Kinontra ni Kim Atienza ang pangungutya sa kanya ng isang basher kaugnay ng paglipat niya sa GMA Network.
Kasabay ito ng papuri ng ilang netizens kay Kim dahil hindi raw siya napipikon kahit sinusumbatan pa rin tungkol sa ginawang paglipat ng television network.
October 2021 nang opisyal na lumipat sa GMA-7 si Kim matapos ang labimpitong (17) taon bilang anchor at host sa ABS-CBN.
May mga natuwa man, meron ding dismayado sa kanyang network transfer. Hanggang ngayon, may ibang isinusumbat sa kanya ang paglipat sa GMA-7.
Gaya nitong January 4, 2022, isang basher ang nagkomento ukol sa balitang nilisan na rin ng news anchor na si Julius Babao ang ABS-CBN matapos ang dalawampu't walong (28) taon bilang Kapamilya.
Nagkomento ang basher at idinawit sina Kim at Atom Araullo, na parehong naging bahagi ng ABS-CBN News and Current Affairs noon. Si Atom ay lumipat sa GMA-7 noong October 2017.
Tweet ng basher ukol kay Julius (published as is): “Di ka kawalan. Ano na kayang nangyari kay Atom, kay Kuya Kim, may nanonood ba sa palabas nila.. Hahaha.”
Mahinahong sagot ni Kim (published as is): “Hmmmmm parang meron pa naman last time I checked.”
Nagsunud-sunod ang komento ng netizens para suportahan si Kim.
Komento ng isang supporter, subtle kung sumagot si Kim tungkol sa ipinupukol sa kanyang TV network transfer.
Ani Kim, “Always done with respect.”
Komento ng isa pa, napapanood niya ngayon si Kim, pero dati ay hindi noong nasa kabilang istasyon pa ito.
Tugon ni Kim, “Salamat sa Diyos at sa bago kong tahanan @gmanetwork”
Paalala pa ng TV host sa kabila ng social media criticisms: “Let’s make twitter a nice place again!”
Nag-tweet ang isa pang supporter na natutuwa sa pagho-host ni Kuya Kim.
“Doing my best for His glory,” sagot ni Kim.
Nagpasalamat din siya sa isang netizen na positibo ang reaksiyon bagamat lumipat siya ng network.
Si Kim ay kasalukuyang segment host sa Kapuso news prime na 24 Oras at co-host sa daily morning talk show na Mars Pa More.
Main host siya sa news-magazine show sa GTV Dapat Alam Mo!
Use these foodpanda vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.