayo tapos nagkasira kayo sa negosyo, di ba?

"So, kung ang negosyo lang ang makakasira sa relationship niyo...

"E, kami ni Aiko, bata pa lang siya, anak-anakan ko na iyan."

Continue reading below ↓

Aiko Melendez and Ogie Diaz

AIKO NO EXISTING MANAGER BEFORE OGIE SAID YES

Si Aiko at ang nobyo nitong si Zambales Vice Governor Jay Khonghun ang lumapit kay Ogie sa pagkakataong ito.

"So, nung sinabi niya sa akin, 'Mother, wala na ako kay ano. Baka puwedeng ikaw na mag-manage sa akin? Sige na, ano mo na ako.'

Continue reading below ↓

"Sa pakiusap din ni VG, ni Vice Governor, sige, e, di ako na yung manager. Sa akin na mapupunta lahat ng mga inquiries.

"Pero may politics side, sabi ko, 'Mag-concentrate ka muna diyan dahil gusto mong magkonsehal sa District 5 ng Quezon City, go na.'

"Dahil kaibigan, naka-support din naman ako kay Aiko dun—di lang bilang manager kundi bilang kaibigan din."

HOT STORIES

Use these foodpanda vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ogie Diaz (left) on rumor that Liza Soberano (right) is pregnant with Enrique Gil's (with face mask) child: "Hindi nga totoo. Lagi naman si Liza pag umaalis sa bansa, yun ang isyu. Imadyinin mo, naoperahan siya sa daliri, buntis daw. Di na iyan bago sa atin."
PHOTO/S: Ogie Diaz YouTube / @lizasoberano Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results