Maiksi ngunit nakakataba ng puso ang birthday message ni KC Concepcion para sa kanyang inang si Sharon Cuneta para sa kaarawan ng Megastar ngayong araw, January 6, 2022.
Ipinagdiriwang ngayon ng singer-actress-host ang kanyang ika-56 kaarawan.
Tinawag pa ni KC ang kanyang ina na “queen, first best friend, first valentine.”
Mahal na mahal din daw niya ito.
Buong mensahe ni KC: “January 6th has always been a special day. Happy birthday to the Queen!
“My first best friend, my first valentine, my only mama. May your day be filled with joy, laughter and love. I love you always, and no matter what.”
Wala pang sagot si Sharon sa post na ito ng anak.
View this post on Instagram
Sa kanyang Instagram, nagpasalamat naman si Sharon sa lahat ng mga bumati sa kanya.
Hindi na raw niya ito maisa-isa.
Sinamahan niya ito ng collage ng mga larawan niya mula noong kanyang pagkabata.
Buong mensahe ni Sharon: “Yup—these all me! [laughing emojis] Thank you so very much to all of you who sent me gifts (though totally unnecessary, truly much appreciated! [heart emoji]), cards, text messages to wish me a Happy Birthday today!
“So sorry po—di ko na kayang i-post isa-isa sa dami! But am thankful to God Almighty for all of you! You are in my [heart emoji].
“I love you all so much, family, friends, and Sharonians/Sharmy!!! So blessed to have you all in my life.”
View this post on Instagram
Noong mga naraang taon, lalo na nung wala pang pandemya, laging idinadaos ni Sharon ang kanyang kaarawan sa pamamagitan ng isang malaking konsiyerto.
Si KC ay anak ni Sharon sa dating asawang si Gabby Concepcion.