Bangs Garcia surprised that Sam Milby denied their past closeness

by Cesar Pambid
Feb 4, 2008
Palos star Bangs Garcia said that her family was at a loss about Sam Milby's denial. "They could not understand kung bakit the way he said it, parang wala lang kaming pinagsamahan. We were really very close, kaya ako talaga, malakas ang loob ko to tell everyone na talagang lumabas kami."

Labis palang nasaktan si Bangs Garcia sa naging pahayag ni Sam Milby na hindi siya naging karelasyon nito. Sa interview kasi ni Sam sa Entertainment Live, sinabi ni Sam Milby na hindi niya naging girlfriend si Bangs. Taliwas ito sa mga naunang pahayag ng dalaga na sila ni Sam Milby ay nag-exclusively dating noong hindi pa pumapasok si Sam sa Pinoy Big Brother (PBB).

Sinabi ni Bangs na talagang masakit ang dating sa kanya, lalo na sa mga kamag-anak at iba pang kaibigan ng kanyang pamilya.

"Because they know the truth. Sa kanila ako mas nasaktan. Sila talaga yung hindi makapaniwalang ganoon ang pagkasabi ni Sam. Hindi ko napanood, but I was told na parang ang dating, ni hindi kami naging magka-close for him to deny everything about us," malungkot na kuwento ni Bangs sa PEP (Philippine Entertainment Portal) matapos niyang sumalang sa live interview sa The Buzz kahapon, Pebrero 3.

Continue reading below ↓

"In a way, tama naman siya, we really never had a relationship," patuloy niya. "Hindi siya nanligaw sa akin the traditional way, parang nag-MU lang kami. Siguro ganoon ang perception niya, but everybody in the family knew we were dating. And most of my close friends.

"That time, totoo namang we were going out, nagde-date kaming dalawa at kung tutuusin, parang kaming dalawa na talaga. Maybe I assumed too much. Dahil akala ko, komo may pagka-foreigner siya, ganoon na yun. I was wrong. But he is right, now I realize na, yes, we were never on, dahil nga wala naman kaming pormal na usapan.

"Pero talagang yung mga kamag-anak ko, they could not understand kung bakit the way he said it, parang wala lang kaming pinagsamahan. We were really very close, kaya ako talaga, malakas ang loob ko to tell everyone na talagang lumabas kami," paulit-ulit na sabi ni Bangs to give emphasis to her point that Sam Milby used to be very close to her.

Continue reading below ↓

At dahil nga sa nangyaring kaguluhang ito sa kanyang buhay, Bangs swears next time she will be more careful in divulging things. Siguro raw kasi napagkamalan siyang masyadong ginagamit yung issue about Sam. "I felt I was just telling the truth, but if that's what I got from it, okay lang po, I will just be careful next time," very apologetic na salita ni Bangs.

Kaya nga nang madako ang usapan tungkol kay Jake Cuenca na leading man niya sa Palos, maingat na si Bangs sa mga kuwento niya. "Ipinagpapauna ko na po, he is not courting me, we are not dating, and I am not expecting na liligawan niya ako. But we are really close friends.

"I like Jake a lot, pero talaga pong wala yung puwedeng isipin na kaming dalawa na. Nakahihiya namang masyado na lalabas na namang ipinamamalita ko, pero hindi naman totoo," pagdidiin niya.

Continue reading below ↓

Yun naman daw tungkol sa medyo nagkabuhol-buhol na kontrobersiya sa kanila ni Roxanne Guinoo, wala naman daw basehan talaga yung pinagmulang siya'y labis na pinagseselosan nito dahil naagaw na niya si Jake sa kanya.

"Hindi po kami ni Jake, magkatrabaho lang kami at wala talaga siyang rason na pagselosan ako kung totoo mang nagseselos nga siya. I feel na kaibigan ko rin si Roxanne and there was a point na nag-usap na kami at sa ngayon, tiyak ko na na ayos na kami. Kaya sana naman, tumigil na itong kontrobersiya sa aming tatlo nina Roxanne at Jake Cuenca, we are all friends and let it just remain that way, para mas masaya," pagwawakas ni Bangs.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Palos star Bangs Garcia said that her family was at a loss about Sam Milby's denial. "They could not understand kung bakit the way he said it, parang wala lang kaming pinagsamahan. We were really very close, kaya ako talaga, malakas ang loob ko to tell everyone na talagang lumabas kami."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results